Brea's Pov
Kalat na sa buong Unibersidad ang nangyari, wala paring clue kung sino ang pumatay rito. Narito kami ngayon sa HM office.
"Nalaman niyo ba?" Tanong ni Headmistress..
"Hindi po" Yuna.
"Isa ba sa mga Gangs?" Tanong uli nito..
"Hindi po" yuna
"Kung ganon pala, may kumakalaban sakin" galit na sabi ni Headmistress.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko, wala naman sana. Lalong lalala ang lahat!
"Marahil nandito lang sa loob ng paaralan ang kumakalaban sa iyo Headmistress" Lash at seryoso lang.
"Tama ka" sabi naman ni Rive..
"Paano si Misaki?" Lea at nakayuko..
"Dont mind her.. Wag na muna na natin syang problemahin." Headmistress at may ngisi na ngayon sa labi.
"Hindi naman sya makakasagabal satin" dagdag pa nito at nakangisi parin.
Hindi nga ba?
Nagpaalam na kami at lumabas. Agad naman naming nakasalubong si Misaki na patungo sa HM.
"Kay Headmistress ba ang punta mo?" Tanong ni Max.
"Yeah" sagot nito at dumiretso na.
---
Misaki's Pov
"Nakuha mo ba?" Tanong ni Headmistress. Himala ay hindi sya nakangisi ngayon. Tss!
"Yes!" Sagot ko at binigay ang nakuha kong clue sa pagkamatay ni Laini.. Laini ang pangalan niya..
"Needle"
Napansin ko namang malalim ang iniisip nito. Iniisip ba niya kung sino ang pumatay kay Laini? Kahit ako ay nagulat. Biglaan ang pangyayari..
"So, anong plano mo Headmistress?" Sabi ko at dumikwatro..
"Oras na malaman ko kung sino ang kumakalaban sakin ay papatayin ko!" Sabi nito at pinaglaruan ang Karayom. May ngisi sa mga labi nito at handang handang pumatay.
"Kaya ikaw Miss Misaki, wag mo akong tatraydurin kung hindi ay malalaman mo ang hinahanap mo!" Ngumiti ito ng matamis sakin.
"Headmistress, kilala mo ako.. Hindi ko kayo pakikialaman hanggat hindi niyo ako natatapakan!" sabi ko at ngumiti. Lumapit ako rito at binigyan sya ng halik sa pisngi.
"Maswerte ka, ikaw ang una kong hinalikan sa pisngi." bulong sa tainga nito. Tumalikod na ako at isang ngisi mula sa labi ang pinakawalan..
---
Saya, saya ang una mong makikita sa muka ng lahat. Ang gabing ito'y hindi lang para magdiwang kundi para din sa mga estudyanteng nakulong sa takot at kay kamatayan! Ngayon malaya ang lahat, pero bukas. Balik sa normal ang lahat. Normal na yon para sa kanila, yun na ang nakasanayan eh. I wonder kung hindi ba nagaalala ang mga magulang nila? O baka naman ang alam ng mga ito ay nasa maayos na kalagayan ang anak nila! Nakakaawa. Nasasayang lang ang ginagastos nila para sa kanilang anak, sabagay walang bayad sa paaralang ito. Libre lahat.
"Good evening Ladies and Gentleman, we're here to celebrate the 30th anniversary of Facundo Unibersidad" nagpalakpakan ang lahat at bakas ang saya sa muka..
Ngayon ko lang rin napansin, Facundo Unibersidad, Lohan Facundo. Anong koneksyon niya sa F.U.?
"And of course, let's all welcome.. The Admins.. Our Vice President, Ms. Devorah Gayon"
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Mystery / Thriller"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?