"HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN
Ilang sandali na ang nakalipas pero hindi pa rin makapaniwala ang mag-asawang Andrew at Aileen sa pinanood na video.
"I know mommy, daddy na hindi rin kayo makapaniwalang tulad ko pero ako mismo ang nakasaksi sa pangyayaring iyan kaya ko kinuhanan ng video para may ebidensiya ako at higit sa lahat para maipakita sa inyo ang sinasabi ko." Hindi man makapaniwala si Gracelyn at mas lalong hindi makahuma pero nagawa pa rin niyang ipinaliwanag ang side niya.
"Anak saan natin siya matatagpuan? Alam kong kahit hindi ni'yo sabihin pero alam kong nasa isipan ni'yo din na makapagpasagawa tayo ng DNA. Sapat na ang video na iyan upang gumawa tayo ng hakbang and we all know what I mean," makahulugang wika ni Andrew.
"Kaibigan at kapwa ko abogado ang boss niyang si Phillip pero sa pananalita't-galaw niya'y isa siyang propesyunal kahit na driver at personal bodyguard lamang siya. Pero malakas talaga ang kutob ko na hindi siya basta-bastang tao." Sagot at paliwanag ni Gracelyn.
Hindi makasabad sa usapan ang panganay na si Freud kaya hindi agad nakahuma pero sa kaibutuwiran niya'y may namumuong hinala kaya naman napahawak siya sa kanyang ulo bagay na hindi nakaligtas sa nakababatang kapatid.
"What's happening kuya? May problema ka ba? Are you with us or not?" Sunod-sunod na tanong dito ni Gracelyn.
"Dahan-dahan lang sa pagtatanong anak paano makakasagot ang kuya mo kung panay ang tanong mo? In that case let him answer first before you continue interrogating him." Nakangiting sabad ni Aileen ng akmang magsasalitang muli ang dalaga, ngiting nagpapagaan lang sa kalooban nilang apat dahil hindi kaila na sa napanood nilang video ay malaki ang naging epekto nito sa kanila.
"Sorry kung napag-worry kita sis pero the truth is malaki ang hawig ng lalaking iyan sa dumating last month sa kumpanya and he said their team will be the one who will handle the case o ang sinasabi ng mga tauhan ng kumpanya na palubog ang negosyo natin, at nitong nakaraang araw may investor akong tinanggap and he has a companion too na kamukhang-kamukha niyang nasa video and if I'm not mistaken siya iyan," nakasabunot sa ulo na sagot nito.
In his mind, hindi siya maaring magkamali ang nasa video ay ang kasama ng investor niyang si Don Fred na kamakailan lamang din pumasok sa kumpanya nila.
"Okey ganito na lang guys ang gagawin natin kailangan nating makausap ang kaibigan mo Gracelyn para makakauha tayo ng impormasyon tungkol sa kanya o sa lalaking nasa video. Bilang ama ninyo hindi ako puweding magkamali kadugo natin ang lalaking iyan and we need to be ready na tanggapin kung ano man ang katutuhanan ukol sa pamamaril nila sa manggagamot. Now let's draft a plan guys lalo na ikaw Gracelyn ikaw ng kakausap sa kaibigan mo para makaharap din natin ang driver niya. At ikaw Freud anak mag-file ka ng leave mo kumpanya but don't tell them the real reason why you're having leave we need to go to Baguio as soon as possible." Pahayag ni Andrew habang pinapanood muli ang video.
Napagkasunduan nilang apat kung ano ang dapat nilang, at sa napagkasunduan nila'y biglang napaisip ang ilaw ng tahanan na ikinabigla ng tatlo ang sumunod nitong binanggit.
"Mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan simula ng ideklara ng doktor na patay ang kambal na isinilang ko samantalang monthly naman ang pre-natal check up ko. Hindi madali para sa akin na tanggapin ang balitang 'yun kahit pa nakita ng dalawa kong mata ang dalawang sanggol at kahit binigyan natin sila ng maayos na libing sa puso't-isipan ko buhay sila at ngayon sa pagkakapanood ko sa video na iyan muling nabuhay ang ala-ala ng kahapon," samo't-saring emosyun ang mababanaag sa mukha ng ginang sa oras na iyun.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generalePaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?