" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIX
******
"Take it or leave it!" Ismid na sabi ng Don.
"Pero ano ba ang kasalanan nila sa'yo at gusto mong ipa--"
Pero pinutol ng Don ang pananalita ng doctor.
"Ang sabi ko take it or leave it, hindi ko sinabing maari kang magtanong. Just tell me kung hindi mo kaya ang ipinapagawa ko ng maipasa ko sa iba. But take note alam mo na kung saan ka lulugar oras na hindi mo magawa ang nais ko." Pananakot pa nito.
Don Fred, was one of the richest in the whole region. Kinatatakutan ng karamiham dahil sa yamang material lalo na ang pera, kapag pera ang kumilos lahat nagagawa lalo na sa mga madaling masilaw sa kinang nito.
"Pero reputasyun ko ang nakasalalay dito Don Fred. Ano na lamang ang sasabihin by mga kapwa ko manggamot kapag malaman nila ang kalokohan na gagawin ko?" Aniyang muli ng doctor.
"Matanong nga kita doc, noong tinanggap mo ang una kong offer naisip mo ba ang bagay na iyan? Noong pumasok ka sa grupo ng mga mukhang pera naisip mo rin ba kung ano ang maaring dulot nito? Ngayon isang tanong isang sagot doc, maaasahan pa kita sa pagpatay sa kambal ng mortal kong kaaway? Well nasa i'yo na iyan kung gagawin mo o hindi dahil kilala mo ako hindi tumatanggap ng excuses, nakinabang ka na kaya't dapat makinabang din ako. Remember hawak ko kayo sa leeg ng pamilya mo kaya you don't have any choices at all." Pamang-insultong pahayag ng Don.
Hindi na nakaimik ang doctor dahil totoo naman kasi ang tinuran nito. Malaki ang naitulong nito sa kanya at sa buong pamilya niya lalo na sa kanya, ito ang tumulong sa kanya ng mga panahong nagsisimula pa lamang siya bilang manggagamot.
"Well kung ayaw mo ibibigay ko na iyan sa iba doc, at gaya ng sabi ko asahan mo ang kapalit ng pagtanggi mo sa akin." Muli ay wika nito ng hindi nakasagot ang kausap.
"Sige Don Fred ako na ang gagawa pero sana naman huwag mong idamay ang pamilya ko also mo namang sila lang ang mayroon ako." May pagsukong sagot ng doctor.
Para namang nanalo sa lotto ang Don dahil sa narinig.
"Akin ang huling halakhak! Hindi kayo ang makakahila sa akin pababa." Mala-demonyong sabi nito na ang mga mata'y parang nagliliyab na apoy.
"At ikaw naman doc papayag ka naman pala'y ang dami mo pang pasikot-sikot. Sabi ko naman sa'yong madali lang akong kausap eh." Tuwang-tuwa pa nitong sabi sa doctor habang tinatapik-tapik ang balikat nito.
Few hours later...
"Paano nangyari iyun doc? Monthly ang prenatal check ng asawa ko pero paano nangyaring patay ang kambal namin?" Hindi matukoy kung ano ang damdaming lumulukob kay Andrew ng oras na iyun.
"Normal death ang tawag diyan Mr Sandoval dahil paglabas pa lang nila ay patay na sila. I'm so sorry for the lost sir." Malungkot na sagot ng doctor.
"No! Sabihin mong nagbibiro ka lang! Tell me that you just--paano nang--" hindi matapos-tapos ni Andrew ang nais sabihin dahil hindi niya matanggap na muli na namang nawala ang sanggol nila.
Ilang taon din ang lumipas simula ng huling nagbuntis ang misis niyang si Aileen, laking tuwa nga nilang mag-asawa dahil sa wakas ay natupad ang matagal nilang pinapangarap na magkaroon ng kambal na anak pero ngayon muli na namang nawala ang sanggol. Mahirap para sa isang magulang ang pinagdadaanan nila. Wala pang malay ang asawa niya pero hindi na niya alam kung paano ipagtatapat dito ang nangyari sa kanilang anak.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?