PARANG TANGA PART 4

877 31 8
                                    

Samantala, ang Leader naman ng Conyo Girls ay tulala parin sa mga pangyayari. Agad namang tinulungan ng Conyo Girls ang kanilang leader. Galit, kilig, confusion ... di alam ng leader ng Conyo Girls kung ano ang kanyang nararamdaman. Pero isa lang ang alam niya ... someone stole her first kiss.

Conyo Girl (blonde member): "OMG, are you okay?!"
Conyo Girl (red haired member): "Do you feel anything? Should we call the police?"
Conyo Girl (black haired member): "Oh my god! Unnie, you have icing all over your face! Someone call 911, pali!"

"It's ... sweet." Sabi ng leader as she touches her lips with blushy cheeks, grabe ang cute ng effects ng babaeng toh. Nakaka-fall talaga!

Conyo Girl (red haired member): "Huh?"
Conyo Girl (black haired member): "Oh, the icing on your lips?"
Conyo Girls Leader: "No."
Conyo Girl (blonde haired member): "Then what?"
Conyo Girls Leader: "It's ... it's her lips."

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung pumunta ang Sine-Gang sa ADMU ngunit hindi parin nila makalimutan ang Conyo Girls. Dahil depressed, naisipan nilang pumunta sa Mang Jaljari's Sari-Sari Store at mag-inuman.

Jeongyeon: "Mang Jaljari, isang case ngang red horse."
Dahyun: "At saka limang Mang Juan narin para pulutan."

"Ang kakapal naman ng mga mukha niyo! Hindi niyo pa nga nababayaran yung sandamakmak na utang niyo tapos mangungutang na naman kayo agad?!" Nandidilat na sigaw ni Mang Jaljari.

Jihyo: "Ay grabe naman po kayo, babayaran naman namin yan."
Mang Jaljari: "Kailan?"
Jihyo: "Sa tamang panahon."
Mang Jaljari: "Ewan ko sa inyo! Alis!"

Chaeng slammed table sabay sigaw, "Ganyan ka naba talaga katigas sa amin, Mang Jaljari? Bakit? Sa mga panahong iniwan ka ng asawa mo, sino bang kausap mo noon para maglabas ng sama ng luob? Diba kami?! Sa mga panahong lungkot na lungkot ka, sino bang nagbigay ng number ni Aling Sadness-unnie sayo para maging mag-textmate kayo? Diba kami?! Wi wer der wen u r at your lowest, Mang Jaljari! TANDAAN MO YAN!!!"

"Tol kalma, relax lang. Hingang malalim, Chaeng." Pinigilan ni Jeongyeon si Chaeng na namumula na sa galit. Mas mapula pa sa lecheng damit ni Jollibee ang muka nito.

Dahyun: "Tol, ang gamot! Sinunsumpong na naman!"
Jihyo: "Eto yung chicken joy niya, ipakain niyo sa kanya dali! Bago pa niya mapatay si Mang Jaljari."

Biglang na konsensya si Mang Jaljari at natakot narin para sa kanyang buhay. Tama nga naman si Chaeng. Ang Sine-Gang lang ang nakinig sa mga daing niya at tumulong sa kanya para maka-move on.

Mang Jaljari: "Sige pagbibigyan ko kayo pero mag-Tanduay nalang kayo at isang pack lang ng Mang Juan, ok naba yun?"
Jeongyeon: "Oks na po yan."
Chaeng: "You is da best man en da planet, Mang Jaljari!"

Nag-heart sign pa ang napakalmang bansot na tigre. Ok na din kasi cute naman eh, haha. Habang nag-iinuman ay na-topic na naman nila ang ADMU at ang Conyo Girls.

Dahyun: "Grabe mga tol noh? Ang daming chix na magaganda sa ADMU. Lalo na yung blonde!"
Jihyo: "Pero ang dami ding pwedeng ibote't bakal sa school na yun at ibenta. Sure ako malaki kikitain natin dun."
Jeongyeon: "Alam niyo bang sabi sa balita, may nakatago daw na gintong arinola na ginamit ni Elpidio Quirino nung unang panahon sa luob ng eskwelahang yun?"
Chaeng: "WAT?! As eyn?? Reyley?"
Dahyun: "Huh? Mabebenta pa ba natin yung arinola?"
Jihyo: "Tol di ka naman nakikinig eh, ginto nga yung arinola tas ginamit pa ni Elpidio. Artifacts yun sa history natin mga tol!"
Dahyun: "Ay ganun ba yun."

Jeongyeon: "At ito pang malupet, iilan lang ang nakaka-alam ng sikretong toh kaya may posibilidad na tayo ang unang makakuha ng arinola. Isipin niyo mga tol, madami tayong perang matitibag pagnakuha natin yung gintong arinola."
Dahyun: "Makakapag-patayo narin ako ng ChocoPie Factory!"
Jihyo: "Pwede nakong mag-enroll sa Singing Class ni Sarah Geronimo! Yes!"
Chaeng: "I will buy McDo and I will make it a hotel!"
Jeongyeon: "Kaya nga dapat tayong makabalik dun."

Pero hindi nila alam kung paano. Ano ba ang dapat nilang gawin upang makapasok ulit sa ADMU? Nagpalitan sila ng mga makabuluhang idea, in short, nag-brain storming ang Sine-Gang habang pinapapak ang Mang Juan at tumatagay ng Tanduay nang biglang nagtaas ng kamay si Chaeyoung.

Chaeyoung: "I hab a sujestyon."    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon