" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIXTEEN
Dahil sa putok na hindi nila alam kung saan nanggaling ay nagkakumahog ang magkakaibigan sa pagligtas sa dalawang babae nilang kasama.
"What's happeni---" tangkang tanong ni Princess Ann pero agad itong pinutol ni Phillip.
"Ikaw ang sumugod dito tigreng nagkatawang tao kaya mamaya ka na magtanong kung ayaw mong mamatay unless na pagod ka ng kumain." Sagot ng binata saka hinila ito palapit sa kinaroroonan ng mga kaibigang pumasok para agapan ang kanyang ina.
Magsasalita pa sana ang dalaga pero mabilis na sumabad si Joe.
"Ah pareng Phillip, attorney Harden baka naman puweding lumayo na lang muna tayo dito sa lugar na 'to, mamaya na kayo magpatuloy sa inyong bangayan 'cause as you can see nasa alanganing situation tayong lahat." Malakas nitong saad sa pagitan ng pakikipagbarilan sa mga kalaban.
Dahil dito ay nagkaroon ng idea ang dalaga, bukod sa gano'ng tawagan nila ng driver niya ay naging maayos naman ang trabaho nito kaya naman isinantabi niya ang inis niya dito.
"Well you're right my friend, ganito na lang pagtulungan ninyong ilabas si nanay diyan at dumiretso kayo sa puting sasakyan diyan sa labas katabi ito ng itim ninyong sasakyan, let that poncious pilate drive the car kasya tayong lahat doon. Bilisan ninyong kumilos bago pa makalapit ang mga demonyo." Mabilis na sambit ng dalaga lalo at patuloy pa rin sila sa pakikipagbarilan sa mga kalaban.
"Iwanan ni'yo na ako dito mga a---" singit na wika ni Aling Wilma ng tangka siyang buhatin ng magkakaibigan pero naging maagap ang binata.
"Walang maiiwan dito inay! Com' on let's go!" Walang babalang sagot nito saka mabilis na binuhat ang ina.
"Alam ni'yo na ang dapat ni'yong gawin mga pare!" Utos ni Phillip sa mga kaibigan.
Bilang mga alagad ng batas, mga undercovers hindi na nagsayang ng oras ang mga ito. Naging mabilis ang kanilang kilos kahit pa may mga kalaban silang patuloy na bumabaril sa kanila.
The captives?
Bahala na daw sila sa kanilang mga buhay basta ang mahalaga'y makaalis silang lahat doon.
Makaraan ng ilang sandali....
"Boss patay na yata silang lahat wala ng lumalaban eh." Pukaw ng isa sa mga tauhan ni Jhay-R.
"Mabuti naman kung gano'n ng mabawasan ang mga tinik sa lalamunan ko." Gigil na tugon ng binata.
"Lapitan natin ang kabahayan boss ng makasigurado tayong patay na silang lahat lalo at nakita ko kaninang pumasok si attorney Harden diyan." Tugon ng isa at akmang mauuna na itong lalakad pero siya namang paglapit ng watch out nila na galing sa kusina.
"Bo--boss nakatakas sila Sandoval." Utal nitong saad bagay na ikinagitla ng mga kasamahan.
"What!? Akala ko ba pa---"
Pero hindi na rin natapos ng binata ang galit nitong sinasabi dahil naulinigan ang papalayong sasakyan.
"Mga inutil! Ano pa ang hinihintay ninyo! Habulin ni'yo sila at huwag hayaang makatakas!" Galit at halos magkasalubong ang mga kilay dahil sa gigil at galit.
Hindi na sumagot ang mga tauhan ni Jhay-R bagkus ay sumunod na lamang sila sa utos nito dahil alam nilang lahat na mas sasamin sila dito kapag sasagot pa sila.
"Ang dulas mo talagang hayop ka! Ilang beses na kitang pinagplanuhang itumba pero hanggang ngayon buhay na buhay ka pang lintik ka!" Ngitngit na wika ng binata saka mabilis ding tumalihis.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?