PARANG TANGA PART 2

1.1K 35 18
                                    

"Mga tol, relax. Makakapasok tayo jan! Akong bahala." Sabi ni Jeongyeon sabay sway sa hair with matching smirk epek ang gaga. Sa tulong ni Jihyo na dating member ng 'Pro Akyat-Bahay Gang', dali dali niyang pinarkour free running style ang pader ng ADMU at naghanap ng entrace para sa kanyang mga tropa.

Sa di maipaliwanag na dahilan ay nakapasok nga ang Sine-Gang. Manghang-mangha sila sa kanilang nakita. Ang daming matataas na buildings at malalawak na garden na mas malaki pa sa kanilang baranggay, COMBINED!

"Mga tol, baka malaman nilang outsider lang tayo." Sambit ni Dahyun. "Don't wori bros, lemme handle dis." Sagot ni Chaeyoung sabay kuha sa kanyang bag pack.

"Backpack, Backpack! Backpack, Backpack! I'm The Backpack Loaded Up With Things And Knick-Knacks Too. Anything That You Might Need, I Got Inside For You! Backpack, Backpack! Backpack, Backpack! Yeah~!"

Tamemeng pinanuod ng tatlo ang bansot nilang myembrong sige lang sa pagkanta. "Kailangan namin ng perfect disguise para di malaman ng mga rits kids na mga hampaslupa lang kami. Pwede niyo ba kaming tulungan sa pagpili ng mga damit sa luob ng backpack nato?"

Jihyo: "Pre, sino ba kausap nyan?"
Jeongyeon: "Ewan ko, side effects siguro yan ng mga tira-tirang panis na chicken joy na kinakain niya sa McDo."
Dahyun: "Kawawang bata, kinain na ng sistema."

Napabuntong-hininga na lamang ang tatlo. After 243234 years ay finally natapos na ni Chaeng ang kangyang 'Chaeyoung the Explorer Moment', at dali-dali nilang sinuot ang mga uniforms na nakuha ni Chaeng sa kanyang mahiwagang backpack.

Nag-strolling ang Sine-Gang upang humanap ng canteen nang biglang may bumunggo kay Jeongyeon na wala man lang "Sorry." o "Ok kalang ba?" na sinabi. Common manners, bes. "Ay putapets, sinong tumulak sakin? Ikaw ba? Gusto niyo bang dumanak ang dugo sa school niyo?!" Sigaw ni Jeongyeon.

Stupident 1: "Dude, what is she saying?"
Stupident 2: "Bro, just forget about her. The Conyo Girls are coming, come on!"

Gulong-gulo ang Sine-Gang sa mga nagaganap. Bat nagkakagulo ang buong eskwelahan? Sino ang Conyo Girls? Bat di marunong mag-sorry ang mga tao dito? Mahal na ba talaga ngayon ang manners? Dahil curious, sinundan ng Sine-Gang ang mga nagkakagulong studyante.

Stupident 1: "Shit! Anjan na sila!"
Stupident 2: "Fuck! I can't contain my feels! OMG, OMG! Please, marry me!"
Stupident 3: "Saranghae, Conyo Girls! I LOVE YOU TO THE BONES, TO THE MOON AND BACK!"

Jeongyeon: "SANDALI NGA! Sino ba kasing mga--"

Sparkles Like Ohh-Ahh plays while red carpet rolls. Natulala, na-shock, nag-loading, na-mild stroke, nag-lag, nag-hyperventilate, tinigasan, humaba at tumayo ang ... mga balahibo ng Sine-Gang sa kanilang nakita.

Hindi nila mailarawan ang kanilang na fi-feel. Pretty is an understatement, tulo laway is the right term para ma-describe ang kagandahan ng Conyo Girls. Naputol ang kanilang pantasya nang may naglakas ng loob na i-approach at magbigay ng cake ang isang estudyante sa leader ng Conyo Girls.

Studyante: "Noona, I baked this cake for you last night. I'm your fan. Please accept this."

Pero imbis na tanggapin ito ay hinagis pa ng leader ang cake sa mukha ng studyante sabay sabi ng, "If you're truly my fan, alam mo sana na I don't eat trash like that. I only eat food made by my personal chef. That cake looks kadiri kaya and you know what? You should tapon it nalang sa trashcan because it's so annoying, and you're so annoying so get lost and evaporate! Shoo!"

Walang nagawa ang estudyante kundi umiyak nalang habang tinitignan ang nasayang na cake. Hindi nagustohan ng Sine-Gang ang nakita lalo na ang leader nilang si Jeongyeon. Nagagalit siya dahil sa pagmamalupit sa estudyante pero mas nagagalit siya sa pagsasayang sa cake. Hindi ba nila alam na mahal na ang harina at itlog ngayon?

Paalis na sana ang Conyo Girls nang may tumawagsa kanila, "Hoy, Miss! Maganda ka sana pero nakaka-turn off ang ugali mo!Mag-sorry ka naman!" Sigaw ni Jeongyeon.    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon