Happy birthday Maria! This chapter is dedicated to you. Thank you for staying. For understanding me, for accepting my flaws. I love you always!
Kabanata 8
Delusion
Binati ko ang isang nurse na nakasalubong papasok. Siya ang palagi kong nakakausap kapag nagbabantay ako kay lola at ibinalita niya ngang gising na ito.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kwarto niya at nakita itong nanonood ng tv.
"Lola!" sabi ko at tumakbo papalapit sa kama niya. Sinalubong niya ako ng yakap.
"Lyrae, apo," natutuwang bati ni lola at hinagkan ako. Dama ko ang kulubot niyang balat. "Kagagaling lang dito ni Alexis hindi pa kayo nagpang-abot," pagkabitaw mula sa yakap ay hinaplos nito ang mukha ko habang ngiting-ngiting nanghihinayang na sinabi iyon.
Tumango-tango ako at tumayo upang kumuha ng tubig sa lamesitang katabi ng kaniyang kama. "Nagtext nga po siya sakin."
"Text?" mukhang gulat na gulat ito sa nalaman.
Muli akong tumango at tipid na ngumiti sakaniya tanda ng pagsangayon. Kuminang naman ang mga mata nitong uhaw na tinapik ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko sa inakto niya. "Gusto mo po ba ng maiinom o makakain? May dalang mga prutas kanina si Alexis." Takang tanong ko. Nangingiti lang itong tumango sa akin.
Hala? Epekto ba 'to ng gamot niya?
Naweweirduhan kong kinuha ang basket na dala ni Alexis. May mga piraso ng bulaklak na nakalat at maganda ang pagkakarrange non kasama ng mga prutas kaya naman sa katuwaan ay kinuhanan ko muna ito ng litrato bago tuluyang binawasan.
Binabalatan ko na ang orange na galing sa basket na iniwan ni Alexis nang maalala ko na hindi pala naibigay ni Sandro ang binili niya kanina para kay lola bago siya makaalis. Naiiling nalang akong napabuntong hininga at pinagpatuloy na ang ginagawa.
Nothing unusual happened after Sandro left. He texted me 'Sorry' when I was about to sleep which is not new to me at all, the reason why I didn't bothered replying. Ilang beses na ba ako nakatanggap ng sorry mula sakaniya? Sa totoo lang ay hindi ko na rin alam dahil paulit-ulit nalang naman. Nawalan na ng saysay ang salitang 'yon sa akin, mas madaling sabihin na ang salitang sorry ay naging katumbas na lamang ng pangungumusta niya.
Sa bokabularyo niya ay hindi na ako magtataka kung iyon na ang naging most used common word na ginagamit niya.
And I don't need it. What I want is his explanations. I don't need his half-assed apologies. Truth to be told, in this day of age, it became much easier to throw meaningless words.
Lola stayed in the hospital for a couple of weeks because the doctor still had to monitor her. Ang sabi ay masyadong delikado kung magkakaroon pa ng susunod na atake kaya inabisuhan kami nito na kung maari ay pagpahingahin muna si lola at ilayo sa mga bagay na maaring makapagdulot ng stress sakaniya.
We can't afford another attack because that might also be her last.
Sa mga nagdaang araw ay iginugol ko ang oras ko sa pag-aalaga kay lola. Si Alexis ang naging katuwang ko kapag kinakailangan kong umalis para asikasuhin ang mga papeles para sa tuluyan kong paglipat dito sa maynila. Napadalas ang pagdalaw nito at nakilala na rin siya nila mama gawa ni lola.
Halos araw-araw naman akong nakakareceive ng mga text mula kay Sandro. Dinaig niya pa ang daily bible app ko sa phone. May mga oras na nakapagrereply ako pero mas madalas ang pangiinboxzone ko rito.
Hindi ko alam kung asang lupalop siya ng mundo ngayon. Ang itinatak ko nalang sa isip ko ay kung totoong gusto niyang magkaayos kaming dalawa, dapat nasa harap ko ito ngayon at humihingi ng kapatawaran. Sana siya imbes na si Alexis ang kasa-kasama ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Stuck Forever With You
Roman pour AdolescentsA city girl and the miss independent from Manila, Lynnea Marie Dela Cuesta needs to continue her studies on a province because of her father's request to fix their family again and live simply in an urban place in Cebu where she will meet those who...