Kabanata 3
High school
Lakad takbo kong tinahak ang daan papunta sa eskwelahan namin. Di alintana ang pag dikit ng buhok ko sa leeg at pagharang sa mukha ko dahil sa pawis.
Kagat labi kong sinulyapan ang relong asul na regalo sakin ni papa noong graduation ko kaya hindi ko napansin na may nakaharang palang bato sa dinadaanan ko.
Napatuon ako sa maliliit na bato upang hindi tuluyang bumagsak at madumihan ang uniform ko.
Bwiset! Kung bakit ba naman kasi ako nalate ng gising ngayon?
Agad akong tumayo at pinagpagan ang palda kong sumayad sa lupa. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at muling tumakbo hanggang sa matanaw ko na ang gate ng ANHS. Tumigil ako sandali at kinuha ang ID ko sa bag bago nagpatuloy sa pagpunta sa gate.
Kunot noong nagtitingin si manong guard ng ID ng mga estudyanteng mas nauna sa pagpila sakin papasok. Sumulyap ako sa quadrangle at nagbitaw ng buntong hininga ng makita kong hindi pa nagsisimula ang Flag Ceremony.
Tahimik akong naghihintay ng maramdaman kong may kumulbit sa akin kaya kunot noong napalingon ako. Nanlaki ang mata ko at nahigit ang paghinga ko ng makita kung gaano kalapit ang mukha ni Jordan na walang emosyong nakatingin sa akin sa mukha ko.
Umayos siya ng tayo at nilagay ang kamay niya sa bulsa ng pants niya bago nagiwas ng tingin. Nagiinit ang pisngi kong sumulyap sa kulot na lalaking nasa likod niya.
"Hi, Lyrae!" nakangising bati ni Kuya Mico.
Tinalikuran ko sila at sinuklay ang nagulo kong buhok dahil sa pagtakbo kanina bago itinaas ang kamay ko bilang pagbati sakanila. Nadinig ko ang halakhak niya bago ko naramdamang inakbayan niya ako.
Magsasalita na sana ako ng makuha ng babaeng may pulang buhok ang atensyon namin dahil sa pabalang niyang pagsigaw sa guwardya.
"Sige kuya! Sakalin mo pa ako! Natuwa ka eh no? " nadinig ko ang mahinang pagngisi at pag-iling ni kuya Mics ng marinig niya iyon. "Kakaiba talaga tong babaeng 'to."
Pinilig ko ang ulo ko bago tinignan ng mabuti ang babaeng tinutukoy niya. She's a red-headed, petite girl. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil sa nakatagilid ito at nakaharap kay Manong Guard na hawak ang ID lace na nakasukbit sa leeg niya pero agad ko nang masasabi na maganda siya. Ang kulay porselana niyang kutis ay pinatingkad pa lalo ng red lipstick niya.
Is that even allowed here?
"Oh! Tangina! Saksak mo sa baga mo kuya!" sabay kaming natawa ni kuya Mico ng ingudngod niya sa leeg noong guwardya iyong ID niya bago tumalikod at galit na nagmartsa paalis. Ramdam ko naman ang marahang pagngisi ni Jordan sa likuran ko.
"Damn. Feisty."
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya pati na ang kamay niyang nakaakbay sa akin at hinintay nalang ang turn ko upang ipakita ang ID ko. Ng makalagpas mula sa gate ay hindi ko na inantay sila kuya Mico, mabilis at malalaking hakbang na akong naglakad upang makapila sa quadrangle ng maramdaman ko muli ang mabigat na kamay na muling umakbay sakin.
Nakakairita ang pag-ipit at pagdikit ng buhok ko sa leeg ko dahil sa pagkakaakbay niya. Muntik ko nang makalimutan na kumpara sa akin ay mas mahaba ang biyas niya kaya hindi na naging kagulat-gulat pa ang mabilis niyang pagsunod sa akin.
Napairap ako sa kawalan bago nakahalukipkip na nag-angat ng tingin sakanya. Nakangisi siyang tumungo para tignan ako at nagtaas baba ng kilay kaya naiinis akong nagbawi at pinabayaan nalang ang kamay niya bago itinuon ang tingin sa dinadaanan namin.
Malayo pa man ay kita ko na ang hilera ng pila ng mga estudyante ayon sa seksyon. Tinignan ko ang pila namin at hinanap sila Tammy pero nagulat ako ng bago ko pa man siya mahanap ay malapusa nang nakatingin sa akin ang mga bilugang mata nito. Bago pa man ako makabawi sa gulag ay dahan-dahan na nitong inginuso ang katabing pila.
BINABASA MO ANG
Stuck Forever With You
Teen FictionA city girl and the miss independent from Manila, Lynnea Marie Dela Cuesta needs to continue her studies on a province because of her father's request to fix their family again and live simply in an urban place in Cebu where she will meet those who...