PARANG TANGA PART 6

753 30 0
                                    

Matandang Babae: "Sandali lang mga apo."
Jihyo: "Oh, bakit na naman, Lola? Kung gusto niyong humingi ng spaghetti, wala po kami nun."
Matanda: "Loka, hindi noh. Dahil binigay niyo ang tanging pagkain na pananghalian ninyo na walang pag-aalinlangan sa isang matandang tulad ko. Bibigyan ko kayo ng isang gantimpala."
Dahyun: "Ano po bang pinagsasab--"

Ngunit bago paman makapag salita si Dahyun ay biglang nagliwanag ang matanda na para bang siya ang may-ari ng Meralco at nag-transform ito sa isang napakagandang diwata. Hindi makapaniwala ang Sine-Gang sa kanilang natunghayan. Kanina lang ay nakikipag-usap sila sa isang uugod-ugod na matanda ngunit ngayon? Nasa harapan na nila ang isang hallyu star? Anyare?!

Jihyo: "Sino ka?! Nasan si lola?!"
Dahyun: "Kinain mo ba si lola?!"
Chaeyoung: "U r a layar, a deseiber, a thieyppf!"
Jeongyeon: "Luh, bat may kasamang thief, Chaeng?"
Chaeyoung: "Walang basagan ng trip, tol."

Matandang Babae: "Teka lang, wag kayong OA! Over kayo maka-react eh. Lemme introduce mah self. Ahem. Hello Philippines and hello World. Hello din sa inyo mga bes. My name is Suzy with a B.A.E coz yes that's me, I'm a bae. Age 21, 166cm in height and 47k in weight. Mula sa lupaing kulang sa bigas, sandamakmak ang mandurugas, Pilipinas. At ako ang dyosa na magpapa-init sa inyong gabi. At dahil nga may mga busilak kayong puso, bibigyan ko kayo ng isang wish."

Sine-Gang: "..."
SuzyBAE: "Alam ko na-shock kayo sa kagandahan ko pero paki bilisan lang yung wish niyo kasi may date pako with my behbeh labs."
Jeongyeon: "Isa lang? Ang kuripot mo naman, ano ba yan."
SuzyBAE: "Bakit? Nagreklamo ba ko nung binigyan niyo ko ng panis na hamburger? Ang cho-choosy ng mga dukhang toh!"
Jihyo: "Tol, ok na yan. Ms. Suzy, pwede po bang i-discuss muna namin yung wish namin?"
SuzyBAE: "Ok, you have 1 minute to win it."

In the Sine-Gang's epic discussion.

Jihyo: "Mga tol, dapat nating pag-isipan tong wish natin, it's now or never toh mga tol!"
Dahyun: "Sports car, yung red."
Jeong: "Gaga, wala tayong pang gasoline, ni hindi ka nga marunong mag-drive."
Chaeng: "Sampong jollibee chicken bucket mga tol!"
Dahyun: "Ang babaw mo talagang bata ka."

Nag-isip ang nag-iisang may brain sa kanilang lahat na si Jihyo. Hindi naman siya na-disappoint ng utak niya dahil may na-isip siyang bright idea.

Jihyo: "Bakit hindi nalang natin sabihin yung wish natin na sana makapag-aral na tayo sa ADMU para makapasok tayo dun tapos kunin natin yung gintong arinola?"
Chaeng: "Oh my gwahd, wat a bryht ideah!"
Dahyun: "Napaka-useful mo talaga sa team na toh. Ang talino mo, tol! Wooh, Idol!"
Jeong: "Di talaga ako nagkamali sa pagpili sayo, tol. Like Pres like Vice Pres talaga."
Jihyo: "Sus, kayo nemen, maliit na bagay."

Flips hair with bebe fes epeks. May karapatan din naman siyang magpabebe kasi pinag-bigyan eh.

SuzyBAE: "So ano na? May wish na ba kayo?"
Jeongyeon: "Yup, gusto naming makapag-aral sa ADMU. Sagutin mo tuitions naming, LAHAT NG SEM."
SuzyBAE: "Yun lang ba? Easy, wait. Imma text the principal and ... viola, tapos na."
Dahyun: "Ganon lang kadali? Pinagloloko mo yata kami eh."

SuzyBAE: "Luh, sa gandan kong toh, mukha bakong scammer? Sa maniwala kayo o sa hindi, bukas makalawa may text kayong matatanggap na enrolled na kayo sa kung saang pang mortal na eskwelahan yan. Oh sige na, may date pako with my honey bunch sweety pie, Lee Minho ng buhay ko, ba-bye you na mga beshie."

At ganun nga, parang bulang nawala ang misteryosong diwata na si Suzy with a BAE. Samantalang naka ngangang naiwan ang Sine-Gang habang ina-absorb pa sa kanilang kakaramput na utak ang mga pangyayari.

Dahyun: "Totoo ba yung sinabi niya mga tol?"
Jihyo: "Ewan ko din mga tol, manalig nalang tayo kay Tita Alma."
Chaeng: "I want my chickhen bucket, huhuhu."
Jeongyeon: "Wag nalang natin yun pansinin mga tol, dahil siguro yun sahamburger ni Chaeng na kinain niya kaya sabog yun. Mangalakal nalang tayo paramakarami."    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon