Biglang lumiwanag ang pintuan at may isang babaeng nakatalikod hanggang sa, "Nice to meet you again, Jeongyeon."
"Teka, parang pamilyar ka?" Sabay turo ni Jeongyoen sa babae. Nasa harapan na niya ang kanyang mortal na kaaway, ang dahilan kung bakit mala-impyerno and buhay ng Sine-Gang sa school nila, ngunit bakit hindi niya magawang saksakin ng ballpen na nakatago sa kanyang bra ang babae?
Bat parang sumisikip na naman ang kanyang kokoro? Pero agad niyang naayos ang sarili. 'Si Nayeon ang kalaban Jeong, wag ka magpadala sa mala-snake niyang alindog!'
Jeongyeon: "Hoy, ikaw babae. Alam kong ikaw ang may pakana ng Twice Card sa locker naming!"
Nayeon: "Yes, ako nga."
Jeongyeon: "Bakit mo ba kami pinagtitripan ha?! Di ka naman namin ina-ano."
Nayeon: "Excuse me? Baka nakakalimutan mo yung..."
Jeongyeon: "Yung ano?""Yung ... basta! You did something unforgivable!" Hindi masabi ni Nayeon ang dahilan dahil nahihiya siyang aminin na si Jeongyeon ang kumuha ng kanyang pers kess.
"Ano ba kasi ginawa ko sayo?" Nag-isip siyang mabuti nang biglang mag-flashback lahat kay Jeongyeon. "Tang-mader, yun lang naman pala eh." Dahan-dahang lumapit si Jeongyeon at bigla niyang kinorner si Nayeon.
"Sana sinabe mo agad. Oo nga naman, napaka unfair naman talaga sa side mo. Baka isipin mo wala akong kwentang tao." At bigla niya itong hinalikan. "Oh, ayan. Sinoli ko na." Sabay smile si Jeongyeon.
Parang maha-highblood si Nayeon, lahat ng dugo niya ay tumaas sa kanyang pisngi. Biglang nag-cartwheel ang kanyang puso from 120 beats per seconds to 1000 beats per WATDAPAK?! HINALIKAN NA NAMAN SIYA NI JEONGYEON! Hindi nakagalawa si Nayeon sa kanyang kinatatayuan.
"Oh, yan. Quits na tayo ah." Di mapigilan ni Jeongyeon na ngumiti. Tignan mo nga naman ang buhay, naka-chasing pa talaga siya sa babae, nawala lahat ng galit niya kay Nayeon. Pero dahil nga hindi na gumagalaw si Nayeon at namumula na ito, agad siyang um-exit kasi baka may nakatagong revolver si Nayeon kung saan, baka patayin pa siya ng babae.
"Hasta la vista, baby~!" With matching wink ni Jeongyeon sabay talon sa may bintana. Putapets, 5th floor nga pala yung building kaya ayun, namatay.
THE END.
Joke, nabalian lang pala. Pero di alam ni Jeongyeon na hindi nakatulog si Nayeon nung gabing iyon dahil sa sobrang kilig at dahil na rin super sakit ng puson niya, time of the month niya kasi nung panahon na yun.
Ngunit hindi tumigil ang pambu-bully kay Jeongyeon, pero at least hindi na nila dinadamay ang tropa niya na ikinatuwa naman nila Jihyo, Dahyun at Chaeng. Handa nilang i-sacrifice ang leader nila sa kalaban kung ito lang ang tanging paraan upang matigil ang pangbu-bully sa kanila. Ang se-selfish ng mga lokaret, frendshep who?
Pero ang kaibahan lang ngayon ay parating nasa eksena si Nayeon tuwing nabu-bully si Jeongyeon. Super active ang dalaga sa pangbu-bwiset sa leader ng Sine-Gang. Naisipan tuloy ni Jeongyeon na hindi siguro effective ang kiss niya ngunit, subalit, datapwat di alam ni Jeongyeon na behind those evil laughs ay may nakatagong feelings si Nayeon sa kanya.
Ginagawa lang ni Nayeon na excuse ang pangbu-bully para makita lamang ang crush niyang si Jengyen. The more you hate, the more you love daw kasi ang sabi nila. Aba, iba din ang logic ng babaeng ito.
"Ms. Im, nandito napo ang reports tungkol sa schedule ni Ms. Yoo ngayon. Usually dumadating po siya ng school around 8:00AM." Report ng kanyang Personal Secretary. "Okay, ihatid mo ko ng 7:30. Dapat nasa school na tayo by 7:55." Utos ni Nayeon. "Opo, Ms. Im."
"Wait, you're really serious 'bout making the leader of Sine-Gang make bayad for what she did to you?" Tanong ni Sana. "Wow, for the first time in history, the Great Im Nayeon is serious about something, or should I say someone?" Patuloy ni Tzuyu. "But everything has a limit, Unnie." Advice ni Mina.
"Gays, chill. Let's just say I'm bored and she took my interest. That's that." Rason ni Nayeon. "Weh? Walang halong char?" Hirit ni Sana.
"Sampal, you want?" Banta ni Nayeon. "Sabi ko nga eh, hehe." Nanahimik bigla ang baklang squirrel.
"Leche, late na naman ako! Pesteng buhay toh. Bat ba kasi ako pa ang naisipang utusan ni Mama na bumili ng magic sarap para sa siomai niya?!" Bukod kasi sa Yoolanda Carenderya ay may Japanese Siomayan din ang kanilang pamilya.
Ang hirap talaga pag-business minded ang pamilya mo. Buti nalang nandito ang kanyang No Jam Bro na si Chaeyoung para samahan siyang bumili ng magic sarap. Sinabi niya kasi na may free chickhen joyce sa tindahan na pagbibilhan niya. Ang napaka inusenteng Chaeng naman ay agad na nagpa-uto at sumama.
Habang papunta sa tindahan ay may natanggap siyang tawag galing sa isang unknown caller.
Jeongyeon: "Hello, sino toh?"
Caller: "Ikaw ba si Jeongyeon?"
Jeongyeon: "Oo, ako nga. Teka, isa ka ba sa mga ex ko? Ana? Bona? Cole? Diana? Elsa? Fe? Grace? Honey? Alam mo, pili ka nalang kasi hanggang Z pa names ng mga ex ko."
Caller: "Ulol, di moko ex! Gusto ko lang ipa-alam sayo na hawak ko girlfriend mo."
Jeongyeon: "Ano bang pinagsasabi mo? Sinong girlfriend? Pwede bang paki sabi na din yung pangalan kasi hanggang A to Z din names ng mga GF ko."Biglang inabot ng unknown caller ang cellphone sa sinabing girlfriend niya. "Jeongyeon, help--"
'Teka, bat pamilyar ang boses na yun? Nayon ... Na ... NAYEON?!'
Jeongyeon: "NAYEON, IKAW BA YAN?!"
Caller: "Kung gusto mo pang makita ang girlfriend mo ng buhay, pumunta ka saaddress na sasabihin ko sayo."
BINABASA MO ANG
Parang Tanga / Like A Fool
FanfictionA tear-jerking, heartwarming Tagalog TWICE Fanfic of all time that will change everything you know about life and love that even Titanic is shookt. Credits to: snsdis_love