BUO na ang desisyon ni Laura.
Gagawin na niya ang inaalok na solusyon ng tiyahin niya. Mabigat man sa loob pero wala na siyang ibang maisip na paraan kung paano siya makakakuha ng malaking pera nang ganoon kabilis.
Kailangan nang maoperahan ng kapatid bago paman ito magkaroon ng komplikasyon. Hindi naman pwedeng magmukmok lamang siya sa isang tabi dahil lang sa alam niyang mali ang gagawin niya. Hindi niya kayang pabayaan lang nang ganoon na lamang ang kapatid. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang magdusa. Si Lawrence na lamang ang nagbibigay lakas sa kanya para mabuhay. Nangako siya sa kanyang inay na hindi niya pababayaan ang kapatid noong nabubuhay pa ito. Wala rin naman siyang aasahan sa tatay niya.
Lakas loob na tinitigan ni Laura ang repleksyon sa salamin. Ibang-iba ang nakikita niyang Laura sa mga oras na 'yon. Ibang-iba sa ma prinsipyong Laura na kilala niya. Sa mga oras na 'yon patay na ang totoong Laura.
Parang may kung anong bumikig sa lalamunan niya sa isipan na 'yon. Nasapo niya ang dibdib sa sobrang paninikip ng dibdib niya dahil sa pagpipigil ng mga luha.
Laura huwag kang umiyak! Patawarin sana ako ng Panginoon sa gagawin ko. Hindi ko gusto 'to pero kailangan lang talaga. Ayokong mawala ang kapatid ko.
Pinalakas niya ang loob. Umayos siya ng upo at muling tinitigan ang mukha sa salamin. Simula pa lamang ito Laura. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Ipinikit niya ang mga mata. Para kay Lawrence. Masasanay rin ako.
Muli niyang naalala ang pag-uusap nilang dalawa ng tiyahin niya.
"Five hundred thousand po?" Nanlalaki ang mga matang ulit ni Laura.
"Tama ang rinig mo Laura. Hindi mo alam kung gaano kamahal ang mga babaeng kagaya mo. Dati ko pa 'yan sinasabi sa'yo. Anyway, matagal ko nang kakilala si Mr. Sy. Galanti talaga 'yon magbigay. Mayaman. Mabait. Gwapo. Pero hindi siya ang makakasama mo ngayong gabi."
Kumunot ang noo ni Laura.
"A-Anong ibig n'yo pong sabihin tiyang?"
"Ibibigay ka niya sa kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino pero sinabi niya namang mabait ang kaibigan niya."
Hindi alam ni Laura kung ang kabaitan na tinutukoy nito ay nangunguhulugan na mabuti itong tao o mabait ito sa kama. Hindi niya maisip na ang isang mabait na lalaki ay basta-basta lang makikipagniig sa isang kaladkaring babae.
Pero kailangan pa ba niyang isipin 'yon? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki. Iisa lang ang gusto nila sa mga babae.
Malaki na ang five hundred pesos. Maipambabayad na niya 'yon nang buo sa opistal. Pero kakailangan pa niya nang mas malaki-laking pera sa susunod. Para sa mga gamot at stay sa ospital hanggang sa full recovery ng kapatid. Alam niyang kukulangin ang pera niya.
Bumigat tuloy ang pakiramdam niya. Kung sa unang beses kikita siya nang ganoon kalaki, nangunguhulugan lamang na hindi lang iisang beses na ibebenta niya ang sarili sa isang lalaki.
"Alam ko ang iniisip mo Laura," basag muli ng tiya niya. Naingat niya ang tingin dito. "Aaaminin ko sa'yo, malaki ang komisyon na makukuha ko kapag pumayag ka. Hindi kasali doon ang bayad mo."
"Hindi ko ho kayo maintindihan tiyang."
"Tanggapin mo ang trabahong 'to at ibibigay ko na lang din sa'yo ang komisyon at tip ng kliyente sa akin para maipandagdag mo sa operasyon ng kapatid mo. Hindi muna kailangang ibenta ulit ang sarili mo."
PANAY ang tingin ni Rave sa buong paligid. He was not familiar with the place. Hindi ito ang mga usual places na pinupuntahan nila ni Mykael. The place was totally out of Mykael's character. But knowing Mykael, alam niyang isa na naman ang lugar na 'yon sa mga bagong tuklas nito.
BINABASA MO ANG
HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETE
RomanceRAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng...