CHAPTER TWENTY-ONE

2.2K 32 0
                                    

- 21 -

From Khaled:
Susunduin kita.

Mabilis akong nagtipa ng 'Okay!'
Bago ipinasok sa bag.

Nang makapag out na ako ay naghintay na lang ako sa waiting area ng school.

"Hey beautiful!"

Napa angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Khaled.

He's really handsome and....Hot!

"Wait! Napatayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan siya. May pasa at sugat siya sa gilid ng labi at halatang malalim ang iyon. "What happened? Who did that to you?"

Nakita kong napatingin ang ibang kumakain kaya hinila ko siya paupo. "Shhh..babe it's nothing. Nabangga lang." sabay hawak niya sa kamay kong humawag sa gilid ng labi niya.

"Nothing? At nabangga lang? Pinaglololoko mo ba ako Khaled?" medyo naiinis na tanong ko.

"Okay beautiful. You need to calm down first. You're worried do you?" ngingisi-ngisi niyang tanong.

Huh?!

"W-what? No! I'm just curious." Pagdadahilan ko.

"Oo na lang." nakakalokobg ngiti ang binigay nito sakin.
Aba't---hay! Oo na.

"Fine. Di na ako magtatanong kung sino ang may gawa niyan." tumingin siya sa akin at malokong ngumiti, pero inirapan ko lang iyon.

"Sungit naman. Let's go? May ipapakita ako sayo."

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Where?"

Hindi niya na ako sinagot. Tumayo lamang siya at inilahad lang nito ang kanyang kamay, wala na akong nagawa kundi tanggapin din iyon.
Hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ay pangiti-ngiti lang siya at kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya ay kikindat lamang siya.

Hindi ko naman maikakaila na napapabilis nito ang tibok ng puso ko at hindi iyon normal!

"Khal? Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

"Babe. Just wait, okay?" talaga nga yatang hindi na mapuknat ang ngiti sa kanyang labi. "Okay.." yun na lang ang isinagot ko. Desidido talaga siyang huwag sabihin.

Makaraan ang labing limang minuto ay pumasok ang sasakyan sa isang village. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Inilapit ko pa ang mukha ko sa bintana at don nakita ko ang two storey house pero napakalaki. Wow!

Nang makita kami ng isang guard ay kaagad itong umaksyon at pinagbuksan kami ng gate.

Hindi ko gusto ang bahay na glass wall pero bakit ngayon masasabi kong parang gusto ko na. Mas lalo pang nagningning ang mga mata ko nang makita ang magagandang bulaklak na alam kong alagang-alaga dahil sa itsura.

"Did you like it?" tanong ni Khaled habang kinakalas ang sarili nitong seatbelt. Tumango ako bago
kinalas ang akin. Mabilis siyang umikot at pinagbuksan ako.

Bahay ba niya 'to? Ang laki naman.

Siya na mismo ang nagbukas ng pinto at pinauna ako nitong pinapasok. "Bahay mo ba 'to?"

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon