Ang malakas na tiktilaok ng manok at pag-usbong ng kulay asul na langit na nagsasabing nandito na si Haring Araw ang bumungad sa mga mata ni Jeongyeon. Isang araw na naman ng pagbobote't bakal ang haharapin niya.
Tulala lang sa kanyang kwarto at nagmu-muni muni. Ang tanong sa kanyang sarili, san siya nagkamali ... nagkamali sa pag-assemble sa kanyang lego blocks. Maliban sa pagsi-skateboard, mahilig din siyang magkulekta ng mga lego blocks. Purket ba mangbabakal lang siya eh di na pwedeng pang rits ked ang hobbies niya? Wag kayong JUDGEMENTAL!
Biglang naputol ang kanyang mga agam-agam nang tawagin na siya ng kanyang ina. "Jeongyeon, bumangon kana't kakain na. Maaga ka pang mangangalakal!" Tawag ng kanyang inang naghahain. Dali-dali namang pumanaog si Jeongyeon.
Di siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Sa krisis ngayon, dun pa talaga nila naisipan na gumamit ng tinidor at kutsara. Bigla siyang napaluhod sabay sabing, "Shet! Feeling ko talaga bacon ulam namin ngayon! Yey, excited nako!"
Pero biglang gumuho ang kanyang mundo nang ihapag na ng kanyang ina ang isang plato ng Lucky Me Beef Mami. Mahirap nga naman talagang kamayin ang noodles. Napabuntong-hininga na lang siya sa kanyang sarili habang nakatingin sa malayo. Masakit talaga umasa. PARANG TANGA.
Tanghali na nang naka-alis si Jeongyeon para makipag-kita sa kanyang mga kasamahan sa pangangalakal. Kahit late man siya o hindi, wala namang makakapalag sa kanya dahil siya ang leader ng gang nila na ang tawag ay ... Sine-Gang.
Hindi naman sa pagmamayabang, kinatatakutan siya ng mga holdaper, snatcher, rapist, akyat-bahay gang o ano pamang pisteng salot sa lipunan yan. Tiklop silang lahat kay Jeongyeon. Duterte who?!
Gamit ang kanyang secondhand na skateboard na napulot niya sa pambabasura. Dali-dali niya itong pinadyak sa isang makipot na eskinita ng Ermeta.
Habang nakasakay, super kiligers naman ang mga babaeng nadadaanan niya. Bukod kasi sa 'Boy Astig' na palayaw niya eh siya din ang 'Kilabot ng mga Bebot' sa lugar nila. Isang ngiti lang ni Jeongyeon, laglag ang lahat ng panty ng mga chickas. '#Boombuntis!', ika nga.
May apat na members ang Sine-Gang. Ang Vice-President ng gang na dati'y isang akyat-bahay na ngayon ay nagbagong buhay na, si Jihyo. Sunod, ang dating may bisyo na mahilig uminom ... ng Nestea, yung red, pero ngayon ay takatak girl na ng Pasay na si Dahyun. At ang bunso, age and height wise, na dating palaboy-laboy lang sa kalye na palaging abangers sa McDo, baka may tirang chicken joy at idol na idol si Gloc9, si Chaeyoung.
"Tol, bat ang tagal mo? Kanina pa kami naghihintay sayo, bilad na kami sa araw. Sayang lang ang kojic ko." Alma ni Dahyun.
"Sorry, mga bros. Na-traffic ako eh. Ang dami na namang naka-abang na mga babae ayaw ako padaanin. Alam niyo naman, with good looks comes great responsibilities." Patangol na sabi ni Jeongyeon.
"Oh sige, tama na yan. Tara na." Utos ni Jihyo. "Di ba tayo magbobote't bakal ngayon?" Tanong ni Chaeng. "Pass muna tayo jan, may ibang racket tayo ngayon. Mas malaki ang kita at may free foods pa." Sagot ni Jeongyeon. Makalipas ang isang oras na paglalakad, naka-abot narin ang Sine-Gang sa kanilang destinasyon.
Nakaharap sa isang malawak na gate ang Sine-Gang. "Jeong, ano ang ginagawa natin dito?" Nagugulohang tanong ni Jihyo. "Mga bros, ihanda niyo na mga sarili niyo. Papasok tayo dito."
"Ano?" Sabi ni Jihyo. "Huh?" Sinundan ni Dahyun. "As in? Reyley? I'm can't believes et!" Mas na-shock lalo ang tatlo sa english ni Chaeng. Pano ba naman magre-relax ang tatlo kung first time nilang papasok sa isa sa pinaka di ma-reach, super sosyal, highclass eskwelahan sa Pinas. Rits kids lang ang nakaka-afford ng tuition dito.
Kung wala kang dats, wag kanang mangarap bes.Kaya nga binansagan ng mga commoners na bitter ang swelahan nato na, '(A)ng (D)i (M)ayaman ( U)wi!', a.k.aADMU.
BINABASA MO ANG
Parang Tanga / Like A Fool
FanfictionA tear-jerking, heartwarming Tagalog TWICE Fanfic of all time that will change everything you know about life and love that even Titanic is shookt. Credits to: snsdis_love