C28: Her last wish..

1.5K 42 2
                                    

Third Person's Pov

Namangha si Misaki sa ganda ng mansion ni Jarren, ang lalaking inibig ng kanyang kapatid. Panay ang sabi nito na 'ang ganda' tuwing dadako ang tingin niya sa bawat sulok ng mansion.. May mga mamahaling Vase, paintings at iba pa.. Napapa Wow nalang ito sa isip niya, si Kean naman ay nanatiling nakasimangot at nakaupo sa Sofa..

"So, how's your life in FU." Tanong ni Jarren kay Misaki..

Alam nito ang bawat galaw ni Misaki, maging ang pinakatatagi nitong sikreto na hindi alam ng lahat.. Pagdating kay Jarren, wala kang maitatago kaya grabe din ang hanga niya kay Misaki, dahil sa tapang nito at dahil rin sa magaling itong magtago ng sikreto..

Nahinto ito sa pagpapantasya sa mansion at sumeryoso, napalitan ng galit ang nararamdaman tuwing maaalala ang kahayupan ng Headmistress..

"Ayos lang sya" si Kean na ang sumagot.

Kanina pa niya ako hindi pinapansin, sabi ng dalaga sa sarili.

"Well, how's Ms. Rangel?" Tanong muli ni Jarren.

Sasagot na sana ang dalaga pero naunahan sya ni Kean..

"Ayos lang, buhay pa!" Sagot ni Kean.

Ano bang problema niya, tanong naman ni Misaki sa isipan niya..

"Kean, i'm not talking to you--"

"I know.." Sabi nito at tumayo, umakyat ito at si Misaki ay sinundan sya ng tingin.

Napatingin si Misaki sa labas, at napagtantong gabi na..

"Bukas na kana umuwi, ipahahatid kita kay Kean" sabi nito at tinignan si Angel bago nawala sa harapan nila.

Ang tipid magsalita ng Kuya ni Kean.. Grabe siguro ang epekto sa kanya ng pagkawala ni Ate, sabi ni Misaki sa isipan niya at nalungkot.

"Let's go to your room" sabi ni Angel at ngumiti sa dalaga..

Si Angel ay isang mapagka katiwalaang babae kaya naman ganon nalang ang tiwala sa kanya ni Jarren.

Sumunod  na rito ang dalaga at biglang sumagi sa isip ang isang bagay.

"What's your name by the way?" Tanong rito ng dalagang si Misaki.

"Maurice Edison, their cousin"

Magpinsan pala silang tatlo, sabi ni Misaki sa isip niya.

"My parents is in U.S. while their parents passed away because of Cancer and Heart Attack.." Sabi pa ng dalagang si Maurice.

"Maswerte ka at nakilala mo ang isang Kean Casillan, mabait syang bata. Yes, maybe he's a monster but his heart is a golden one.." Sabi pa nito at ngumuti kay Misaki.

Kahit naman hindi niya sabihin ay totoo iyon. Isang demonyong may mabuting puso, nasabi nalang ni Misaki sa Isip niya at nakapangiti.

"Pano, ito na ang kwarto mo. Actually this room is really for you.." Nagtaka ang dalaga sa sinabi nito.

"Why?" Tanong nito.. Hinawakan ni Maurice si Misaki sa magkabilang balikat at ngumiti ngunit may nakakubling lungkot. Lungkot na matagal ng nakatago sa puso niya..

"Nung nabubuhay pa ang Ate mo, pinangarap niyang magkaroon ng malaking bahay kasama si Jarren, ikaw, ang mama at papa mo maging si Kean at ako pati na si Myka.. Napaka simple non ngunit para sa ate mo, malaking bagay na yon!" Napangiti si Misaki sa sinabi ni Maurice..

Naisip nalang bigla ng dalaga na napaka buti ng kanyang kapatid samantalang sya ay isang demonyo..

"Ang laki ng pagkakaiba namin!" Sabi nito at mapait na napangiti..

The Loner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon