- 9 -
Ilang linggo na rin ang nakaraan nang sabihin ni Khaled ang mga katagang 'yon.
At simula noon ay hindi ko na rin ito nakausap at nakita pa. Nakaramdam ako ng lungkot pero isinantabi ko iyon dahil alam kong 'yon ang tama.
Tama na iwasan siya.
Pakiramdam ko mali na nagkikita kami. Mali na hinahatid at sinusundo niya ako.
Pakiramdam ko nagtataksil ako kay Raymond. Kahit na wala na siya. He was my fiance, bilang respeto na lang, lalo na't magli-limang buwan pa lang bago mangyari iyon.
"Ma'am!" Napakurap-kurap naman ako nang biglang magsalita Coco sa harapan ko. "Ayos ka lang? Kanina pa kita kinakausap ma'am e."
Ngumiti naman ako. "Oo naman, okay lang ako. Ano ulit yung sinasabi mo?"
Napangiwi naman siya dahil sa tanong ko. "Ma'am..may..lalaki..po.. sa labas...hinihintay...raw... po...niya... Kayo..." Pinanliitan ko siya ng mata. Para kasing pinaglololoko ako ng batang 'to.
"hehe. Sige ma'am alis na ako. Bye ma'am see you on Monday..."
"Teka! Coco alam mo ba kung sino?"
"Hindi ma'am e. Nasa gate po siya. Naka kotse ma'am. Yayamanin."
Natawa ako. The way he said the word 'yayamanin' makes me laugh.
"Okay sige, salamat."
Tumango na lang siya bago tuluyang lumabas ng pinto.Sino naman kaya ang naghihintay sa akin. Wala naman kasi akong inaasahang bisita o dadalaw sa akin. Nasa ibang bansa naman ang dalawang haliparot kong kaibigan na sina Karlee at Erica Lei kasama ang kani-kanilang mga boyfriend.
Tumayo ako at sinimulang magligpit ng mga gamit. Alas singko na pala. Hindi ko man lang namalayan. Chineck ko ang mga gamit at pagkatapos ay ikinandado ko na ang pinto.
Naglalakad ako papunta sa gate nang naisip ko ang cellphone ko kaya kinalkal ko ito sa bag. Kailangan ko kasi 'yon habang naghihintay ng sasakyan.
Nasa kalagitanaan ako nang pangangalkal nang may makita akong dalawang pares ng sapatos sa harapan ko. Itininaas ko ang paningin ko at halos mapalundag ako nang makita si Khaled sa harapan ko.
"Lianne, iniiwasan mo ba ako?" pirming tanong nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Bigla na lang bumilis g tibok ng puso ko dahil sa mga titig niya. Huminga ako nang malalim tsaka nilabanan ang mga titig niya.
"Khaled hindi.""Then what? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? and I know nagpalit ka ng number." nag iwas ako ng tingin. Totoong nagpalait ako ng number. Para nang sa gano'n ay hindi na siya makatawa o makapagtext pa.
"Khaled...wala. Gusto ko lang bumalik ang lahat sa dati."
Naging malamlam ang tingin nito."If it is about what I've told you weeks ago. I'm sorry. I-I just want you to know Lianne."
Ginugulo mo kasi ako e!
Tumaas ang dalawang kilay ko kasabay non ang paghinga nang malalim
"Okay... Pero anong ginagawa mo rito?""Inviting you for a dinner."
"Masyado pang maaga."
"Then mamasyal muna tayo."
Ah Mukhang wala akong kawala sa lalaking 'to. "Okay." binuksan ko ang pintuan ng backseat ngunit sadyang hindi umaayon g tadhana sa akin na maupo doon. May mga kahong nakalagay na halos sakupin ang buong upuan.
BINABASA MO ANG
I Love You Doctor (Complete)
Romantik01.KIEZAZE | Tagalog English "I'll just forgive him and move on. No matter what happened in the future, I am ready. Tatanggapin ko lahat maging kami man o hindi sa huli, dahil ganoon ang nagmamahal at ganoon ko siya kamahal." -Lianne. Real love won'...