CHAPTER FOUR (edited)

2.9K 36 0
                                    

- 4 -

Lianne's Point Of View

Dumaan ang araw at linggo pero hindi pa rin nagigising si Raymond. Walang araw na hindi ko ito dinadalaw. Matapos ang out ko sa school ay saglit lamang akong uuwi at pagkatapos ay sa ospital na ako magdamag. Minsan naman ay maaga rin akong umuuwi para asikasuhin naman si Lola.

Matanda na ito kaya ang ibang trabaho sa bahay ay hindi na nito kayang gawin.

Sa araw-araw naman na nandito ako sa ospital ay araw-araw ko ring  nakakasalubong o di naman kaya nakakausap si Dr. Granderson.

He's a great guy.

Siguro kung isang teenager na babae lamang ang makakakita sa isang doktor na kagaya niya ay siguradong gumulong na ito sa sahig dahil sa kilig. Isang ngiti lamang kasi nito ay makakapagdala ng kilig sayo at sa buong sistema mo. Bakit ko alam? Hay napagdaanan ko na rin kasi 'yan.

Oo gwapo siya. Malaki at malusog ang pangangatawan. At kapag sinabi kong malusog, yung maganda ang hubog ng katawan. Yung may abs. Hindi ko pa man ito nakita ng hubad ay tantiya ko na mayroon.

Pero kahit ganon. Mananatili ang loyalty ko sa lalaking minamahal ko. Yun ay si Raymond. Kahit gaano pa kagwapo ang makasalamuha mo kung mahal na mahal mo ang lalaking nagpapatibok ng puso mo ay mawawalan ng saysay ang kagwapuhan niya. Kahit kasing kisig niya pa si Chris Evans.

Hawak ko ang isang paper bag na naglalaman ng mga ginawa kong Lumpiang sariwa o Fresh spring rolls.
It is vegetable dish composed of different vegetables na sariling atin, with a soft wrapper garnished with sweet sauce and crushed peanuts.

These is my favorite!

Dadalhan ko sila Tita. Medyo marami nga ito dahil hindi ko naisip na konti lang pala kaming kakain.

Bale apat na tupperware ito at apat na tupperware din ng sauce.

Ipapauwi ko na lang kung hindi nila mauubos.

Pumasok ako sa private room kung nasaan siya. Nadatnan ko pa si Dr. Granderson na nagsusulat ng kung ano sa papel kasama ang isang nurse.

Pinagmamasdan ko lang sila nang biglang tumunog ang cellphone ko at binasa ang nakasulat.

Lia? Medyo malilate kami ng dating ni Tito Lucas mo. May aayusin lang kami sandali. Hintayin mo na lang kami ha?

What do you want to eat? Tell me. At 'wag kang tatanggi.

Napangiti na lang ako at sinabing  okay lang po bago ko sinabi kung ano ang gusto ko pagkatapos ay  ibulsa na ang cellphone.

Napansin ko sa ospital na ito ay napaka caring talaga sa mga pasyente. As in.

"Good evening doc."

"Good evening." Baling nito sa akin bago nagtapon ng isang ngiti. Pagkatapos ay bumaling ito sa lalaking nurse at ibinigay ang dalawang folder na hawak nito. "Give these to Dr.Ward nurse Jull. Thank you"

"okay Doc."

Isinukbit ni Dr. Granderson ang ballpen sa kanyang coat habang nakatingin kay Raymond at bago humarap sa akin nang nakangiti.

"Mukhang Inaantok ka na doc ah?"

"uh yeah. Nakaka stress ang ibang pasyente. Ang kukulit, tsk! Wala kasi ang isang doctor kaya ako muna ang umasikaso sa pasyente niya kagabi hanggang kanina."

Napa 'O' na lang ako dahil tiyak na nakakapagod nga iyon.

"Excuse me. Nagugutom na kasi talaga ako kaya kailangan ko ng umalis. Hindi ko na naasikasong kumain kanina."

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon