Misaki's Pov
Nasa bahay na ako kasama si Kean, dito muna raw sya hanggang sa makabalik kami sa FU. walang makakatalo sa kakulitan ng isang Kean Casillan -_-
"Maligo at magbihis kana kasi aalis na kagad tayo.." Sabi ko rito at sya naman ay napatango.
Nagtungo akong kwarto ko at naligo tsaka nagbihis. Crop top ang suot ko at high waisted short, sinuot ko ang doll shoes at kinuha ang bag. Lumabas na ako at nagtungo sa sala.
"Lets go--"
"Change!" Seryosong sabi nito..
What the hell!
"Why?" Tanong ko at tinaasan sya ng kilay..
"Too expose, baka mabastos ka sa labas.. Ayokong may nakakakita ng katawan mo. Got it? Kaya magpalit kana.." Magsasalita pa sana ako pero hindi ito nagpatalo.
Fine!
Bumalik ako sa kwarto at nagpalit, nagsuot ako ng long sleeves, ripped jeans at nagsuot ng converse shoes.
Binalikan ko na sya at ito naman ay ngumiti ng makita ako, hayst! -_-
"Ayan, ayos na!" Sabi ko at napairap sa hangin.
Hindi na dapat sya sumama eh T_T edi sana nakapag Crop top ako!
"Let's go.." Aya nito, lumabas na kami at nilock ko ang bahay. Nagulat ako ng makita ang isang mamahaling sasakyan sa labas ng bahay ko..
"Sayo yan?" Tanong ko at tumango naman sya..
Mayaman nga pala sya.. -_-
Pinagbuksan ako nito ng pinto at ako ay maingat na sumakay. Baka magasgasan nakakahiya mukang wala pang gasgas eh! -_-
"So, saan tayo!" Sabi nito..
"Ituturo ko nalang ang daan" sabi ko at napatango naman sya..
Keep safe samin..
---
Nandito na kami kay Ate Myka, bumaba na ako sa kotse at si Kean naman ay tahimik.
"Paano mo nalaman to?" Tanong niya sakin.
Alam niya pala ito.
"Ahmm, kaibigan sya ng Ate ko.." Sabi ko at napatango lang ito..
Ang seryoso niya, samantalang dati lagi syang nakangiti.. Hayst! Nakakainis na!
Pumasok na kami at si Ate Myka ay ngumiti samin..
"Ikaw pala, Kean" magkakilala sila?
"Kumusta?" Tanong nito kay Kean..
"Ayos lang" tipid na sagot sa kanya ni Kean.
Nagkwento na si Ate Myka tungkol kay Ate.. Kung ganon pala, si Ate ay naging isa rin sa mga top students. Matalino naman talaga ang Ate ko, ang kaso nasayang yun dahil sa kawalangyaan ng Headmistress at Headmaster!
Pero hindi ko maiwasang magduda, parang may hindi sila sinasabi sa akin.
"Paano, mauna na po kami. Salamat po Ate Myka." Sabi ko nalang at ngumiti lamang ito..
Lumabas na kami at ako ay inalala ang sinabi ni Ate Myka noon.
Makikita mo ang lugar na yan malayo rito.. Tatlong resort ang madadaanan mo, matapos nun ay isa ng kagubatan. Diretso lang at makikita mo ang mataas na bakal na gate.. Don na ang hinahanap mo, ikaw na ang bahalang magtanong kung saan ang bahay na hinahanap mo. Ngunit magiingat ka.. Delikado!
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Mystery / Thriller"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?