" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TWENTY-FOUR
"Mga bro baka naman puweding hayaan ni'yo munang magpagaling muna ang taong aarestuhin ninyo? And besides hindi naman tayo BOBO at TANGA para hindi alam ang bagay na iyan." Hindi nakatiis na sabad ni Arnold na pinakadidiinan pa talaga ang dalawang kataga.
"Tama naman siya mga iho. By the way I'm a lawyer at ako mismo ang magpapakulong sa inyo kapag hindi kayo titigil." Kalmado pero mapanganib na sambit ni Andrew na sinang-ayunan din ng dalawa pang abogada.
"As I am, sorry ha pero huwag kayo basta-basta nanghuhuli ng walang dahilan." Saad ni Gracelyn.
"Well natauhan naman na kayo siguro? At ang taong pinusasan ni'yo ay isa ding pulis, sa katunayan ang mga nandito ay mga alagad ng batas kaya kung wala kayong dalang warrant of arrest ay mas mabuting umalis na kayo bago pa kami magdemanda." Sa pagkakataong iyun ay naging normal na ang boses ng dalaga pero sapat na upang narinig ng nandoon.
Sa narinig ay agad napatingin ang binatang si Phillip sa mga kaibigan at pinukol ng matalim na tingin pero itinaas lang ng tatlo ang mga kamay na akala mo ba'y mga criminal na aarestuhin. Pero bago pa man nito masabon ang tatlo ay nagsalita ang kanina pa nanahimik na talaga namang pinag-isipan ang hakbang na gagawin.
"Ako ang dapat ni'yong aristuhin hindi siya. Wala siyang kasalanan kaya itigil ni'yo iyan. I'll come with you guys by my own will." Aniya nito na pilit bumangon pero dahil nasa maselang bahagi ang tinamaan ng baril ay nabigo lang ito.
"Huwag mong pilitin anak baka muling dumugo iyan." May pag-aalalang wika ng Ginang.
"I'm okey thanks." Tugon ni Andaya pero siraulo lamang siya kung ipagpipilitan niya ang bagay na iyun.
Dito, napansin ng mga police ang isa pang lalaki na nasa hospital bed, kaya naman nagpalit-lipat ng tingin ang mga ito.
"See? Hindi ninyo alam kung sino ang inaaresto ni'yo kaya dapat naman umalis na lang kayo." Princess Ann says with matching giggling.
Paano daw ba kasi nasa harapan niya ang labidabs niya!
"Baka naman puweding tanggalin ni'yo na ang posas ni Phillip mga iho aba'y mas mahihirapan siyanhg magrecover kapag nagkataon sa akin kayo lagot. Hayaan ni'yo namang magkaroon ng love life ang anak ko." Sabad ni Ralph Raven II. Idinaan pa sa biro ang pagsabad!
Kaya naman kahit nasa seryosong sitwasyun ay napahalakhak pa rin sila. Paano naman daw kasi hindi pa nakakapanligaw ang poncio pilatong pulubi ay ikukulong na ito. But at the end ang mag-asawang Sandoval na rin ang nagpatahimik sa tawanan bago nagsalita.
"Sorry policemen sa distorbo, ako na ang humihingi ng paumanhin kung naabala namin kayo but gaya ng sabi ng mga kapwa ni'yo police hindi kayo makakapag-aresto na walang dalang document o ang warrant of arrest but that's not the issue there. Karapatan ni'yo iyan dahil it's your job pero if I were you guys go back to the head quarters and tell to your chief of police na walang mangyayaring demandahan kaya naman natural lamang na wala kayong dapat arestuhin. " pahayag ni Andrew.
"Magkambal ang dalawa and hindi naming papayagan ang bagay na iya so if I were you guys sundin ni'yo na lang ang asawa ko dahil ipinagpilitan ni'yo ay baka mapahamak pa kayo." Sabi ni Ginang Ailleen.
Tuloy, hindi agad nakapagsalita si Jhay-R. Hindi niya akalaing gano'n kabait ang pamilyang pinagmulan. Mabait naman sa kanya ang yumaong ama o ang nakalakhan niyang tao na nagpalaki sa kanya pero tama din ang sabi ng taong nakalaban niya na kung mahal siya nito ay hindi siya itinulak sa kasamaan.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?