CHAPTER THIRTEEN (edited)

2.1K 25 0
                                    

- 13 -


Maigi kong sinuri ang paligid. Nagbabakasakaling makita ang nag-iwan nito rito.
Nag-aalangan pa akong hawakan dahil baka may bomba ito sa loob, gaya ng mga napapanood ko sa TV

Lumunok ako bago pulutin. Magaan. So hindi bomba? Sa huling pagkakataon ay muli akong tumingin sa paligid bago pumasok sa loob.

Inilapag ko ang bag ko sa mesa at ang box ay nanatiling hawak ko parin.

"La! Nandito na ako!"
Walang sumagot. Dala ang box, naglakad ako papuntang kwarto. "La!"

"ay! Jusko kang bata ka! Bakit ka ba nanggugulat?!"

"haha. Kumain ka na?"

"Oo, nauna na ako."

"Mabuti naman. Akala ko nagpalipas na kayo ng gutom."

Tumalikod na kaagad ako. Pero napabalik din nang maalala ang tungkol sa box na hawak ko.

"ah La, wala bang pumunta rito kanina?"

"Wala naman. Bakit?"

Pinagsawalang bahala ko na lang. "Ah wala naman, sige po."
Bumalik ako sa sala, dala parin ang box.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko nang makita na ang laman ng box.
I saw Raymond's pictures.

* la la la la la la la la la la la la la la la *

Nagulat ako nang may tumunog na cellphone. Nanginginig ko itong kinuha sa loob ng box.

Unregistered number.

Pinindot ko ang answer button.

"h-hello?"

"Lia..."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ang boses.  Hindi pa man natatapos ang sasabihin ay pinatay ko na ang cellphone. Nanginginig kong binitawan ang cellphone dali-daling lumabas at itapon iyon. Hinihingal ako sa narinig ko. Nababaliw na ba ako? Ito na naman ba? Gusto ko ng makalimot sa lahat pero bakit parang walang balak ang isip ko.

Oh my Gosh!

Kailangan ko ng kausap kaya naisipan kong tawagan si Khaled.

Ang kaso ay hindi ito sumasagot kaya napagpasyahan ko na huwag na siyang tawagan. May sariling buhay rin ito kaya hindi sa lahat ng oras na kailangan ko siya ay lagi siyang darating.

Napadpad ako sa kusina at kumuha ng tatlong can ng beer. Minsan lang ito mangyari kaya okay lang.
Mag-isa akong uminom at pinapak ang kung anong makita ko sa ref hanggang sa hindi ko na kayang bilangan ang mga latang nasa harapan ko. Nagiging dalawa o tatlo sila sa paningin ko e.

11 pm na.

Matutulog na ako. Pasuray-suray akong tumayo. Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang makita ko si Lola.
Mabilis itong lumapit.

"Hai lola-- hik!"

"Sus maryosep! Ganyan ba ng naidudulot ng lalaking iyan sa'yo? Umayos ka Lianne. Umayos ka." tumuwid ako ng tayo. "Okay ka lang? Kaya mo?" tumango-tango lang ako.

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon