C40: Sacrifice

1.8K 48 3
                                    

Misaki's Pov

Patuloy lang sa pagagos ang luha ko habang kalong kalong si Victoria, isang malakas na palakpak ang aking narinig kaya napatingin ako sa pinanggalingan non.

Nakangiti na mukang asong nauulol at masayang pumapalakpak,  Headmistress. Kasama nito si Lilian na seryosong nakatingin sa akin.

"Nakakatuwa ang drama na nasaksihan ko!" Sabi nito at tuwang tuwa sa nangyayari.

Dahan dahan at maingat kong inilapag si Victoria at tumayo. Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon ngunit ang luha ay patuloy sa pagagos. Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na nasa kanya kanyang selda at walang malay. Isang bagay ang aking napansin.

Si Lea at Yuna, wala sila!

Bigla kong naalala ang sinabi ni Victoria na nanganganib si Lea kay Yuna!

S-Sana... Sana mali sya.

Ayokong isa sa amin ang papatay sa isa samin, tanggap ko kung ang bruhildang ito pero kung kaibigan ko..

Hindi ko kakayanin!

"Nakakamangha ang palabas na aking napanuod!" Muling sabi ni Headmistress.

Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang maglakad habang ipinupusod ko ang mahabang buhok.

"Oo, nakapanood ka nga ng isang drama pero sa pagkakataong ito hindi kana makakapanuod pa dahil ikaw mismo ang makakaranas kung paano masaktan ang isang tao sa Action movie!" Malamig na sabi ko rito at huminto sa paglakad..

"Let's see!" Nakangisi na sabi nito at maya maya pa ay isa isang naglabasan ang tauhan niya..

"Good, Headmistress!" Nakangising sabi ko na ikinainis niya.

Sumenyas ito at sumugod naman sila isa isa. Kinuha ko ang isang karayom at mabilis itong inihagis sa papasugod sa akin. Mabilis kong pinulot ang baril at pinaputukan sila isa isa na nagbigay ingay sa buong lugar. Sumabog ang mga ulo nito at umagos ang dugo sa lapag, kinuha ko ang dagger at sinaksak ang nasa likod ko sabay saksak sa lalaking aktong sasaksakin ako. Kumuha muli ako ng karayom ngunit sa pagkakataong ito ay tatlo na at isa isang inihagis sa tatlong lalaki na papasugod sa akin dahilan para mangisay ito.

Tumakbo ako at sinalubong ang lalaki, nailagan ko ang suntok nito at sinikmuraan sya kaagad, napasigaw ito at namilipit sa sakit. Hinablot ko ang buhok niya at inuntog ito sa tuhod ko sabay tulak sa kanya. Hindi pa man ako nakakaharap ay napaluhod na ako dahil sa lalaking humapas sa likuran ko, napangiwi ako sa sakit at agad na hinatak ang paa niya kaya natumba sya. Hindi ako nag dalawang isip at itinarak sa dibdib niya ang dagger at mabilis na binawi saka inihagis sa lalaking tumatakbo papunta sa akin. Nagbigay muli ng ingay ang pag bagsak ng lalaki sa sahig at ako ay mabilis na tumayo at kinuha ang dagger, hindi ko namalayan na may nakatarak na palang kutsilyo sa hita ko kaya naman nahirapan ako kumilos at randam din ang sakit nito. Sinuntok ako ng isa sabay suntok sa sikmura ko kaya napaubo ako ng dugo at nang mapaluhod ay napasigaw sa sakit. Hinatak nito ang buhok ko na halos mapunit na ang anit ko sa sobrang higpit sabay sampal sa aking ng malakas.

Tinignan ko si Lilian na bakas ang pagaalala sa mukha, ngumiti lamang ako at binalik sa lalaki ang atensyon, siniko ko sya at mabilis na tumayo saka sya binuhat at ibinagsak ng malakas. Pinulot ko ang baril at binaril ang limang lalaki na susugod sa akin, nagsimula na silang magpaputok na nailagan ko naman, tinadyakan ko ang isang lalaki at sinalo ang baril nito na nahulog, agad kong kinasa at pinaputukan silang lahat. Kita ko ang isa pang lalaki na papasugod, nang susuntukin niya ako ay mabilis akong umiwas at sinikmuraan sya, bahagya akong lumayo at pumaikot sa ere saka sinipa ang mukha niya. Bumagsak itong walang malay at dahil hindi pa ako kuntento ay tinarak ko ang dagger na nasa bangkay ng isang lalaking napatay ko.

The Loner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon