CHAPTER TWENTY-FIVE

1.4K 51 2
                                    

"HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER TWENTY-FIVE

FLASH BACK.....

Since the truth was prevailed, naging regular na rin ang binata sa trabaho o mas tamang sabihin  na pati ang trabaho  nilang magkakaibigan ay naisapubliko na rin. Even his rank became higher or he was promoted as well.

"Saan ka pa pare nagkaroon ng malaking pamilya , promotion, at love life." Pangangantiyaw nga sa kanya ng mga sutil niyang kaibigan.

"Ang tagumpay ko ay tagumpay ni'yo rin but of course makasarili ako when it comes to love life kaya wala akong maibabahagi sa  inyo." Tugon nito pero pinagbabatukan nila ito.

"Gago alangan namang makipag-share kami diyan eh sa'yo iyan 'tado." Nakatawang aniya ni Joe.

"Hoy Sandoval kahit mga simpleng mamayan lang tayo abah may  love life naman kami ah ikaw lang yata kasi ang walang sweetness sa katawan." Segunda iyan ni Leo.

"Tama nga mga 'pre kahit yata maghubad ang babae sa harapan niyan eh walang titindig na balahibo. But take note ha mukhang may mini-masungit na. Opps relax parekoy hindi na tayo kapanganak kahapon ah daily exercise ni'yo na iyan ni Tigreng nagkatawang tao ah. Aba'y saan pupunta iyan every night." Pang-aasar pa ni Arnold saka mabilis na nagtago sa likod ng dalawa pa nilang kaibigan dahil nakaamba ang kamao ni Phillip.

Dahil dito umugong ang tawanan nilang apat. But  deep inside of him wala iyun sa kanya. Hindi niya iyun ikinakahiya dahil totoo naman kasing sa tuwing lumalabas silang magkasintahan ay hindi nawawala iyun at hindi niya pagsisisihan na ito ang babaing minahal at mas mamahalin. Kahit pa lagi niya itong tinatawag na tigreng nagkatawang tao. He loves  her that much at handa na siyang pakasalan ito para maging legal ang pagsasama nila.

But...

"Ouch! Bakit kayo namimitik?" Salubong ang kilay na aniya ng binata.

"Gago umagang-umaga nagday-dreaming." Sabay-sabay na sagot ng tatlo saka mabilis na lumayo. They all know him palabiro, palakaibigan pero malakas mambatok kaya naman agad silang lumayo dito. Kaya naman napailing na lang si Phillip sa  ginawa ng mga kaibigan.

"Tado mga ito panira ng moments. Huh!" Nakailing na sambit ng binata at akmang susunod na rin sa mga kaibigan pero siya namang pagdating ng kambal.

"Oh kambal ikaw pala maupo ka." Saad niya.

"Thanks kambal. Aba'y mukhang pinagkaisahan ka na naman ng mga kaibigan mo ah. Nakasalubong ko sila diyan sa labas na nagtatakbuhan." Sagot naman nito.

Ang bahay nilang mag-ina ni Aling Wilma ay ginawang apartment ng apat o ng magkakaibigan, dito sila nakatambay o nagkikita-kita dahil hindi pumayag ang pamilya Sandoval na hindi tumira sa mansion nila sa La Union ang Ginang. Ang rason ng mga ito ay kulang pa ang bagay na iyun upang  mapunan ang pagpapalaki at pag-aaruga sa binatang masungit este  ni Phillip. Pero dahil siyudad ng Baguio ang trabaho nito ay ang ina o nakalakhang ina na lamang ang pinatira sa malaking bahay ng mga biological parents although  daily naman siyang dumadalaw doon kasama ang nobyang si tigreng nagkatawang tao.

"Oo kambal mga panira ng moment ang mga iyun eh. By the way baka may utang ako sa'yo  nito? Aba'y himala at dumalaw ka dito?" Pangbibiro pa niya kay Jhay-R bagay na ikinatawa nito.

"Ikaw naman bro siyempre we're family kaya natural  na dalawin kita. But well since na natanong mo hindi ba tayo pupunta kina mommy ngayon? Remember it's family day  you know." Sagot nito saka ininum ang iniabot na tubig ni Phillip.

Speaking of Jhay-R, mas pinili nito ang nagpatuloy sa trabahong kinalakhan, kasama nito ngayon sa bahay ang dalawang katulong, at dahil siya na rin lang naman ay ibinigay ang karampatang halaga para sa mga ito at naiwan ang taga-luto saka ang taga-linis at dahil likas na nananalaytay sa dugo ng binata ang pagiging matulungin ay itinuring na tunay na kapamilya ang mga ito.

HOW CAN BE A LOVER IF  WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon