Natahimik ang lahat. Biglang nag-iba ang aura ng paligid. Lahat ng stupidents ay nangatog ang tuhod at nag-rosary. "Holy Mary Mother of God, I pray for her soul." Sabay turo kay Jeongyeon.
"Excuse me?! What the actual frig did you just said?!" Di makapaniwalang tanong ng leader CG. "Sabi ko, ikaw na sana yung gusto kong maging future wife pero nakaka-turn off yung ugali mo. Pero kung magso-sorry ka, feeling ko pwede ko pang i-consider." Sagot ni Jeonyeon.
Tumawa bigla ang leader ng CG. Na-shock ang leader sa kanyang narinig. "And who are you? You lowly ignorant peasant?" Tanong ng CG leader. Pasagot na sana si Jeongyeon pero bigla niyang siniko si Dahyun. "Tol, ano daw sabi niya?"
"Aba malay ko sa kanya pero tol, ang ganda nung blonde!" Reply ni Dahyun. Napakamot nalang si Jeongyeon sa kanyang ulo.
"Ok, so maybe you're one of those transferee stupidents who don't know me yet so I'm going to give you one last chance and beg for my forgiveness, and since I'm in a good mood today, I'm going to count 1 to 3 and by then I want to see you on your knees, licking that cake." Sabi ng Leader ng Conyo Girls.
"1..."
Dahyun: "Tol, noh bang sinasabi niya?"
Jihyo: "Di ko nga ma-gets eh, English kasi. Ang hirap! Ikaw ba, Chaeng?"Si Chaeng ay nakatingin sa malayo habang sinasambit ang mga katagang, "Pinaka Crispylicious, juicylicious Chickehen joy ... Pinaka Crispylicious, juicylicious Chickehen joy ... Pinaka Crispylicious, juicylicious Chickehen joy..."
Dahyun: "Ay sabog na naman tong batang toh, wala tayong mapapala dito mga tol."
Jihyo: "May pag-asa pa yan, dasal lang talaga. Dasal lang mga tol.""... 2 ..."
Jeongyeon: "Ha! Ngayon tinuturuan niya na tayong magbilang? Anong akala niya satin, di marunong? Loko talaga tong babaeng toh."
"... 2½ ..."
Jeongyeon: "Huh? Ano ba kasing ibig mong sabihin. Mag-tagalog ka kasi."
Lalong lumakas ang rosary ng mga studyante. "Holy Mary Mother of God, we pray for their souls."
"... 3! That's it! You're a dead meat." Galit na pinuntahan ng leader ng Conyo Girls ang kinatatayuan ni Jeongyeon para sampalin ito pero biglang ... BAAM!!! WAPAK!!! KABOOOM!!! WATAHHH!!! BOOM BAYAH!!! At iba pang sound effects!
Nagulantang ang lahat. Napatigil sa pagma-mop si Manong Janitor. Nahulog sa hagdan ang Prinsipal. Napatigil sa pagle-lecture ang Prof. Huminto ang mundo ng ADMU.
Pero mas lalong huminto ang mundo ni Jeongyeon DAHIL NAKA PATONG LANG NAMAN ANG LEADER NG CONYO GIRLS SA KANYANG HARAPAN AT SA MANIWALA MAN KAYO O SA HINDI, NAKAPATONG DIN ANG LIPS NILA SA ISA'T-ISA! NADULAS KASI ITO NA PARANG TANGA DAHIL SA CAKE KANINA SA FLOOR AT SA SUPER INTENSE NG EKSENA AY NAPAPA-CAPSLOCK TULOY AKO! SHET!
(Plays; Tadhana by Updown Dharma)
Parang pelikulang naka-slow motion na di niya alam ang kanyang gagawin. Sumisikip ang dibdib ni Jeongyeon. Di niya malaman kung dahil ba masikip yung strap ng bra niya o sobrang ganda talaga ng chix on top of her.
Tinignan ni Jeongyeon ng mabuti ang mukha ng dalaga. Kutis na kasing puti ng gatas na bear brand, mga matang kasing ganda ng mga tala, matangos na ilong, mapupulang labi at wala man lang blackheads/whiteheads o pimples ang fes. Akala ni Jeongyeon na wala nang mas gaganda pa sa crush niyang si Liza Soberano pero shit! Ibang level ang ganda ng babaeng nasa harapan niya.
Di naman din nagkakalayo ang feelings ng leader ng Conyo Girls dahil sa moment na iyon ay nagandahan/nagwapuhan siya kay Jeongyeon. Para bang may something kay Jeongyeon na di niya ma-explain. And that moment she knew that she's the one.
Pero tulad nga ng mga sappy romantic love stories/fairlytales/k-dramas ... there's always a cockblocker. Compulsory talagang maputol ang moment dahil bigla siyang hinila ni Jihyo. "Tol, ayaw ko sanang istorbuhin ang moment niyo pero nandito na yung guard na humahabol satin."
Walang nagawa si Jeongyeon kundi bumangon atdali-dali silang tumakbo papuntang exit.
BINABASA MO ANG
Parang Tanga / Like A Fool
FanfictionA tear-jerking, heartwarming Tagalog TWICE Fanfic of all time that will change everything you know about life and love that even Titanic is shookt. Credits to: snsdis_love