CHAPTER THIRTY

2.2K 27 0
                                    

- 30 -

"It's been a years since the last time I touched you like this..."

Nagising ako dahil sa mainit na bagay na humahaplos sa pisngi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero kaagad na kumabog ang dibdib ko nang makita kung sino ang nakatitig sa akin ngayon.
Mabilis akong bumangon na ikinatayo niya.
"Lia..." Uminit ang mga mata ko dahil sa narinig.

"H-hindi!" Natatarantang saad ko. Kung nanaginip lang ako, gusto ko ng magising ngayon din.

"Lia..." Tawag ulit nito sa pangalan ko. Ayokong marinig! Ayoko! Si Khaled, nasaan siya?

Oh my Ghad...

Lumapit ito sa akin kaya napasigaw ako. "Ahhh! Oh my Ghad! W-wag kang lalapit.." sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilang umiyak.

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito nang layuan ko siya. "Baby..." May paghihirap na sambit nito.

"B-Buhay k-ka?" Garalgal ang boses kong tanong. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang tumango siya.
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib.

Bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Tito at Tita habang may hawak na batang lalaki.

"Hija..." Naluluhang bungad ni Tita na mas lalong ikinaiyak ko.

"T-Tita kailangan p-pa?" Humahagulgol kong tanong. Hindi ito sumagot. Bagkus ay umiyak lang ito habang mas hinigpitan ang yakap sa hawak nitong bata.

"Tita kailan pa?! Kailan pa!" Itinakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko.

"When you passed out years ago..." mahinang sagot ni Tito na narinig at ikininatigil ko. "M-Matagal na?! Matagal na pero hindi niyo man lang sinabi sa'akin? Pinaniwala niyo ako sa kasinungalingan niyong patay na siya!" May hinanakit na turan ko habnag bumaling kay Raymond na tumulo na rin pala ang luha.

Biglang umiyak ang bata na hawak ni Tita kaya inalo niya ito. "Mom, please let me do this?" Pakiusap ni Raymond.

Tumango si Tita bago ako balingan. Nag-iwas ako ng tingin..

"Lia..." Nagawa nitong makalapit sa akin na hindi ko napigilan. Napakislot pa ako nang dumampi ang kamay niya sa braso ko.

Wala akong nagawa kundi umiyak. " Don't be mad at them. Ako ang may gusto nun and I-I'm sorry baby..." Umiiyak na saad nito.

Tinulak ko siya at sinampal "i deserve this." Mahinang bulong niya..

"Talaga! Dahil hindi nakakatuwa ang ginawa mo Raymond. Niloko niyo ako. N-Niloko n-nyo ako. Pinagmukhang tanga niyo ako. Alam mo ba iyon?! Ha?!." hinampas ko siya sa dibdib hanggang sa mapagod ako..

"I'm sorry..."

"Sorry?!" Pumiyok ako at wala akong pakialam kung magmukha akong basahan sa pag-iyak ko ngayon.
"Walang magagawa yang sorry mo! Okay pa sana kung nakipaghiwalay ka pa sa akin ng walang rason kaysa sa magpanggap kang patay ka na. Para ano, para magdusa ako?! Para saan?! Bakit?! Sumagot ka!"
Ginusot ko ang suot niyang damit. Halos masira ko na rin iyon dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"No baby--"

"Wag mo akong tawaging baby! 'wag na 'wag!" Umiiyak na saad ko rito.

Nagpupumiglas ako nang ikulong niya ang ulo ko gamit ang kamay niya .."Listen Lia, I did that f-for you because I don't want you to suffer like Mom."

Mas lalo akong nagalit sa rason niya. Nakakagago..

"Ano? Nakatulong ba?! Ha? Raymond I can bear it! I loved you! I trusted you! Pero anong ginawa mo? Sayang lang pala ang mga araw na iniyakan kita sa pag-aakalang patay ka na. Ang sama sama mo!"

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon