C14: In Danger

1.7K 49 0
                                    

Misaki's Pov

Balik na sa dati ang lahat, tahimik, usapan dito usapan doon at wala ng bakas ng saya sa kanilang muka. Normal na araw nanaman, ilang araw pa kasi bago ang Foundation day pero bakit imbis na matuwa sila ay parang takot na takot pa sila. Ano bang meron sa Foundation? De bale na, ako naman ang magoorganize. Gagawin kong masaya ang Foundation, minsan lang to kaya itodo na dapat.

"Hayst! Foundation day, diba ang sabi sa Foundation day babalik ang King, ang Poison gang at iba pang gang"

"Oo, kaya nga nakakatakot. Dadanak naman ang dugo panigurado."

"Sinabi mo pa, knowing Headmistress. Sigurado akong hindi sya papayag na walang mamamatay sa Foundation day"

"Hayst!"

"Ganito nalang talaga siguro tayo, dito na tayo mamamata-"

Nahinto sila ng mapansing nakatingin ako sa kanila, nilagpasan ko na ito at umalis don. Dumiretso na ako sa next class ko, which is History..

"Good morning" bakas na bakas sa boses nito ang pagiging maotoridad, lahat ay tahimik lang at wala ni isang nagtangkang dumaldal.

"Reincarnation, do you believe in reincarnation?" Tanong nito samin.

"No!"

"Yes"

"No"

"No"

"Yes"

"Shut up!" Natahimik sila sa pagsigaw nito..

"Raise your hand if you want to answer!" Madiing sabi nito ngunit wala ng nagtangkang magtaas ng kamay dahil sa takot.

Napairap ako at nagtaas ng kamay.

"Yes, Miss Misaki?" Masungit na tanong nito.

"Yes maybe, sa dami ng tao sa mundo imposibleng walang taong nabuhay noon na nabuhay ulit ngayon. Sa mundong to madami pa tayong hindi nalalaman, malay mo Ms. hobert, may kamuka ka pala pero nasa ibang lugar lang." Napngiti ito at sinenyasan akong makaupo.

"Thank you for your wonderful answer, Miss Misaki.." Sabi nito at naglakad paikot samin..

"Miss Misaki is right, pwedeng ito ay totoo. Hindi mabilang kung ilang tao ang meron sa mundo, sa dami nito ay hindi mo na malaman kung ang isa ba sa kanila ay kaanak ng ninuno niyo. Reincarnation, ito ay ang pagkabuhay ng taong nabuhay na noon. Ang memorya ng taong makararanas nito ay hindi na ang memorya niya sa past niya, hindi niya naaalala ang past niya at ang nangyayari lang ngayon ang naaalala niya pero but the face is same as before.. Bibihira itong mangyari, nangyayari nga ba? That's your assignment for today.. Nangyayari nga ba talaga ang Reincarnation or totoo nga ba talaga ito? I want your opinion about it." Napabusangot naman ang lahat sa sinabi ni Ms. Hobert.

"Miss Misaki, hindi kana gagawa. Nakasagot ka so wala kang assignment na gagawin.. All of you, you are required na gawin ang inatas ko. Class dismiss!" marami ang nainis sa sinabi ni Ms. Hobert.

"May problema ba miss?" Tanong ko sa babaeng masama ang tingin sakin..

"W-wala.." Sagot nito at napaiwas ng tingin.

"Wag kang mainis, ang babaw ng dahilan. Mapapahiya ka lang" sabi ko at kinuha ang bag ko saka lumabas.

Pagkalabas ko ay halos mapatalon ako sa gulat ng makita ang lalaki kagabi sa Royal ball, yung lalaking lumapit samin.

"Hi!" Ang inosente ng muka nito, ang layo sa nakakakilabot na muka niya kagabi.

Hindi ko nalang sya pinansin at naglakad na.. Ano namang kailangan niya? Mangbubwiset gaya ni Lohan, tsk! Sawang sawa na akong mabuwiset!

The Loner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon