Kabanata 10
Video call
Nagising ako kinaumagahan ng wala na si Sandro sa tabi ko. Umupo ako ng maayos bago sinuklay ang buhok kong nagulo dahil sa pagtulog. Napahilamos ako sa mukha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi.
I let myself get drown of the overwhelming feelings na kahit ilang beses ko nang sinabing hinding hindi na ako muli magpapakatanga ay eto nanaman ako, hinahayaan siya.
Umikot ang paningin ko sa sala para sana hanapin si Sandro pero ang natagpuan lang ng mga mata ko ay si ate Clari na nakaupo sa couch at may hawak na bowl. Kinunutan ko siya ng noo ng mapansin ang pag ngisi at pag nguso niya sa direksyon ng kitchen.
Tumayo ako at nagtaas ng kilay. "Ano?" humalakhak ito bago sumubo ng kinakain na cereal.
"Si Sandro kako ang hinahanap mo hindi ba?" agad akong pinamulahan sa sinabi niya. "Nasa kitchen pinaghahanda ka ng breakfast in floor."
Ngumuso siya na tila pinipigilan ang pag kurba ng mga labi para sa isang ngiti. Umirap ako sa sa kaniya at luminga para si Cj naman ang hagilapin. Mamaya na ang paglipat niya sa bahay ng lola niya.
I sighed.
"Si Cj?" tanong ko nang muli kong tignan si ate Clari habang tinutupi ko ng maayos ang comforter na pinaghigaan namin. Agad na rumehistro sa mukha niya ang lungkot at i-nginuso naman ang pintuan ng naging pangsamantalang kwarto ni Cj.
"Nagbibihis," aniya at bumuntong hininga.
"Hindi mo ba talaga siya pipigilan? Pwede naman siyang dito nalang," malungkot niyang saad.
Umiling ako at umupo sa tabi niya. "Para ano? Para mainggit sa paglalampungan niyo ni kuya Leighne dito?" tamad kong sabi.
Pinamulahan siya sa sinabi ko kaya hinampas niya ako sa braso bago muling sumubo ng cereal. "Kainis 'to. Seryoso kasi!"
I shrug. Totoo naman iyon ah?
"Hayaan mo na siya sa gusto niya and besides lahat nagbabago. You can't just wish for something to stay the way they are... no matter how much we want to stay it that way."
Sabay na kumunot ang noo naming dalawa. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi. Parang wala sa lugar ang pagsabi ko non.
"Double meaning," aniya at pinilig ang ulo.
Pero totoo naman? Change is constant. Lahat nagbabago. Sa mundong ginagalawan natin, walang pwede hindi magbago.
Ang mundo umiikot, ang kulay kumukupas, ang pagmamahal nawawala. To hope for something to stop changing is to hope for it's death. Katulad ng mga ala-alang pinatay, inagos at ibinaon na ng mga karanasan. Memories won't change except for the fact that some memories already died because they've already become forgotten.
After that talk with her, I don't know if I was relieved at the realizations, that I can already ready myself for the sudden changes.
"Shit," dinig kong mura ni Sandro nang mapagpasyahan kong pumunta na sa kusina. Suot niya ang apron ni ate Clari na may strawberry print habang hirap na hirap sa pagpiprito.
Mahina akong natawa ng mabalingan ng tingin ang isang plato sa counter malapit sa kaniya na may tatlong itlog. Dalawang sunog at isang hilaw. Napailing ako at lumapit na ng tuluyan sa kaniya para agawin ang spatula mula sa kamay niya.
Gulat siyang napalingon sa akin at nang makita ang kakaiba kong tingin sa itlog na piniprito ay napaiwas din agad ito at namumulang tumungo.
"Nagsasayang ka ng itlog eh!" ako na ang tumapos ng piniprito niya. "Maghanda ka na nga lang ng pinggan."
BINABASA MO ANG
Stuck Forever With You
Novela JuvenilA city girl and the miss independent from Manila, Lynnea Marie Dela Cuesta needs to continue her studies on a province because of her father's request to fix their family again and live simply in an urban place in Cebu where she will meet those who...