- 25 -
🖤Nagising ako at napamulat nang dahil sa may naramdamang mayroong pumulupot sa aking baywang.
Bumaling ako sa tabi ko at nakita ko si Khaled na sarap na sarap sa pagtulog. Kaagad ko namang naalala ang kagabi. Masyado talaga itong napagod kaya kahit kape hindi tumalab para manatiling mulat.
Dahan-dahan kong tinaas ang kamay niya para makapagluto na ako ng breakfast. Buti na lang ay hindi kami nadatnan ni Lola rito sa ganoong posisyon. Siguradong papangaralan ako nito kapag nagkataon. Hinayaan ko munang nakababa ang mga kurtina at isinara ang pinto ng kubo.
Nang nakapagsaing na ako ng kanina ay doon naman nagising si Lola. Binati ko ito at ipinaalam na dito natulog si Khaled.
"Aba, nasaan siya?" Tanong nito habang naghihilamos.
"Nasa kubo La, doon na siya nakatulog kagabi, hindi ko naman na pinilit magising kasi gusto niya raw doon." Tumango ito.
"Eh ikaw saan ka natulog?" Hindi ako laagad nakakibo. Ito na.
"D-Doon din po." Hindi ko na siya nilingon. kunwari ay bising-busy ako sa ginagawa ko.
"Hindi na kita pipigilan kung anong gusto mo. Kung jan ka masaya ay ayos lang sa akin. Basta tandaan lagi ang limitasyon apo." Napalingon ako dahil sa sinabi niya."Opo! Sus, pakiss nga." Lumapit ako sa kanya hawak ang sandok. Natatawa lang ito sa inasta ko. Nakakapanibago naman ng Lola ko.
Bumalik ako sa pagluluto at nang matapos ay inihanda ko kaagad ang mga iyon sa lamesa. Lumabas ako para gisingin ang tulog mantikang doktor.
Pagkapasok ko ay nakita ko na itong nakaupo habang hawak ang mukha. "Gising ka na pala. Nakapaghanda na ako ng almusal, kumain na tayo. Maaga pa ang pasok mo." Lumingon ito sa akin na may ngiti sa mga labi.
"Good morning." Bati nito.
"Good morning din. Halika na." Hinila ko soya dahil parang wala siyang balak tumayo.
"I have a question." Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko. "Did you slept beside me?" Ngumiti ako.
"Oo, bakit?"
"Nothing, I thought it was a dream. Fuck totoo pala. I had a good sleep in here." Nagkunwari akong inirapan siya.
"Sus, gusto mo lang matulog pa rito e. Tara na nga!" Talagang hinila ko na siya para tumayo.
Humigpit ang hawak nito sa kamay ko. Chansing! Hm.
Bago kami kumain ay gumawa muna ako ng kape para rito.
Naghuhugas ako ng plato ng makitang umilaw ang cellphone ni Khaled. Bumaling ako sa banyo kung nasaan siya, kakapasok niya lang.
Hinayaan ko lang iyon hanggang sa hindi ko na natiis dahil naging sunod sunod ang pag ilaw non. Naka silent kaya hindi maingay.
Janica:
Khaled, bakit wala ka rito sa hospital? May dala ulit akong breakfast. *smile Emoji*Janica:
Love, are you busy?Janica:
Ako na lang pupunta sa condo mo, baka tulog ka pa. I miss you!Kaagad ko iyong ibinaba, may mga kasunod pang mensahe pero hindi na ako nag-abalang buksan pa. Hindi ko alam kung bakit nag-init ang dugo ko sa katawan.
Hindi rin nagtagal ay lumabas si Khaled sa banyo.Nilingon ko siya pero kaagad ko ring inalis iyon nang magtama ang mga mata naming dalawa.
Nakita kong sa peripheral vision ko na dinampot niya ang cellphone niya. Buti na lang at may sumunod na mensahe iyong Andrea kaya hindi halatang nagbasa ako.
BINABASA MO ANG
I Love You Doctor (Complete)
Romance01.KIEZAZE | Tagalog English "I'll just forgive him and move on. No matter what happened in the future, I am ready. Tatanggapin ko lahat maging kami man o hindi sa huli, dahil ganoon ang nagmamahal at ganoon ko siya kamahal." -Lianne. Real love won'...