"RAVE gising ka na, please."
Nakatunghay si Laura kay Rave. May sofa bed ito sa loob ng working area nito at doon ito natutulog. Nakasalampak siya ng upo sa sahig at nakaharap sa natutulog na anyo nito. Kanina pa niya ginigising ito pero ang himbing ng tulog nito. Alas sais na nang umaga at gising na siya pero natatakot siyang bumaba. Natatakot talaga siya sa nanay nito. Baka mag-breakfast siya ng sermon at taas kilay.
"Gising ka na." Gamit ang isang daliri ay sinundot-sundot niya ang pisngi nito. "Samahan mo ako sa baba."
Pero sa halip na i-pressure ang sarili na gisingin si Rave ay naaliw pa siyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napaka-peaceful ng anyo nito. Malayong-malayo sa gising na si Rave na laging seryoso. Alam niyang mas matanda ito sa kanya pero hindi naman 'yon halata dahil sadyang pinagpala ito ng langit sa angking kakisigan at kagwapohan – mga halos sampung taon ang agwat nila kung 'di siya nagkakamali.
"Ang mantika mo matulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Inumaga ka ba? Bakit ang gwapo mo? Kanino ka nagmana? Paano ka ginawa? I love you?"
"Gusto mong sagutin ko 'yang huling tanong mo?" balik tanong nito sa paos na boses. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Oh syet! Napalunok siya ng wala sa oras. How to kalma? How to react? Anak ka talaga ng patis Laura Capili. Good luck sa'yo!
"H-Hindi." Mabilis na iling niya sabay kaway ng dalawang kamay sa harap nito. "Joke lang 'yon."
"Ang aga mong mag-joke." Inimulat nito ang mga mata at pinakititigan siya. Para naman siyang nahipnotismo sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya. Ngayon lang siya naka face to face ng lalaking sobrang gwapo kung bagong gising. "May lakad ka?"
"E ang tagal mong gumising."
"Laura, it's still six in the morning." Tinalikuran siya nito ng higa. "Go back to sleep. Kakatulog ko lang." Itinalukbong nito sa buong mukha ang puting kumot nito.
"Bakit inumaga ka na?"
"My mind works at night time."
Inilapat niya ang mga palad sa likod nito at inalog-alog ang katawan ni Rave. "Paano naman ako? Gising na mama mo. Sa tingin mo ba kaya ko siyang harapin mag-isa?"
"Then go back to sleep."
"Baka isipin niyang batugan ako."
"She wouldn't think that, nasa honeymoon stage pa tayo. She will understand."
"Paano si Ross?"
"It's Saturday, Lar. Ross doesn't have school today. He'll be up a little late."
"Anong gagawin ko?"
"Matulog ka ulit."
"Hindi na ako inaantok –" Nagulat siya nang biglang tumayo si Rave mula sa pagkakahiga at walang ka hirap-hirap na kinarga siya mula sa pagkakasalampak niya ng upo sa sahig. "R-Rave!" mahinang tili niya. Sus me! "Ibaba mo nga ako."
"I'm tired, Laura. I need to sleep. Let's talk later."
Napasinghap siya nang ihagis siya nito sa kama. Naramdaman niya ang paglubog niya sa kutson nang ihagis din nito ang sarili sa kama. Bago paman ulit siya makapagsalita ay binalot siya nito ng kumot hanggang sa bibig niya. Ginawa pa siyang lumpia ng loko. Kakawala sana siya nang bigla siya nitong yakapin.
Napakurap-kurap siya habang nakatitig sa kisame. Dios ko, masama pa lang inisin si Rave kapag kulang ng tulog. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa bandang tenga niya. Sa kabila ng makapal na kumot na nakabalot sa kanya ay ramdam niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETE
RomanceRAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng...