Kabanata 7

86 9 0
                                    

This is long overdue. Dedicating this to my friend. Hi Krishia! I love you! For those who waited. Sorry for the delay and thank you. 

Kabanata 7

Parking lot

Life is indeed full of surprises. Sure I already anticipated that I would meet him sooner or later after I ran away, leaving him behind like that but it never occurred on my mind that I would be meeting him like this.

I... I thought he already gave up. After a month? Why now? When all he ever wanted was for me to hear his explanations. He just wanted to come clean, to clear his conscience.

"Let go... " mahina kong sambit habang nakayuko parin sa panglalambot tila hinugot lahat ng lakas ko ng pagkahawak niya ng bewang ko mula sa likod. Ngunit hindi ko rin maitatanggi na kung hindi dahil sa suporta na nanggagaling sa braso niya ay malamang kanina pa ako nasa sahig.

"Man," nangunot ang noo nung amerikano nang siya naman ang pukulan ng matalim na titig ni Sandro.

"Lyrae?" ani ate Claricia ng may pagtatanong sa boses at lumapit na sa akin ng husto. Hinila ako nito mula sa pagkakahawak ni Sandro.

Naghari ang katahimikan sa pagitan naming lahat kaya nag angat agad ako ng tingin at tiim bagang pinukulan din si Sandro ng matalim na titig. Ngunit hindi pa tuluyang nakakabawi ng bigla niya namang hiklatin ang kamay ko at hinila ako patungo sa kitchen.

Nadinig ko ang mahinang pagsinghap at pagtutol ni ate Claricia na dapat yata ay susundan pa kami ng magsalita si kuya Leighne. "They need to talk," na sa tingin ko ay hinarangan si ate Claricia kaya hindi na nakasunod pa.

Marahan akong itinulak ni Sandro sa isa sa mga counters dito sa kitchen. Nang mabalingan ko naman ang mukha niya ay tila nagbabaga pa din ang galit sa mga mata at nakaigting pa rin ang kanyang panga.

"I didn't travelled for hours just to see you smiling to another guy, Lynnea," seryoso at nakahalukipkip nitong sabi.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang pakialam mo? Ikinahirap mo ba ang pagngiti ko? Hindi naman diba?" galit kong singhal. "At sino bang poncio pilatong nagsabi sayong pumunta ka rito? Wala, Sandro. Wala. Kaya bakit mo isinusumbat sa akin yan?" dagdag ko pa at maglalakad na sana palayo ng bigla niya akong hilahin pabalik.

"Ano ba!" naluluha na ako sa inis. Punyetang buhay 'to. Lagi nalang akong hinihila pabalik. Nakakapagod na maging tao.

"Stop walking out on me. We're not yet done, miss," aniya. "May pake ako sayo at para lang dapat sa akin 'yang ngiting 'yan."

Natatawa akong pumalakpak. "Hands down," sabi ko habang patuloy pa rin ang pagtawa. Iba ang lebel niya. Hindi ko mareach.

"Sa pagkakaalam ko tapos na tayo at binigyan na kita ng pagkakataon na magkaroon ng pake sakin noon. Binigyan mo ako ng pake ng ilang buwan tapos iniwan mo din naman. Ngayon babalik ka pagkatapos ng isang taon at sasabihin mo sakin yan?" sabi ko. Kapag si Sandro talaga kauusap ko palaging joke time ano?

Ang mga lalaki talaga pagkatapos gumawa ng katarantaduhan kung umasta akala nila pagmamay-ari pa rin nila, kung umangkin para bang may karapatan pa rin sila. Napagbigyan lang minsan ay umaabuso na. Pagkatapos umalis ay babalik, hihingi ng patawad na parang pagkatapos non ay okay na, na babalik na ang lahat sa dati.

Isang malaking katangahan.

"Alam mo dapat siguro magpasalamat ako sayo. Kasi dahil sayo nagkaroon na ng expiration date ang pake ko," I smiled at him while his jaw clenched tightly because of what I said.

Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko bago muling nagsalita. Jailing me between his arms.

"Can you please stop bringing up the past?" The annoyance in his voice is very evident. A smile rose up on my lips. You don't like it when I'm bringing up the past huh?

Stuck Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon