LIKE A FOOL IKA 12

693 29 16
                                    

"Tol, kailangan kong puntahan si Nayeon." Pagmamadaling sabi ni Jeongyeon sa kanyang No Jam Bro na si Chaeng. "Tol, bakit? May date ba kayo? Ey, ikaw ha, hindi ka man lang nagsabe sakin. I'm hurts." Kantsaw ni Chaeng.

"Loka, nanganganib buhay niya!" Sabi ni Jeongyeon. "Tol, anong gagawin ko? Baka may masamang mangyari sa kanya?!" May bakas ng panic sa boses ni Jeongyeon.

"Tol, bat ba concern ka? Di ba kaaway natin siya, remember? Hayaan mo nalang siya dun." Sagot ni Chaeng. "Tol, hindi ko pwedeng baliwalain si Nayeon. Kahit bwiset na bwiset ako sa kanya, hindi ko kayang abandunahin ang ina ng mga magiging anak ko." Rason ni Jeongyeon.

Napa-isip bigla si Chaeng. Kung si Mina ang nasa lugar ni Nayeon, hindi din niya magagawang iwan ang future wife niya. Nakapag-desisyon na ang dalaga. Tutulungan niya ang kanyang No Jam Hyung. Bigla niyang kinuha ang water gun na nabili niya sa Dibisorya. "So tol, pano ba natin sila papatumbahin?"

Ilang oras na ang nakalipas pero wala parin si Jeongyeon. Inip na inip na ang boss sa paghihintay.

"Boss, wala parin yung leader ng Sine-Gang. Baka naman wala yong planong pumunta?" Sabat ng right hand ng boss. "Pupunta yun. Tignan lang natin kung hindi siya pupunta kapag nakita niyang ginagalaw ko ang girlfriend niya." Galit na sabi ng boss sabay kuha kay Nayeon.

Agad namang nag-panic si Nayeon. "Wait, ano g-gagawin niyo sakin?" Takot na takot ang dalaga.

"Relax, di naman toh masakit. Siguradong mag e-enjoy ka, hehe." Pinaupo ng boss si Nayeon at kumuha ito ng something sa bag niya. "Magshi-shave lang ako ng kaliwang kilay mo." Itinapat ng boss ang blade sa kilay ni Nayeon.

"Pakundo, i-picture mo toh at ipasa mo sa Snapchat ni Jeongyeon, bilis!" Utos ng boss.

Nanginginig si Nayeon sa takot at galit dahil mas gugustuhin niya pang mamatay kesa sa mawala ang kaliwang kilay niya lalo na't napaka importante sa kanya ang kilay. '#KilayIsLifuu<3'

Wala siyang magawa kundi pumikit nalang habang papalapit ng papalapit ang blade sa kanya, nang bigla niyang naalala ang mga sinabi sa kanya ng isang matandang babae.

Matandang Babae: "At the moment of life and death, make a powerful desire. A soft-hearted creator might grant you that wish."

'Someone save me! Please, save me. JEONGYEON!' Sigaw ni Nayeon sa kanyang isipan.

Biglang sumabog ang ilaw. "Anong nangyayari?" Sigaw ng boss. Humangin ng malakas. Dumilim at tila...

(Plays; Heize & Han Sooji - Round And Round)

May dalawang anino sa gitna ng dilim, ang isa ay matangkad at ang isa naman ay pandak. Sabay may dry ice smoke effects for intensifies. Papalapit ng papalapit sa kanila ng slow motion. Super intense ng awra ng dalawa. Galit na galit habang hawak ang isang pack ng Magic Sarap at isang Made-In-China water gun.

"Boss, sila yata yung sinasabi mong Sine-Gang." Biglang dinilat ni Nayeon ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. "J-Jeongyeon, dumating ka." Bulong nito. Maluha-luha sa sobrang tuwa.

"Anong karapatan niyong paiyakin si Nayeon?! Ako lang ang may karapatang magpaiyak sa kanya!" Galit na sigaw ni Jeongyeon. "Wala akong paki-alam sa babaeng yan, gusto ko lang magpa-impress kay Mina!" Patuloy ni Chaeyoung habang kinakasa ang kanyang water gun.

"Nagpakita ka rin sa wakas!" Sabi ng boss. "Teka, sino ka ba?" Tanong ni Jeongyeon. "Ako ang leader ng notorious group na kilala sa tawag na Maute Group." Reply ng boss. "Bago mo makuha ang girlfriend mo, dadaan ka muna sakin. Boys, sugurin sila!" Utos ng boss.

Putukan everywhere, two against the world. Biglang kinuha ni Jeongyeon ang kanyang hidden power. "Chaeng, ang bato!" At biglang sumigaw ito ng, "DARNA!"

Hindi naman nagpahuli si Chaeng, bigla niyang kinagat ang checken joyce niya at nag-transform ito sabay sigaw, "POWER RANGER YELLOW NINJA STORM!"

Super support naman si Nayeon sa dalawa, may pa-'charrup baby, charrup baby jom deo himeul nae' toh using her pompoms pa. Wait, pano siya nakawala sa gapos at san galing yung pompoms?! WHAT SORCERY?!

Ngunit hindi talaga madaling maubos ang Maute Group. "Tol, ako na bahala sa mga toh. Puntahan mo na yung gurlprend mo." Sabi ni Chaeng. "Sige, tol. Tatanawin ko tong isang malaking utang na loob sayo." Pasalamat ni Jeongyeon at agad naman niyang hinanap at nakita si Nayeon na nakagapos. "Ok ka lang ba, Bebeh Girl?"

"Oops, teka lang, bago kayo mag-moment jan. kalabanin mo muna ko." Hamon ng leader ng Maute Group. "Yung Maute Group, hindi basta basta nauubos pero ANG PASENSYA KO KAUNTING-KAUNTI NALANG!" Dahil sa sobrang galit na talaga si Jeongyeon, biglang may lumabas na dilaw na pwersa sakanya, ang buhok ay naging kulay blonde at biglang nag-transform into Super Saiyan Phase.

"Ha! Akala mo ikaw lang may ganyan?!" Bigla namang nag-transform ang leader ng Maute Group sa isang malaking ahas sa katauhan na tinatawag sa pangalang Orochimaru.

Putres na, naging Dragon Balls vs. Naruto na angdrama ng dalawang leader!    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon