- 17 -
Hinawakan niya ang aking pisngi. "I'm not asking you to love me back that fast Lianne. Just let me. Okay?" Tumango na lang ako kahit walang kasiguraduhan.
"Khal..." kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang pisngi "Khal..."
"Hmm?"
"Naghawak ako ng karne. Amoy karne ka na." Napatigil siya. Awkward. Inamoy niya ang kamay ko. Gumalaw yung ilong niya pero, ibinalik lang niya iyon sa pisngi niya.
"Hayaan mo na."
Natawa naman ako. Masama ang amoy non panigurado. Sari-sari ang hinawakan ko, may sibuyas at bawang. Nilamukos ko na lang ang ilong niya. "Hayaan pala ah. Odi sige."
"Babe!" Napasigaw na siya.
"Anong babe?!" hinawakan ko siya ulit.
"Hon! Sweetheart! Bebe ko!"
"Shocks! Ang corny mo Doc!--oh! Mapapaso ka na!" Pero nahuli na ako nang sabihin ko iyon. Napasigaw na ito sa sakit. Nagkapalit na pala kami ng pwesto? Ni hindi ko namalayan.
Mabilis akong lumapit at hinawakan siya sa braso.
"Bakit kasi umurong ka. Paano kung nabuhos pa sa'yo yang dalawang putaheng iyan?! Magiging sinigang at beef steak na Khaled ka na.""Dinaan mo sa joke yung pag-amin ko sa'yo ah. Hindi ka na makakatakas ngayon." he encircled his arms around my waist. Sinigurado niyang walang takas. Tinampal ko siya sa braso. Alam kong medyo mahapdi na iyon pero hindi niya na iniinda, pero...
"Aray! Ouch! It hurts like hell! Oh ah!" Magui-guilty na sana ako kaso nasobrahan siya sa pag arte kaya napatitig na lang ako.
Nakapikit pa ito. Kaya umasim ang mukha ko. "Tabi nga! Yung niluluto ko wala pang nalagay na pampalasa."
Narinig ko siyang tumawa. Bago ako hayaang humarap sa niluluto ko. "Seriously, masakit na siya."
Napabaling kaagad ako sa kanya. Tinignan ko iyon. Medyo malaki. Mapapansin iyon kasi namumula, kaya nahabag naman ako."Gagamutin ko mamaya. Kaya mo 'yan, doktor ka naman." Kalmadong sagot ko, pero sa loob-loob ko ay nagui-guilty na ako.
Yung makinis na balat niya, ayon may paso na. Tinitigan ko siya, nakatingin pa rin siya roon kaya nilapitan ko na. "Sorry na...ikaw kasi e."
"Kasalanan ko naman." Lakas mangunsensiya ng lalaking ito. "Akin na, gagamutin na natin."
"It's okay. The pain is bearable."
"Pumapayag ka na sa panliligaw ko?" Naisingit niya pa talaga ang panliligaw niya.
"Nagsimula ka na kanina e. Panindigan mo na."
Talagang pinipigilan ko ang pagpapakawala ng ngiti. Baka sabihin niya...uh..Nevermind!"Tsaka akala ko ba, hindi mo na kailangan ng approval ko?"
"Ah that? Haha, kinakabahan na ako no'n. Baka hindi ka pumayag kaya inunahan na kita." talaga naman.
Hinayaan ko siya sa tabi ko habang inaayos ang pagkai
n ni Lola. Dadalhin ko na lang ito sa kwarto."Hintayin mo na lang ako riyan. Ihahatid ko lang ito kay lola, tapos sa kubo na tayo."
BINABASA MO ANG
I Love You Doctor (Complete)
Romance01.KIEZAZE | Tagalog English "I'll just forgive him and move on. No matter what happened in the future, I am ready. Tatanggapin ko lahat maging kami man o hindi sa huli, dahil ganoon ang nagmamahal at ganoon ko siya kamahal." -Lianne. Real love won'...