CHAPTER TWENTY-SIX

2.1K 34 0
                                    

Warning: SPG This chapter is not suitable for Minors!

- 26 -

Sa unang araw namin doon ay kaagad silang nagyayang mag snorkeling na mahigpit kong tinanggihan. Takot ako sa malalim, hindi rin ako marunong lumangoy. May mga ilang nagpaiwan ding mga teachers na kasama ko. Gaya ko, hindi rin daw nila kayang gawin yun. Pakain kain na lang kami at kumukuha ng picture sa napakagandang isla na 'to.

Kahit pa ang Palawan ang gusto kong puntahan dahil yun naman talaga ang pangarap ko noong nasa kolehiyo pa ako. Ang ganda kasi.

Paminsan minsang sumasagi sa isip ko si Khaled, pero winawaksi ko iyon. Araw namin ito, kailangan kong mag-enjoy at magrelax dahil yun angpinunta namin dito.

Sa gabi ay nagyaya sila ng inuman, pero sa may mga gusto lang. Hiwalay din ang boys pati na rin si Mhyco para sa ikatatahimik ng lahat. Dahil lantaran naman itong nagpapakita ng kalokohan at pagkagusto raw sa akin.

Ang hirap niya gustuhin dahil wala sa kanya an ma hinahanap ko sa isang lalaki.

Lima lang kami. Yung iba ay kumuha na lang ng pagkain pero hinarap pa rin kami. Ang medyo may mga edad na ay ginusto ng matulog dahil pagod daw sila sa maghapon. Nagtayo na lang kami ng mga tent sa di kalayuan.

Tatlong oras kaming Nagkwentuhan habang umiinom. Medyo nararamdaman ko na ang pamamanhid ng pisngi ko pero gusto ko pa. Kaya ko pa naman.

"Ahm. Excuse muna ako ma'am c-cr lang." Nag thumbs up lang sila habang nagtuloy sa pagkain. Naramdaman ko pa ang pagkahilo ko  pero pinilit kong wag ipahalata yun dahil baka problemahin pa ako. Ngayon ko lang ulit naalala na mahina pala ako sa alak.

Nang malapit na ako sa CR ay hindi ko na kinaya ang hila kaya akmang hahawak ako sa kahoy na posteng nakita ko ay may biglang pumulupot sa baywang ko. "Ay!" Natulak ko siya dahil sa gulat. Nawalan ako ng balanse. Inaasahan kong babagsak ako pero hindi iyon nangyari. Muling may pumulupot sa katawan ko. Madilim kaya hindi ko makita kung sino ba 'to.

"Don't touch me--"

"Shhhh babe, it's me. Khaled." Nangunot ang nuo ko. Paano naman siya nakasunod dito? Humiwalay ako sa kanya. Kahit pa bumagsak ako rito ay wala akong pakialam. "Ano bang ginagawa mo rito? Tsaka sino nagsabi sayong nandito kami?" Binilisan kong pumasok sa CR kaya hindi kaagad ito nakasunod.

"Si Lola." Narinig kong sagot nito.

Pagkapasok ko ay kaagad akong napahawak sa sa dibdib ko kung saan nakatapat ang puso. Ang bilis non. Medyo nawala rin ang hilong nararamdaman ko kaya medyo malinaw ang lahat. Kaya pa.

Sa tagal ko sa loob ay sa tingin ko wala na siya. Mabilis kong binuksan ang pinto, pero nagulat akong naroon pa rin siya. Hindi ko siya pinansin. Wala ba yung Janica niya kaya siya nandito?

"Lianne! What's wrong? Are you mad?" Nakasunod siya sa likod ko para umalalay pero tinabig ko ang kamay niyang nakaalalay sa akin. "Bakit ka nandito? Akala ko ba busy ka?" Hindi siya sumagot kaya tinalikuran ko na siya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay hinila niya lang ulit ako. Sa ginawa niyang iyon kaagad ako nahilo at napatakip sa bibig. Binuhat niya ako palapit sa sink na hindi naman masyadong nagagamit dahil hindi masyadong maraming tao.

Nasa likod ko siya habang nakayuko ako sa sink, nakayakap ang kaliwang braso niya sa tiyan ko habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa buhok ko. "I'm sorry." Narinig kong aniya. Naghugas ako ng mukha. Wala namang lumabas kaya dumantay lang ako sa lababo dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras. Naramdaman ko siyang hinihimas ang likod ko. Maybe to make me feel better. "You okay?" Anito.

I Love You Doctor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon