" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER FIVE
Kung sa iba marahil ay inatake na ng takot ang binata dahil bukod sa dalawa ang nakasagupa niya'y may mga hawak na kutsilyo, pero para kay Phillip ay hindi iyun hadlang sa kanya dahil sanay na siyang hinaharang ng kung sino-sino lalo na ang mga kagaya niyang sanggano kung ituring ng mga tao.
"Hindi ka na makakatakas ngayon Sandoval ka! Masyado ka kasing pakialamero! Epal ka pa!" Malakas ang boses na sabi ng isang lalaki.
"Tsk! Tsk! Ikaw kalbong ewan kung saan nanggaling ang kapiranggot mong utak huwag na huwag mong kakantihin kahit sino sa malalapit kay inay dahil kahit saang sulok ka ng impeyerno hahanapin kita para singilin." Ismid na wika ni Phillip na mas ikinainit ng ulo nito.
"Ang yabang mo! Ito'ng para sa'yo!" Galit na sabi ng lalaki sabay bigwas kay Phillip gamit ang kutsilyo, pero naging maagap ang binata inilagan niya ito saka parang ibon na umangat ang katawan sa lupa. Binigyan niya ng nakakaliyong sipa ang lalaking mananaksak sana sa kanya.
"Sino ngayon ang mayabang sa atin kalbong panot ka? Tandaan mong hayop ka oras na mabalitaan ko pang may mabiktima ka sa palengke ora mismo ako ang maniningil sa buhay mong lintik ka!" Mariing aniya ng binata dito na banaag sa boses ang pangangalaiti.
Hindi agad nakasagot ang lalaking namimilipit ngayun sa sakit dahil sa tinamong round kick sa binata, pero palihim na tumingin sa kasama na para bang sinasabi na ikaw naman ang umatake sa kalaban. Pero hindi iyun nakaligtas kay Phillip kaya naman ibinaling nito ang paningin sa isa pang lalaki na may hawak na kutsilyo at pamalo.
"Oh anong silbi ng armas mo kung hindi mo ito gamitin? Hindi ba't iyan ang plano ni'yo? Ang itumba ako ngayon dahil mag-isa lang ako? Tsk! This is your chance you two!" Panghahamon pa ng binata dito.
Pero sira-ulo na siya kung hindi niya napansin ang panginginig nito, kaya naman lumapit siya dito. Well hindi naman siya pumapatol sa isang taong kalaban-laban pero ang plano niya'y alamin kung lalaban ba ito o hindi. Pero ang hindi niya inaasahan ay ng natapat siya sa unang lalaki ay pinatid siya nito dahilan para natumba siya pero agad niyang naisuporta ang mga bisig bago pa man siya tuluyang bumagsak sa semento. Hindi rin nakaligtas sa sulok ng kanyang mga mata ang pagbigay nito ng senyas na sugod na.
"Hayop ka! Akala mo ba'y ligtas ka na ha hindi dahil itong para sa iyo!" Tungayaw ng lalaki sabay sugod sa binata kasama ang napipi't nanginginig na lalaki
Sa isang actual na labanan o sa pelikula ay nagagawan ng paraan para hindi madali ang bida. Ang ginawa ng binata ay tumihaya siya para makita ang mga kalaban, sa kanyang pagtihaya ay siya namang pagsugod ng dalawa kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa, kumbaga sa isang agila'y lumipad siya at binigyan ng round kick ang mga kalaban niya.
"Ahhh!" Dinig pa niyang daing ng dalawa dahil sa pagkakabagsak.
Nang nilingon ito ni Phillip ay kitang-kita niya na parang mga papel ang dalawa na lumipad sa isang sulok kaya't hindi na siya nagsayang ng oras. Agad siyang lumapit sa mga ito.
"Ano laban pa kayong dalawa?" Ismid niyang tanong, ang lalaking nandukot sa kaibigan ng nanay niya ay parang may balak pang lumaban kaya muli itong hinarap ng binata.
"Ikaw kalbong panot ka wala ka na talagang kadala-dala. Binigyan na kita ng pagkakataon sa palengke pero ano itong ginawa mo nagsama ka pa ng mas matakutin pa yata sa isang totoy." This time mabigat na lamang ang boses ng binata pero hindi na malakas.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Narrativa generalePaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?