Brea's Pov
Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang bagong P.I.O. hindi sa ayaw kong si Misaki ang humawak non, pero napakahirap at delikado!
"Brea, tingin mo bakit tinanggap ni Misaki ang posisyon? Bakit kaya sya ang napili ni Headmistress?" Yuna at nakaturo sa baba niya na parang bata.
"I dont know!" Sagot ko.
"Tsk! Baka inuto ang HM" Mataray na sabi ni Lea na kararating lang kasama ang alipores niya.
"You, Yuna! Drag that bitch here now!" Utos nito kay Yuna.
"Why? Wala naman ginagawang masama si Misaki? In fact, that position is suits on her" Yuna at masayang ngumiti.
"At sumasagot ka pa! Sundin mo nalang ako!"
Tumayo ako at hinarap si Lea.
"Yes, maybe you're the Vice President, pero maling pati kapwa mo na student council ay paginitan mo. Wanna experience Headmistress punishment?" Seryosong sabi ko rito, nanlilisik na tinignan ako nito!
"Watch your words Brea! Secretary ka lang, baka makita mo ang hinahanap mo!"
"I know, pero may karapatan parin akong magbigay ng opinyon! Plus the fact na nasa katwiran ako at ikaw baluktot!" Saad ko rito lumabas na ng SC room.
Tsk! Masyado sya, abusado!
Isang bagay naman ang napansin ko sa di Kalayuan ay may isang babae na pinagkakaguluhan.
Sino naman kaya iyon-- Misaki?
---
Misaki's Pov
Naiilang na naglakad ako sa gitna ng maraming estudyante ngunit hindi ito pinahalata sa lahat. Diretso lang ang tingin ko at iba na rin ang suot ko. Mula ngayon maiiba na ang Uniporme ko. Sa totoo lang ay muka akong patay sa suot ko. Its a black sando, black blazer, black pencil skirt and black stiletto high heels. Ok! Siguro nga patay ang pupuntahan ko!
"I-ikaw bayan? Woah! Grabe!" Di makapaniwala na tanong ni Brea..
Dahil narin siguro sa damit ko at sa buhok ko na inayos kanina ng mga kababaihan, messy bun ito at naninibago ako dahil hindi na full bangs ang bangs ko, tsk! Iniba nila ito ng style! Sa magkabilang gilid na sya T_T at kinulot pa nila ng bahagya!
"Pilit to, hindi sadya!" Sabi ko rito at napaiwas ng tingin!
"Dont look away, you're beautiful.. Dont be shy!" Sabi nito at ngumiti ng matamis.
Napabuntong hininga ako at pumasok na sa loob, lahat ay napatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin at umupo sa pwesto ko.
"Ibang klase talaga, sumipsip na nga, nagayos pa!" Parinig ni Lea.
"Wag mo akong ikumpara sayo, ang bagay na to ay pilit lang at hindi sinadya. May reklamo ka? Kung meron ay magtungo ka kay Headmistress. Hindi yung dakdak ka ng dakdak dyan!" Seryosong sabi ko at tinignan sya.
Bumukas naman ang pinto ngunit ang atensyon ko ay nasa ginagawa parin. Nasa akin Lahat ng list ng estudyante pati narin ang mga events na gaganapin sa mga susunod pang araw ay nasa akin, ako ang mago-organize.
"Miss, are you belong here?" Nagtaka naman ako sa tinanong ni Lohan. Sino bang kinakausap niya?
"See, hindi ka naman kabilang dito!" Napatingin naman ako kay Lea.
"So ako ang tinutukoy niyo? Next time samahan niyo ng pangalan!" Sabi ko at tinignan si Lohan na nakatitig sakin.
"Sure pagbibigayan na kita. Tutal last mo na to!" Nakangising sabi ni Lea.
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Mystery / Thriller"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?