" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIEND "
WRITTEN BY: SHERYL FEECHAPTER EIGHT
"Anong problema anak bakit mukhang pasan mo ang mundo ngayon?" Salubong na tanong ni Andrew sa anak.
"May nagbacked-out na investor daddy." Tugon ni Tyler Freud sa ama.
Ito ang pumalit sa ama bilang general manager sa Sandoval Corporation, samantalang si Gracelyn ang nakamana sa pagkaabogado ng ama.
"Anak huwag ka ng malungkot, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? At your age compare to the others, malayo na ang narating mo. You studied in an independent school just to be far from us as well as you never use our connection just to achieve your dream, so bakit ngayon pinanghihinaan ka yata ng loob? Is there's any other something wrong iho?" Tanong ni Andrew sa binata.
Pakiramdam kasi niya'y hindi lang iyon ang iniisip ng anak, hindi man niya alam pero aalamin niya sa tamang paraan dahil ayaw niyang mas manghinayang at panghinaan ito ng loob.
"Daddy hmmmm don't be mad at me pero can I ask you something?" Nakayukong balik-tanong nito.
In his mind, hindi siya nagkakamali may ibang dahilan ang pagkaaburido ng binata.
"Sure iho go ahead, ano ba iyon Tyler anak?" Sagot ni Andrew
His wife and Gracelyn was in the charity foundation na pag-aari ng pamilya Sandoval kaya silang mag-ama lang ang naiwan sa malaking bahay na minana pa ni Andrew sa yumaong ama na si Don Gustavo dahil sa plane crash.
"Totoo po ba dad na malas ang pamilya natin kaya nagba-backed out ang ilan sa mga investors natin?" Sa wakas ay nasabi din nito ang nais sabihin.
Nagulat naman ang Ginoo dahil sa narinig mula sa anak, although may hint na siya kung ano ang nais tukuyin nito pero gusto niyang makasigurado.
"What do you mean iho? And who told you that?" Balik tanong niya dito.
"Sa opisina daddy, wala akong kaalam-alam diyan pero kanina narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao doon lalo na ng nag-walked ang investor natin na ka-negotiates sana namin ng board of director. Kaya daw unti-unting lumulubog ang kabuhayan natin dahil malas daw tayo, kaya daw namatay si grandpa , kaya daw sunod-sunod ang pagkawala ng mga kapatid namin Gracelyn dahil malas daw tayo. May nabanggit din ang isa na salot daw tayo sa lipunan, hindi nila alam na narinig ko ang usap-usapan nila pero hindi ko rin ipinaalam sa kanila ang presensiya ko sa kadahilanang wala akong alam." Mahabang paliwanag ni Tyler Freud.
Sa narinig ay kumuyom ang kamao ni Andrew, anong kinalaman ng personal nilang buhay sa negosyo? Mukhang may sumasabutahe na yata sa kabuhayan nila na hindi nila nalalaman, paano nangyaring salot sila ng lipunan? Kailan nagsimulang lumubog ang kompanya nila samantalang maayos ang takbo nito at kita?
"Stop bothering yourself son dahil lahat ng iyan ay walang katutuhanan. Don't worry I'll come with you to the office tomorrow para linawin ang lahat ng iyan. And besides iho you're a businessman and you know the flow of our business so anong ikinakabahala mo? Never mind them son on their murmuring as long as walang katutuhanan ang mga sinasabi nila just go ahead with your ways in handling the business." Ani Andrew.
For the first time kasi niyang nakita na gano'n ang anak kaya naman labis siyang nababahala. Tahimik na tao ang mga anak niya pero delikado ring magalit kaya siya bilang ama ng mga ito ang nakapagitna.
"Mabuti pa nga daddy dahil sorry to tell you po na wala akong alam diyan sa kamalasan issue na iyan, and beside anong kinalaman nila sa private life natin?" Tugon din sa wakas ng binata.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?