C15: Bad Memories

1.7K 42 1
                                    

Third Person's Pov

Tila isang demonyo si Lohan dahil sa nakakakilabot nitong aura. Lahat ay natatakot at agad na tumatabi ang sino mang madadaanan niya. Walang nagingay o nagbulungan, tahimik ang lahat at pigil hiningang nakatingin sa Presidente..

Hinanap nito ang tatlong babae kanina na naabutan nilang naguusap.. Nagtatawanan na ito na para bang nakalimutan ang ginawa sa dalagang si Misaki, napahinto sa usapan ang tatlo at naninagas sa kinatatayuan.

"Go to Field now!!!" Sigaw nito at agad na nagtakbuhan ang tatlo patungo sa field.

"Bantayan sila hanggang makarating ako." seryoso nitong sabi kina Lash.

Bumalik sya sa Clinic kung saan naroon si Misaki at mahimbing na natutulog.

"How is she?" Tanong nito sa mga kasana.

"Ayos na raw sya, napuruhan ang ulo niya kaya baka bukas o sa susunod pa sya magising." Lea at seryoso lang.

Lumapit ang binata sa dalaga at hinawakan ang kamay, ganon na lamang ang gulat ni Lea ng makitang lumuha si Lohan..

"L-lohan" Tanging nabanggit ni Lea at tila piniga ang puso dahil sa nasaksihan.

Ngayon lang uli sya umiyak, sabi ni Lea sa isipan.

"Bantayan mo sya, i'll just do something important" tumango na lamang si Lea.

Hinalikan muna ng binata ang dalaga sa noo nito bago mawala.

Napangiti si Lea. Hinaplos nito ang malambot na buhok ng dalaga..

"Kamukhang kamukha mo sya, minsan ay iniisip ko na mag kapatid kayo. Kaso imposible naman yon!" Saad nito sa dalaga..

Sa kabilang banda, tatlong babae ang sugatan, puro pasa, hiwa at hinang hina na. Ito ang parusang natanggap nila mula sa pangbubugbog sa dalagang si Misaki, ang lahat ng yan ay gawa nila Lash na ipinagutos ng Presidenteng si Lohan. Si Aki naman ay nakasilip sa pinto at nais lapitan si Misaki, hindi nito napigilan ang sarili at pumasok sa loob ng Clinic..

"Lea"

Napalingon ang dalagang si Lea sa tumawag sa kanya.

"Aki, anong ginagawa mo rito?" Pabulong na tanong niya.

"Bawal bang bisitahin si Misaki?" Sabi nito kay Lea at walang emosyong tinignan...

Hinayaan nalang sya ni Lea dahil wala namang kaso yun, pare pareho naman silang nagaalala para sa kalagayan ni Misaki..

Lumipas ang tatlong araw ay wala paring ganap sa kondisyon ng dalaga, ang foundation day ay bukas na gaganapin ngunit hindi parin ito nagigising, ilang tyismis na ang kumalat na ang Gang ang gumawa nito, kung hindi ang Gang ay ang iba pang may posisyon sa Unibersidad. Ang tatlong babae naman ay pinapaamin nina Lash kung sino ba talaga ang gumawa non sa dalaga ngunit hindi ito umamin.

---

Brea's Pov

"Umamin ka, sino ang may pakana ng pangbu-bugbog kay Misaki?" Max at galit na galit.

Naglakad ako papalapit sa kanila at seryosong nakatigin sa tatlong babae.

"Tsk! Kung umamin nalang kasi kayo.. Di pa kayo mahihirapan!" Lash at walang gana silang tinignan.

"Sino?" Tanong ko at naupo sa harapan nila..

"W-wala kaming a-alam" Sagot nung isa.

Natawa ako at napapalakpak..

Pinaputok ko ang baril dahilan para magulat at mamutla sila sa takot.

"You have 3 days" sabi ko at umalis na ron.

The Loner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon