ISANG BOX ng sapatos ang bumati kay Laura nang umagang 'yon. Nakapatong 'yon sa itaas ng mesa katabi ng kanyang kama. Sa pagkakaalala niya ay wala naman 'yon kagabi. Kailan at sino naman kaya ang nag-iwan ng box ng sapatos sa silid niya?
Umayos siya ng upo sa higaan niya bago inabot at binuksan ang shoe box. Gising na siya pero mas lalo siyang nagising nang makita ang laman nun. Isang pares ng pulang doll shoes na may desinyong ribbon. Ang ganda!
Tila kumikinang ang sapatos na 'yon. Kahit simple lamang ang design ay maganda ang pagkakagawa at halatang mamahalin. Napakurap-kurap siya, sino naman ang magbibigay sa kanya nang ganoong klaseng sapatos?
Mayamaya pa ay may napansin siyang may naka usling papel sa isa sa mga sapatos. Kinuha niya 'yon, isa pala 'yong sticky note.
I noticed that you don't have any shoes. I hope you don't mind if I give you one. -Rave
Napatanga siya ng ilang segundo. Si Rave ang nagbigay? Bumaba ang tingin niya sa doll shoes. Naglapat ang mga labi niya. Ibinalik niya sa mesita ang box ng sapatos at inalis ang kumot bago na upo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang sapatos at sinukat.
"Wow!" Natutop niya ang bibig sa pagkamangha. "P-Paano niya nalaman ang size ng paa ko?" Itinaas niya nang bahagya ang mga paa. "Ang ganda." Hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. Ang ganda-ganda tignan ng mga sapatos sa mga paa niya.
Ito ang unang pagkakataon na nakapagsuot siya ng maganda at mamahaling sapatos. Gusto niyang maiyak sa saya. Hindi niya inakalang mapapansin 'yon ni Rave. Nakakahiya man pero ilang linggo na niyang gamit ang tsinelas na bigay sa kanya ng ospital. Ilang thank you pa kaya ang maibibigay niya kay Rave?
"HI," nakangiting bati ng gwapong lalaki kay Laura.
Natigilan siya at naikiling niya ang ulo sa kabila. Kilala ba siya nito? Bumalik siya dahil nalagpasan niya na ang lalaki. Malapad pa rin ang ngiti nito sa kanya nang harapin niya ito.
Pamilyar ang mukha nito pero 'di niya maalala kung saan at kailan niya nakita ang mukhang 'yon. Matangkad, mistiso at chinito ito. Gusto niya rin ang light brown nitong mga mata na kapag nasisinigan ng ilaw ay lalong tumitingkad. Mukha itong bida sa mga asianovela. Nakasuot ito ng black statement shirt na may naka print na, 'I WAS MADE DURING BEDTIME'. Naka tuck in ang harapan ng T-shirt nito sa kupas na pantalon na suot nito at pinarisan ng... ng itim na pambahay na tsinelas? Wow!
Tila hinugot lang ito sa kwarto nito ng kung sino. Ngayon niya lang rin na pansin na bahagyang magulo ang may kahabaan nitong buhok. Gayunpaman, kahit sa simpleng ayos nito ay agaw pansin pa rin ito ng mga taong napapadaan, lalong lalo na sa mga babae.
"We've met before." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Mykael, the one who bought you for Rave."
Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis na naigala niya ang tingin sa lobby ng ospital. Sa isip niya ay lihim siyang napangiwi. Paano na lamang kung may nakarinig dito? Ano na lamang ang iisipin ng mga tao sa kanya?
At naalala niya na ito, madalas banggitin ni Doc Kevin si Mykael. Ang palakero di umano nitong kaibigan. Siguro nga ay nakita niya ito sa bar pero masyadong magulo ang isip niya noon kaya marahil 'di rumihistro sa isip niya ang mukha nito.
Bahagya itong natawa. "My apologies," hinging paumanhin nito sabay kamot sa noo. "I shouldn't have said that. Anyway, I got your discharge papers with me. Rave will be running a little late, but he'll be here soon."
"Okay," tango niya.
"Ako na ang nag-asikaso ng discharge papers mo dahil may emergency si Kevin, so that explains why I look like someone just grabbed me out from my deep slumber," natatawang explain nito sa kanya. "Inihatid lang ni Rave si Ross sa lola niya. Nag-breakfast ka na ba?"
BINABASA MO ANG
HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETE
RomanceRAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng...