CHAPTER TWENTY (edited)

2.1K 28 1
                                    

- 20 -


"Ako na! Para kayong mga bata. Tumabi kayo."

Sa inis ko ay iniwan ko sila roon. Bahala kayo sa mga buhay niyo. Magtulakan kayong dalawa riyan.

"Lianne!"

"Anne!"

Hindi na ako lumingon at dumiretso na sa counter.

"Kasalanan mo 'to. Kung hinayaan mo na lang ako na kunin iyong cart, hindi sana siya maiinis." bulong lang iyon ni Khaled, pero naririnig naman.

"Bakit ako? Gago! Natural ako ang magbubuhat kasi ako ang
kasama niyang pumunta rito at hindi ikaw." si Pj. Napakamot ako ng ulo dahil sa pinag-uusapan nilang dalawa. Kakakilala lang nila pero bakit ganyan?

"Shut the fuck up!" naiinis na turan ni Khaled.

"Pa ingles-ingles ka pa, nasa Pilipinas ka oy!"

"Is there a law saying that you are not allowed to speak in english when you are here in Philippines? Diba wala?"

Naiinis na nakatingin ako sa screen kung saan nakikita ang kada presyo ng binili ko. Nadagdagan pa ito nang makita ko ang babaeng cashier na pangiti-ngiti habang lumilingon kay Khaled.

"Ate, ayusin mo ang trabaho mo." namalayan ko na lang na lumabas na pala ito sa bibig ko.

Napabaling ako sa bagger na tahimik lang at naka-focus lang sa ginagawa.

"E-Eight thousand and three hundred fifty po ma'am."

Nangalkal ako sa wallet ko at naglabas ng sinabi niyang presyo. Akma ko na itong ibibigay pero natigilan ako nang dalawag kamay ang nasa harap nung cashier, isang card at cash.

"Miss, ito na." walang nagawa yung babae at tinanggap niya ang cash na ibinibigay ko.

Inihatid kami ni Khaled sa bahay, pero umalis din siya kaagad nang makatanggap ng tawag mula sa ospital.

"Anne..."

Lumingon ako sa kanya habang inilalapag ang mga pinamili ko. "Bakit?"

"Sorry sa nagawa ko kanina." seryoso niyang saad habang tinutulungan akong maglapag ng mga pinamili.

"Okay lang, hayaan mo na."

Pandaliang naging tahimik kaming dalawa at tanging tunog lang ng plastic ang maririnig.

Pero kusa akong napatigil sa tanong na binitawan niya. "Nasaan yung jowa mo dati?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Dahan dahan kong itinaas ang paningin ko. " Wala na siya PJ mga isang taon na rin."

"Sorry." Ngumiti ako.

"Sige."
Tipid itong tumango bago pumunta sa sariling kwarto.

Dalawang araw na naging maayos naman ang lahat kasama si Pj. Alam kong gusto nitong magtanong pero nananatili itong tahimik.

"Lilipat na ako bukas sa bahay ng kaibigan ko. At kung may problema, tawagan mo lang ako. Ako pa rin 'to yung bestfriend mo." mabilis siyang tumalikod at umalis.

"Pj!" tumigil siya ngunit nanatili lang na nakatalikod siya sa akin...

"Salamat sa lahat..."
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon..

Unti-unti siyang humarap.

"Mahal kita Anne. Lagi mong tandaan." ngumiti siya.

"Pj alam---" napatigil ako ng putulin niya ang ang dapat na sasabihin ko.

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon