PARANG TANGA PART 9

748 27 19
                                    

Meanwhile at Conyo Girls Quarter, having their afternoon tea session.

"So dito na sila nag-aaral?" Tanong ni Tzuyu while sipping her million dollar tea. "Yeah, and I think sila yung mga kadiring people na nag-trespass here. What's their name again?" Tanong ni Sana. "Sine-Gang." Reply ni Mina.

Sana: "So should we make them bayad for what they did to you, Nayeon?"
Tzuyu: "But like paano tho?"
Nayeon: "Don't worry, girls. We'll use the usual."
Mina: "You mean the card?"

The famous 'Nayeon Evil Grin' was evident on her face and by then, the girls knew that it was the end game. "Yes, the TWICE CARD."

At iyon na nga, ginawa ngang impyerno ng CG and buhay ng Sine-Gang. Simula nung may naglagay ng Twice Card sa kanilang locker, nagkapeste-peste na ang kanilang buhay. Araw-araw nalang may naghahagis ng itlog na may kasamang harina sa kanila, microwave nalang ang kulang, pwede nang gawing pandesal ang Sine-Gang.

Minsan may nagba-vandal din sa kanilang lamesa ng kung anu-anong di kanais-nais na salita tulad ng "Mamatay na kayo.", "Fak U Bits!!!", "Mga salot kayo sa lipunan!", "Ang papangit niyo.", "Ang dapat sa inyo ipa-tukhang!", "Anakan niyo ko plz, este I hate you, Sine-Gang! <3", at kung anu-ano pang pagmumura.

Hindi na makayanan ni Dahyun ang mga pangyayari, nagpasya itong wakasan na ang kanyang paghihinagpis. Agad niyang kinuha ang kutsilyo sabay sigaw, "Di ko na kaya!" Agad namang pinigilan ng Sine-Gang si Dahyun. "Tol, wag! Maghunus-dili ka!" Makabasag-tengang sigaw ni Jihyo. "Tol, wag kang magpakamatay! Wag mo kaming iwan!" Pigil ni Jeongyeon. "WAGSTFUTOLTGIFMASHAKEHETWTFYAN!?!?!?" Sambit ni Chaeyoung habang bising-busy na nilalapak ang kanyang chekehen joiyce.

Napatigil si Dahyun. "Ano bang sinasabi niyo?" Nagtatakang kinamot ni Dahyun ang kanyang ulo. "Sabi mo, hindi mo na kaya habang hawak-hawak mo yang kutsilyo?" Sagot ni Jihyo.

"Oo nga, hindi ko na kaya. Bubuksan ko na tong watermelon kasi hinog na." Sabi ni Dahyun habang tinutusok-tusok ang watermelon. "Ay, tangina. Sayang naman." Dismayadong napabuntong-hininga ang tatlo.

"Pero tol, hahayaan na lang ba nating i-bully nila tayo?" Tanong ni Jihyo. Alam naman ng lahat kung sino ang mastermind ng lahat, ang Conyo Girls. Ngunit wala silang magawa dahil takot silang mapatalsik sa eskwelahan. "Hayaan niyo, mga tol. Kakausapin ko leader nila." Sabi ni Jeongyeon.

"Hoy, ikaw! Alam mo ba kung san ang lungga ng mga Conyo Girls?" Hinablot ni Jeong ang collar ng isang student. Di na niya ma-take ang pangbu-bully lalo na't nadadamay na ang kanyang mga tropa sa gulo. Enough is enough. Its naw or neber. Handa na siya at ang Sine-Gang para harapin ang Conyo Girls. "I-I don't know!" Nanginginig na sagot ng stupident.

"Sasabihin mo ba o pepektusan kita sa gilagid?!" Banta ni Dahyun. "S-sa fifth floor! Yun lang ang nag-iisang r-room dun!" Nangingiyak na ang stupident sa takot.

Dali-dali namang pinuntahan ng Sine-Gang ang nasabing floor ngunit sa harapan palang ay sinalubong na agad sila ng isang maskuladong lalaki. "Ikaw ba ang leader?" Tanong ng maskuladong guard. "Oo." Napalunok si Jeongyeon. "Ikaw lang ang dapat na pumasok sa room nato." Instract ng lalaki.

"Hala Jeong, pano ba yan?! Sige, good luck na lang sayo. Fighting! And then behbeh charrup!" Cheer ng kanyang mga unloyal na mga kaibigan. Wala ng magawa ang leader ng Sine-Gang kundi sundin nalang ang utos ng maskuladong guard. Ikaw ba naman yung panlisikan ng mata sabay gesture ng 'you die', di ka ba matatakot? Agad na pinindot ni Jeongyeon ang 5th floor ng elevator.

Nang makarating ang elevator sa 5th floor at bumukas ang pinto, tumulo na naman ang laway ni Jeongyeon dahil shit, ang ganda naman ng receptionist sa floor nato. Ang laki ng melons, I mean, ng welcome smile ng blonde receptionist sa kanya. Agad namang ini-scout ng blonde receptionist si Jeongyeon pero bigla niyang napansin na may nagp-play ng fifthy shades of gay music habang naglalakad sila.

(Plays; Earned It by The Weekend)

Blonde Receptionist: "Ms. Im will see you now."
Jeongyeon: "Wait, napanuod ko na toh ah."    

Parang Tanga / Like A FoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon