Misaki's Pov
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Tumambad sakin si Aki na hinahawi lahat ng kurtina, sya talaga lagi ang unang nagigising.
"Gising na" Sigaw nito kaya naman napatayo ang ilan at ang iba naman ay napakusot sa mata nila. Nauna na akong bumangon.
"Tsk! Istorbo naman" Napatingin ako sa nagsalita non. Lalaki ito at nakabusangot. Lima silang lalaki at limang babae naman kami.
"Magrereklamo ka o sa Jail ang bagsak mo? Mamili ka? Hindi ako ang magbibigay non kaya paniguradong matindi! Ah baka naman sa White room mo gustong mapunta." Pananakot niya sa lalaki kaya agad na nag excercise ito.
White room? Ano yon?
Nagtungo na akong banyo at naligo, nabuti ng mauna ako kesa naman mahuli. Nang matapos ay nagsuot na ako nang uniporme, lumabas na ako at sinuklay ang mahaba kong buhok pati na ang bangs.
"Sabay na tayo?" Tanong ni Aki, tinignan ko lamang sya at kinuha ang bag ko.
"Nga pala, bakit kaba talaga kasi napunta roon? Nakwento ni President na natagpuan ka niyang walang malay sa Hallway" so, si Lohan pala ang nagligtas sakin!
"Wala na kayo don!" Singhal ko at inunahan na syang lumabas.
Gaya ulit ng nakasanayan, maraming nagkalat na estudyante at ang tingin nanaman nila ay na sa akin, bulong dito bulong doon para bang kakainin ko sila pag nadikit sila o lumapit sakin. Muka ba akong halimaw? Tss. -_-
Unang klase ay Physics, pinamumunuan ni Ms. Hobert, yung nakasagutan ko sa Room. Well, di ko na sya nakita mula noon. Baka busy siguro.
"Ayan na sya."
"Nako! Bali-balita ay naabutan sya sa Hallway"
"Tsk! Bakit sya nandon? Impyerno din yon"
"Baka naman--"
"Tama na nga! Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo, nagtatayuan ang balahibo ko!"
Yan lang naman ang pinaguusapan nila. Laman nanaman ako ng balita. Ano? Hanggang sa katapusan ng taon na ito ako ang laman ng balita? Saka ano ba kasing meron sa Hallway? Bakit parang takot silang dumaan don or mapunta don?
"Good morning Class!" napatayo sila ng dumating si Ms. Hobert, tumayo din ako at bumati.
"Maupo na kayo!" Utos nito na ginawa naman namin.
Lutang ang isip ko ngayon, hindi ako makapakinig kay Ms. Hobert ng maayos, hayst! Stress na stress na ang utak ko, wala ba silang Peace of mind dito?
"Miss Misaki, are you listening?" Napaigtad ako sa gulat at napatingin kay Ms. Hobert, buti nalang at walang nakakita.
"Yes" sagot ko kaya bumalik na sya sa pagtuturo. Natapos ang klase na wala ni isa ang pumasok sa utak ko. Bigla namang dumating si Ms. Mangubat at seryosong nakatingin samin at tinapunan ako ng ngisi. Ano nanaman kayang announcement ngayon?
"All of you, pack your things and go to the wide space"
Nagtayuan ang lahat at ako ay tumayo na rin. Nakayukong nauna ako sa paglalakad sa kanila, tinungo agad ang Wide space or field. May stage naman doon kaya paniguradong don din ginaganap ang ano mang event.
"To All students here. We have an announcement" huminto ang babae at inabot ang Mic kay Headmistress. Naroon si Yuna, brea, Lohan, Rive, Kuya max at isa pang lalaki na kasama nila. Nandoon din sina Lea kasama ang mga alalay nito.
Nagkaroon naman ako ng kutob sa sasabihin ng Headmistress.
"We would like to Announced that we have now our new Member of the Student Council Government!" Shit! Mukang alam na ito nila Yuna at ng Lohan na yon dahil ni bakas ng panlalaki ng mata ay wala sila.
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Mystery / Thriller"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?