PARANG TANGA PART 5

800 33 16
                                    

Seryoso namang nakinig ang tatlo kay Chaeyoung.

Chaeng: "Narinig ko kasi kagabi na may dalawang nagtatalo tungkol sa tinatawag nilang mahiwagang bola na kung makuha mo daw toh, pwede kang mag-wish ng kahit ano. Gusto niyo kunin natin sa kanila yun?"
Dahyun: "Magandang idea yan, Chaeng! Di talaga kami nagkamaling maging tropa ka namin!"
Jeongyeon: "Ang galing talaga ng NoJam bro ko! Brofist nga jan."
Jihyo: "Pero sino sila?"

"Sina San Guko at Freiza." Sabay thumbs up si gago.

Jihyo: ... ( ಠ_ಠ)
Dahyun: ... ( ಠ▃ಠ )
Jeongyeon: ... (ʘ言ʘ╬)

Jeong: "Mga tol pigilan niyo ko, please lang! Baka ano pang magawa ko sa batang toh eh."
Jihyo: "Ibigay kaya natin si Chaeng sa mga autoridad, baka may reward yung mga nakakahuli sa mga drug addict?"
Dahyun: "Diba dapat sa mental natin ipadala si Chaeng?"
Chaeng: "Y u so mean to mey? I'm just suggestions, bros. U hurt my feelings."
Jihyo: "Ibenta kaya natin kidneys natin sa black market? Diba uso yun ngayon?"
Jeong: "Nabenta ko na yung isang kidney ko last year. Kinailangan ko kasi ng cash para sa limited edition na Lego Collections ko mga tol."
Dahyun: "Humanap kaya tayo ng sugar daddy? Papakitaan lang natin ng white legs natin yun tas may iPhone7 na tayo."
Jihyo: "Kingina mas mabuti pang ibenta ko lahat ng mga organs ko tol, wag lang yan! Kadiri!"

Napa buntong hininga na lamang ang Sine-Gang. Kahit ibenta pa nila ang buong pagkatao nila o umutang sa bumbay, hindi parin nila kayang bayanaran kahit isang semester man lang ng ADMU. It sucks to be a hampaslupa, ika nga. Dismayadong tinagay na lamang ng Sine-Gang ang natitirang Tanduay.

"Makakahanap din tayo ng paraan, tiwala lang sa mga dasal ni Tita Alma, mga tol." Sambit ng kanilang leader na si Jeongyeon. "Oh sige, tagay pa."

Pagkatapos mag-inuman, on their way na ang Sine-Gang upang mangalakal nang may napasin silang isang matandang babae na nanlilimos. 'Siga on the Outside but Pusong Monde Mamon on the Inside', yan ang pagkakalarawan sa Sine-Gang. Hindi nila kayang makita ang kapwa nila na nahihirapan kaya nilapitan nila ang matanda at tinulungan.

Matandang Babae: "Mga iha, palimos."
Dahyun: "Ng ano po?"
Matanda: "Alangan namang pagmamahal, edi ng pagkain! Shunga kaba?"
Dahyun: "Ay sorry naman la, maganda lang hindi perfect."
Jeongyeon: "Mga tol, may pagkain pa ba tayo jan?"
Jihyo: "Nakita ko kanina si Chaeng na may dalang tirang hamburger, Chaeng ibigay mo nalang yan kay lola."
Chaenyoung: "But dis is mine."

Jeongyeon: "Alam mo ba na ang batang maramot paglaki ... ay hindi na pala lumalaki kasi nga maramot? Gusto mo bang forever Pandak nalang? Gusto mo ba yun, Chaeng?"
Chaeyoung: "Hindi."

Sabay pout ang dalaga habang ibinababa ang kanyang backpack at kinuha ang tirang hamburger.

Jeongyeon: "Kaya ibigay mo nayan kay lola. Tignan mo, naglalaway na habang nakatingin sa hamburger mo."
Chaenyoung: "Okay. Lola, here's my hamburger. Medyo may kagat nayan at may amag na pero masarap pa naman yan. Eat well, Lola." (^_^)

"Maraming salamat mga iha. Napakabusilak ng mga kaluoban ninyo. Pagpalain kayo nawa." Sambit ng matanda ngunit bago paman isubo ng matandang babae ang hamburger ay bigla siyang napatigil.

Jihyo: "May problema po ba?"
Matanda: "May fries ba kayo or coke man lang? Baka mabilaukan kasi ako eh."

"Jusko bigyan niyo po ako ng pagtitimpi dahil baka masapak ko na tong matandang toh." Dasal ni Jihyo sabay tapik sa kanyang batok.

Matanda: "Eto naman. Joke lang. Di ka naman mabiro, eto na nga oh, kakain na."

In less than 1 minute ay naubos na nga ng matanda ang hambuger. Luhang-luha naman ang Sine-Gang habang tinitignan nila ang gutom na matanda dahil dala narin sa pagka-awa at kalungkutan dahil yung hambuger na yun sana ang paghahati-hatian pa nila para sa kanilang pananghalian.

"Uhh ... ay, excuse me hehehe. Nabusog ako sa hamburger niyo mga iha." Sabi ng matanda sabay haplos sa kanyang busog na tiyan.

Jeongyeon: "Oh sige la, alis na kami. Mangangalakal pa po kasi kami."

Paalis na sana ang Sine-gang ng bigla silangpinigilan ng matandang babae.    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon