Misaki's Pov
Pangalawang araw na ng Foundation day, hindi parin nawawala ang usap usapan sa pagkamatay ng Queen. Syempre sya lang ang paguusapan, sya ang may posisyon eh tapos yung limang pang namatay ay mababa lang. Ganon talaga kapag usapang kapangyarihan, naiitsapwera ang mga mabababa.
"Tingin mo sinong pumatay?"
"Hindi ko alam. Pero kung sino man yon, nakakatakot talaga sya!"
"Oo nga eh, kaya hanggat maaari umiwas tayo sa gulo dahil baka nandito lang sya"
"Tsk! Duwag sya, bakit hindi sya magpakita"
Natawa ako sa sinabi ng babae, akala mo naman napakalakas niya para harapin ang taong yon. Yan din ang hirap sa mga tao. Hanggang salita lang..
Papasok na sana ako sa office pero may nagsalita.
"Ibang klase ka talaga.." Sya nanaman.
"Ano nanaman ba yon?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Ang kilala kong Misaki ay may pake sa iba. Bakit parang wala nalang sayo na may namatay na limang inosenteng tao!" Ngumisi ito at tila nangaasar.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko rito.
Hindi ko sya maintindihan, baliw na ata sya -_-
"Bakit parang wala ka ng pake? Bakit? Halimaw kana rin ba?" Ngumisi ito at lumapit sakin. Hinarap ko ito at walang takot na sinalubong ang tingin niya sa akin.
"Gaya nga ng sabi niya. Demonyo rin daw ako, kaya bakit pa ako maaawa sa iba kung doon din naman ang bagsak ko sa pinagbaksakan ng limang taong yin, naisip ko kasi na sulitin ang natitirang oras sa impyernong to kaysa asikasuhin ang mga namamatay. Sayang ang oras. Sabi nga nila, time is gold" sabi ko rito at plastik na ngumiti.
"Tama ka, demonyo karin pero hindi ka pa ganap na demonyo, dahil kung talagang demonyo kana. Handa kanang pasukin ang totoong impyerno.." Naguluhan ako sa sinabi niya..
"The question is? Napasok mo na ba? Mukang nakalimutan mona ata" sabi pa nito..
Totoong impyerno?
"Wanna know? Alalahanin mo, malapit kanang matuklaw.. Saka oo nga pala, magingat ka. Napakainit ng mata niya sayo. Gustong gusto ka niya, baliw na baliw sya sayo.. Maraming madadamay kapag hindi ka nagingat." Sabi nito at nawala na sa paningin ko, napakuyom ang kamao.
Lagi nalang niya ginugulo ang utak ko! Pero saan nga ba ang tinutukoy niyang totoong impyern-- teka? Hindi Kaya sa--
"Wag kang maniniwala sa kanya" napatingin ako sa nagsalita kaya bigla pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon..
Flashback..
Papunta na akong kwarto pero may humatak sakin patungo sa madilim na hallway..
"Ano ba, sino kaba!?"
"Shhh" nanigas ako sa kinatatayuan ng mapagtantong si Lohan ito.
"Mr. President.. Ano nanamang kakolohan to!" Inis na tanong ko.
"Sabi ko tumahimik ka!" Pabulong na sigaw nito.
Pasilip silip ito kaya naman nagtaka ako, sinong bang sinisilip niya?
"Sino bayan--hmmmmpp!"
Nanlaki ang mata ko ng halikan ako nito. Nakapikit ito at ako ay nanatiling dilat, napakalambot na labi nito at ang sara--. Argggghhh! B-bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? D-dapat ay itinutulak mo na sya! D-dapat ay sinampal mo na sya..
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Детектив / Триллер"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?