" HOW CAN WE BE LOVERS IF WE CAN'T BE FRIENDS "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TWENTY-THREE
"Sino po ang kamag-anak ng mga pasyente?" Tanong ng doctor na umasikaso sa kambal.
Na siya namang pagdating ng mag-asawang Sandoval, mag-asawang Ralph Raven II, si Freud, ang dalawang dalaga , si Aling Wilma na kahit kalalabas lang galing pagamutan ay hindi nagpapigil na, sumama ito dahil gustong makita ang anak.
"Kami doc, we are their parents, and they are their siblings." Agad na sagot ni Andrew sabay turo sa mga tinutukoy na kamag-anak o pamilya.
"Okey, I'll tell you immediately we are in need of blood. They are twins right? Therefore both of them need a blood. Kung hindi ako nagkakamali galing sila sa isang operation. Lalo na ang isa lima ang tama sa katawan, the good thing to the other one is isa lang ang tama niya but in his sensitive part." Pahayag ng doctor.
Hindi na sila nagsayang ng oras, pumasok ang pamilya Sandoval sa operating room upang isagawa ang blood transfusions. At hindi nagtagal ay muling lumabas ang doctor. Bilang kapamilya at kaibigan ni Phillip, halos sabay-sabay silang nagtanong dito.
"Doc kumusta ang mga pasyente? " Sabay-sabay nilang tanong.
Pero hindi agad sumagot ang doctor bagay na nagpa-alarma sa mga ito.
"Why doc? What happened? Come on tell us now!" Ayun hindi na nakatiis ang abogada.
"They are identical twins even me----"
"Go straight to the point now! Tell us what's going on!" Inis na sabi ni Princess Ann.
"Relax attorney Harden don't worry fighter si pareng Phillip kaya huwag mag-alala dahil hindi pa iyun mamatay." Pampalubag-loob ni Joe dito dahil as she acted, daig pa ang nobya nito.
"I'm so sorry guys pero isa lang sa kanila ang nakaligtas sa bingit ni kamatayan at siya iyong mas maputi and he's ready to be transfered in room but sad to say guys 'yung moreno we did our best pero sa dami ng nawalang dugo sa kanya hindi----"
"No! No! Tell us your just joking! Sabihin mong buhay si Phillip! Bakit ni'yo pa siya binigyan ng dugo kung hindi naman pala makakaligtas! Buhayin mo siya! Buhayin mo!" Alarmadong sabi ng magkakaibigan na kulang na lamang ay bugbugin ang doctor na hindi na pinatapos ang pahayag. Dahil kahit hindi nito matapos ang sinasabi ay alam nilang si Phillip ang tinutukoy nito. Their friend has a moreno features.
Pero mas nagwala sila ng makitang inilabas na ang stretcher ni Jhay-R at naiwan si Phillip na sinisimulan na ang pagtanggal sa mga aparatos na nakakabit dito. Dito hindi nakatiis ang kanina pa nagdadasal na si Aling Wilma, sumabad siya.
"Huwag! Huwag ni'yong tanggalin ang mga iyan! Buhay ang anak ko! Hindi ako iiwan ni Phillip!" Kumawala na ito sa nakaalalay na si Ginang Sheryl Ann, kahit kagagaling lang din nito sa operation ay hindi nito ininda dahil sa kagustuhang makalapit sa binatang kung tutuusin ay hindi niya kaano-ano pero dahil siya ang nagpalaki dito ay masakit na makitang nasa bingi ito ng kamatayan.
"Phillip anak parang awa mo na huwag mo akong iwan wala na akong pamilya at ikaw na lamang mayroon ako sa mundong ito. 'Diba sabi mo ayaw mong nalulungkot si nanay? Kaya anak gumising ka na please." Umiiyak nitong sabi.
"He's gone mother kaya huwag---"
"Hindi! Hindi paari iyang sinasabi mo! Buhay ang poncio pilatong pulubi na iyan! Kailangan ng bayan ang katulad niya!...Kailangan ko pa siya dahil ayaw kong mawala siya sa buhay ko dahil mahal ko siya." Nais pa sanang idugtong ng dalaga pero nakahiyaan na niya, instead lumapit siya dito.
BINABASA MO ANG
HOW CAN BE A LOVER IF WE CAN'T BE FRIEND WRITTEN BY : SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionPaano nga ba magmahalan ang mga taong hindi rin naman puweding magkaibigan?