Misaki's Pov
"Pano babye na Misaki" paalam ni Aki.
Nasa labas na kami ng Unibersidad at lahat sila ay may sundo. Mga mayayaman pala sila, maging si Aki, Yuna at Brea. Halata naman eh.
"Misaki, sabay kana?" Napatingin ako sa nagaya sakin..
Max.
"Wag na" sabi ko rito at naglakad na..
"Sige na.. Malayo pa ang lalakarin mo bago makalabas rito, saka delikado" sabi nito habang pinaandar ng mabagal ang sasakyan niya.
"Ayos nga lang.." Sabi ko..
"No! Sumabay kana" sabi nito at inihinto ang kotse. Walang ano ano ay inagaw niya sakin ang bag ko at nilagay yun sa likod ng kotse niya..
"Sakay na" sabi nito at pinag buksan pa ako nang pinto..
-_-
Nang makasakay ako sa Kotse ay patingin tingin ito sakin.. ano bang problema niya?!
"Ilang taon kana?" Tanong nito.
"Why?" Tanong ko pabalik.
"Nothing, i just wanna know. You look 16" sabi nito.
"No, i'm 19 now" sabi ko at nakatingin lang sa labas..
"Ooh, tsk! You should call me Kuya if that's the case." sabi nito at ngumisi..
"And why would i call you kuya?" Sabi ko rito at tinaasan sya ng kilay kaya naman natawa ito -_-
"Haha! Ngayon ka lang nagtaray ah" natatawang sabi nito.
"Tss.."
"By the way, san ka ba nakatira? Para maihatid na kita" sabi nito kaya natigilan ako.
Sasabihin ko ba? Paano akong makakasiguro na dapat ko syang pagkatiwalaan?
"Hey? Are you there?" Pabirong tanong nito.. Natawa ako ng bahagya at tumingin sa labas ng bintana..
I trust Aki, i trust Yuna and Brea.. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan sya.
"Ituturo ko nalang sayo.." Sabi ko rito at tumango naman sya..
Sana tama ang desisyon ko..
---
"So, ikaw lang dito?" Tanong nito habang nakatingin sa kabuuan ng bahay namin. Kalahati lang ito ng isang mansyon, pinagipunan to ni Papa kaya naman todo ang alaga ko rito. Ang titolo ng bahay ay nasa akin parin..
"Yeah, my family are already Dead" sabi ko at naupo sa labas..
"What's your life in your previous school?" Tanong nito niya muli at naupo.
"Teka! Bakit ba ang dami mong tanong ha!" Sita ko rito kaya natawa sya nanaman sya.
Happy?
"Nothing, i just want to know you, very well." sabi nito at napatango tango naman ako..
"Well, palagi akong tinutukso when i was in Elem until now.. In my previous school, they say i'm crazy cause i dont have any relatives and Friends. I'm Loner, yeah!" Sabi ko rito at napairap sa kawalan.
"Oah! Sorry" sabi nito at napaiwas ng tingin.
"Its okay" sabi ko at tumayo na.
"I have to go now, susunduin ka nalang namin pag babalik na tayong Unibersidad" sabi nito at ngumiti lang ako..
Ang sarap sa feeling na may nasasabihan ka ng saloobin..
"Ah K-kuya Max?" Tawag ko rito kaya napahinto ito at humarap sakin ng nakangiti..
BINABASA MO ANG
The Loner [COMPLETED]
Misterio / Suspenso"Langit o Lupa?" "Isa, dalawa, tatlo magtago na kayo.. Hihihihihi!" "Pare pareho lang naman tayong lahat, walang anghel dito!" Sino ba talaga? Sya, ikaw o ako?