- 38 -
Nang makarating kami ay kaaagad kaming nagpasalamat kami sa driver.
Napatigil ako sa akmang pagpasok nang makita ang isang itim na jaguar na nakaparada sa harap ng bahay. "Ate kanino yan?"
Nagkibit balikat ako at pumasok sa loob. "Tara sa loob." Pumasok kami. Nabungaran namin si Lola na nagtatastas ng tatahiin. "Nanjan na pala kayo. Apo, nasa taas si Khaled hinihintay ka." Nagkatinginan kami.
Mabilis akong umakyat sa taas na ikinatawa ni Lola. Nakita ko si Khaled na seryosong nakaupo at nakatitig sa hawak nito cellphone. Nakakunot nuo pa ito pero siguro nang mapansin ako ay nag-angat siya ng tingin. Nasa tabi rin ng kama ko ang nga maleta nito.
Dumiretso siya rito?
"Anong ginagawa mo rito?" Naiinis na tanong ko. Akala siguro niya nakalimutan ko na ang hindi niya pagtawag at pagreply sa mga text ko.
Nakatitig lang siya sa akin na para bang may ginawa akong mali. "Bakit? Sabi ko anong ginagawa mo rito?" Naiinis na tanong ko.
"After kong tiisin na hindi ka tawagan at lahat ng pagod para matapos kaagad ang trabaho ko para makauwi kaagad dahil nag-aalala na ako sayo tapos ito lang ibubungad mo sa akin Hon? Are you not happy?"
Ngumisi ito. Dahilan para matahimik ako. "Stupid me. What do I expect? Mukha kasing nagkakamabutihan sila ulit ng ex-fiance niya. Kaya hindi na siya masayang makita ako. Am I right Hon?"
Nanlaki ang mga mata ko. What?!
Saan naman niya ito nalaman?
"These is the most hurtful family pictures I've ever seen in my entire life." Tinuro niya ang phone niyang nasa kama.
"I want to surprise you but I think you're the who surprised me."
"Khal? Let me explain..." Tumitig siya sa akin.
"Okay. Explain."
"Biglaan lang ang lahat. Wala akong ginagawang masama kapag nakatalikod ka Khal. Nakapag promise lang ako sa bata kaya pumunta kami ni Gail."
"Who's Gail?"
"PJ's girlfriend."
"You've said that you promised that Kid, so nagkita na kayo? Ilang beses Hon?" Nakatitig ito sa akin na parang tatamaan kaagad ako ng kidlat kapag nagsinungaling ako.
"F-Four including t-this day."
Pumikit ako nang mariin. Para akong batang pinapagalitan dahil unti-unting nabubuking."I think, yan ang mga panahong nagsasabi ka sa akin na pupunta ka ng mall. Really Lianne?" May sarkasmong tanong nito. The way he said it. Nasaktan na niya ako. Siguro nauumay na siya sa akin.
"You can tell me Lianne. May ayaw ka bang malaman ko?" May hinanakit nitong tanong na mabilis kong inilingan. "N-Nothing Khal.." my voice broke.
Biglang tumunog ko at sabay kaming napatingin sa kamay ko. "Answer that phone call. I want to hear." Napatingin ako sa caller. Si Raymond...
"Khal..." Ayokong sagutin. He's mad! I can see it. Wala namang ibig-sabihin ang nakita niya e.
"What?!" Nagulat ako nang sigawan niya ako kaya wala akong nagawa kundi sagutin ang tawag at ang hyper na boses kaagad ni Emmanuel ang bumungad sa amin.
"Mama! Nakauwi ka na po?!"Tumingin ako kay Khaled. Nasaktan ito I know. "Y-Yes."
"Mama! Are you okay?! Are you sick na po?"
"N-no Baby...Bye m-muna ha?"
"Huh? Okay po mama! Goodnight po. I love you!" Hindi na ako sumagot at pinatay na lang ang tawag para sana lapitan si Khaled pero nilampasan lang ako nito at naunang lumabas. Hinabol ko siya hanggang sa sasakyan. Nakita ko pa ang paghabol ng tingin nila Lola. Akmang lalapit si Pj pero hinawakan ni Gail ang mga braso nito.
BINABASA MO ANG
I Love You Doctor (Complete)
Romance01.KIEZAZE | Tagalog English "I'll just forgive him and move on. No matter what happened in the future, I am ready. Tatanggapin ko lahat maging kami man o hindi sa huli, dahil ganoon ang nagmamahal at ganoon ko siya kamahal." -Lianne. Real love won'...