LIKE A FOOL IKA 11

671 29 8
                                    

(Flashback: 7:30AM...)

"Manong, make me hatid sa school na. I don't want to be late." Utos ni Nayeon. "Opo, Ms. Im."

(Skip to 7:50AM...)

"Manong, I'm going to make baba na here. I'll make lakad nalang to the school gate." Sabi ni Nayeon. "Ms. Im, sure po ba kayo? Malayo pa po yung room niyo." Patakang tanong ni Manong Driver. First time niya kasing masaksihan na pwede naman palang bumaba ang kanyang amo nang mag-isa.

Kasi kadalasan kulang nalang na buhatin niya pa ito patungong fifth floor para lang hindi madumihan ang million dollar school shoes ng kanyang amo. Ganyan ka-arte si Nayeon.

"Manong, it's ok. You can go now." Command ni Nayeon. Ayaw niya naman talagang bumaba kasi it's so meenet keyeh and so dusty pa pero gusto niya na dapat ang unang makita ni Jeongyeon ay walang iba kundi ang beyotipul presence niya kaya handa siyang maghintay sa school gate para sa kanyang kras.

'#THINGSUDO4KRAS!'

(Skip to 8:05AM...)

"My ghad, why so tagal naman ni Jeongyeon? Like I'm so pagod na ha! My bag is so bigat pa. Why do I have to make dala pa kasi this jumbo physics book eh, gosh!" Reklamo ni Nayeon. Ilang minuto na kasi siyang naghihintay sa gate habang tinatakpan ang kanyang muka baka kasi may makakilala sa kanya.

Ewan ba niya kung bakit siya nagkakaganito. Hindi naman siya ganito dati. Si Jeongyeon lang naman ang nag-iisang nakagawa nito sa kanya. Praning na nga talaga siya for Jeongyeon.

Habang naghihintay, hindi alam ni Nayeon na may nakatingin pala sa kanya.

"Pre, ito ba talaga yung sinasabi mong girlfriend ni Jeongyeon?" Tanong ng lalaking naka-bonnet. "Oo, pre. Siya yan. Siya parating kasama ni Jeongyeon. Sure ako siya yan." Reply ng lalaking naka-itim. "Sige pre, dukutin na natin."

Biglang may humintong van sa harap ni Nayeon at bigla siyang hinawakan ng mga lalaking naka-mask.

"Who are you?! Bitawan niyo ko! What the fuck? Dahan-dahan sa buhok, please! Mga two hours ko din yang pinakulot, ano ba?!" Sigaw ni Nayeon pero mas malakas talaga ang mga lalaking nakahawak sa kanya.

"Tumahimik ka!" Sigaw ng lalaki sabay takip ng puting tela sa bibig ni Nayeon. At ayun na nga, biglang dumilim ang paningin ni Nayeon at hindi na niya alam kung anong nangyari sa mga susunod na eksena.

Nagising na lamang si Nayeon sa isang madilim at di pamilyar na budega. Nag-attempt siyang kumawala pero sobrang higpit ng pagkakagapos sa kanya.

She scanned the place. May mga bote ng Red Horse na nakakalat everywhere, mga balot ng Piattos at Mang Juan na nakapatong sa mesa at may mga lalaking nagtatagay session. Aba'y hanep din! Sila super enjoy na enjoy sa kanilang life habang siya naman, kating-kati nang kamutin ang kanyang ilong, may lamok kasing kumagat dun.

Hindi man lang niya ma-retouch ang kanyang fes na super oily na kasi nakagapos siya. This is so unfair! Nag-isip siya ng mabuti kung ano ang dahilan bakit siya kinidnap. Wala siyang ma-isip dahil ano naman ang rason nila para sa pag-kidnap sa kanay, eh isa lang siyang pretty at mayamang mahilig sa lipstick? Habang abala siyang nag-iisip ay may bigla siyang narinig.

Boss: "Nandyan na ba yung babaeng pinadukot ko sa inyo?"
Goons #1: "Opo, boss. Nakagapos na po."
Boss: "Mabuti. Makakapag-higanti narin ako sa bwiset na Jeongyeon na yan! Matitikman niya ang ganti ng isang api! Bwahahaha!"
Goons #2: "Di naman siya ang dahilan kung bakit nag-break kayo ng girlfriend mo. Yung GF mo ang nakipag-break sayo."
Boss: "TUMAHIMIK KA! BUTASIN KO YUNG ATAY MO JAN EH!"
Goons #2: "Sabi ko nga. Patayin natin yung girl!"

"Eto na ba yung babae? Hmm, maganda, kutis purselana. I like it." Sabi ng manyakis na boss. "Let go of me! Pali!" Sigaw ni Nayeon. "Ay aba, englishera pa! Wow, sosyal!" Kantyaw ng boss. "What do you want from me? Money? Fame? My autograph?!" Tarantang tanong ni Nayeon.

"Hindi naman talaga ikaw yung kailangan ko, yung girlfriend mo ang may atraso sakin." Inis sa sagot ng boss. "Girlfriend? Sinong girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Nayeon. "Sino pa, edi ang leader ng ng Sine-Gang na si Yoo Jeongyeon!"

Biglang kinilig si Nayeon. "Ene be~? Hende ke pe seye gerlprend neh. Weg ke nge hehehe~!" At may time pa talagang mag-blush ang lokaret.

"Sya-sya, tatawagan ko girlfriend mo. Wag kang magingay ah, kundi pu-pullering ko yang eyelashes mo!" Banta ng boss.

Agad naman na sinagot ni Jeongyeon ang tawag. "Hello, si Jeongyeon bato? Ulol, di moko ex! Gusto ko lang ipaalam sayo na hawak ko girlfriend mo." Biglang inabot ng boss ang cellphone kay Nayeon.

Dali-dali namang nagsalita si Nayeon, "Jeongyeon, help--"

"NAYEON, IKAW BA YAN?!"

Ngunit bigla itong kinuha ng boss. Napaka bastos talaga ng lalaking ito. "Kung gusto mo pang makita ang girlfriend mo ng buhay, pumunta ka sa address na sasabihin ko sayo."

(Endof Flashback...)    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon