C21: Truth

1.6K 54 1
                                    

Misaki's Pov

"Arghhhhhhhhh!"

Nagwawala ang headmistress dahil sa nangyari kay Ayesa, patay na ito at iisa lang rin ang pumatay.

"Ahhh! Bitawan niyo ako!" Napatingin ako sa sumigaw.

Si Aki.

"What's this!" Galit na tanong ko at pinanlisikan ng mata ang Headmistress.

"Sya ang gumagawa ng lahat ng to! Sya ang kumakalaban sakin!" Galit na sigaw ni Headmistress.

"Sigurado kaba? Paano kayo nakasisiguro!?" Sigaw ko at hinatak si Aki papunta sa Likod ko.

"Nakitaan sya ng Karayom at may voice clip kaming nakuha.." Brea

Inabot nila sakin ang karayom at voice clip saka ito pinlay.

"Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!"

Napakuyom ang kamao ko at tinignan silang lahat ng masama.

"Nakakatawa kayo, nakakita lang kayo ng karayom akala niyo sya na? At saka isa pa, malay ba natin baka nandito lang rin ang salarin kaya wag kang mangbintang, baka nakakalimutan mo Headmistress na malaki ang atraso mo sakin!" Sabi ko at nilapitan sya. Napaatras ito at masama ang tingin sakin.

"Wag mo ng dagdagan pa ang kasalanan mo!" Sabi ko pa at lalabas na sana.

"Pls! Misaki kailangan syang maparusahan--"

"Stop Lohan. Nung una ako ang pinaghinalaan mo tapos ngayon sino? Si Aki naman, sino ang susunod mong pagbibintangan?" Galit na sabi ko rito, hindi ko na sya hinintay na makapagsalita at lumabas na.

"Let's talk!" Sabi ko at sumunod ito sakin..

Namumuro kana sa akin Headmistress!

---

"Alam mo, mula ng pumasok ako rito ay pamilyar na to sakin!" Sabi ko at naupo..

"Pakiramdam ko ay nakapunta ako rito noon pa man at hindi naman ako nagkamali dahil nakapunta na nga ako!" Dagdag ko pa, hinarap ko to at seryosong nakatingin sa kanya.

"Tell me.. Tell me everything!" Sabi ko rito.

"A-alin?" Tanong nito at umiwas ng tingin.

"Everything, about my sister" nagulat ito at biglang na lamang naluha..

"W-what do you mean?" Tanong niya muli..

"I'm Mistuka's sister. Please! I want to know everything!" Pagmamakaawa ko at nagsimulang umalpas ang luha mula sa aking mata.

Lalo itong nagulat sa sinabi ko, hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"K-kaya pala, kaya pala kamukang kamuka mo sya.." Sabi nito at may malungkot na ngiti.

Napangiti ako at patuloy ang pagluha, magkamuka talaga kami. Magkapatid kami eh!

"Si Ate Mitsuka, napakabait niya..." Huminto ito at tinignan ako..

"Bago palang sya noon dito, naagaw na niya ang atensyon ng lahat maging ang kapatid ni Lohan." napatingin ako rito, may kapatid si Lohan.

"Oo may kapatid sya, he's Carlo Facundo. Bago lang noon si Ate Mitsuka, napakaganda pa ng university noon nung papa pa nila Lohan ang nagpapatakbo at hindi pa si Ms. Rangel. Napakasaya namin nung maipasok sya sa Student Council at maging Secretary ni Headmaster, masaya kami kasi may Ate na kami.. Sampong taon palang kasi kami nun eh." Tumingin ito at humarap muli sakin.

"Hanggang sa, napansin namin ang laging pamumutla ng Ate mo, ang madalas nitong paglalagay ng Make up, pagsuot niya ng Long sleeve.. Dun namin nalaman na puro sya sugat at pasa" napahagulgol ako sa iyak maging si Aki.

The Loner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon