Kabanata 14

14K 473 50
                                    

HINDI magkandaugaga si Laura sa pag-aasikaso sa mag-ama. Inihanda niya ang mga gamit ni Rave at ang damit na susuotin nito. Pinaliguan pa niya si Ross at binihasan ng uniform nito. Siya na mismo ang pumili at nagprepara sa snacks ni Ross sa bag nito.

Mabilis siyang nagbihis dahil ihahatid pa niya ang bata. Hindi sila makakasabay kay Rave dahil baka gabihin ito kaya 'yong isang sasakyan ang gagamitin nila at si Mang Edwin ang magda-drive. Kumakain na sa mesa si Ross, iniwan niya muna.

Binalikan niya sa itaas si Rave. Mali-late na ito kapag 'di pa ito bumaba. Hindi naman siya papayag na pumasok ito sa trabaho na walang laman ang tiyan.

Naabutan niya itong tutok ang atensyon sa hawak nitong cell phone. Napabuga siya ng hangin. Kaya naman pala, nasa cell phone pala ang atensyon kaya 'di matapos-tapos ang 'sang 'to.

"Rave," esksaherado niyang tawag rito. Nilingon siya nito nang hindi inaalis ang mata sa screen ng cell phone nito. "Mali-late ka na, tama na 'yang cell phone mo."

Lumapit siya rito at marahas na hinablot ang itim na necktie nito sa itaas ng kama.

"Wait, I'm just checking something –" Nagulat ito nang bigla niyang isuot sa leeg nito ang necktie. Sumilay ang isang ngiti sa labi nito.

"Mag-necktie ka na, huwag ka na ring umasa, 'di ako marunong niyan." Inagaw niya rito ang cell phone nito. "Ipapasok ko na 'to sa bag mo."

Hindi pa rin maalis ang ngiti nito habang inaayos ang necktie.

"Kumain ka ng dinner mamaya, ha? Alam kong busy ka, pero importante pa rin 'yong nakakain ka sa tamang oras."

"I will, para sa'yo." Sa huli ay napangiti na siya. "I called Kevin, sinabihan ko siyang samahan ka mamaya sa ospital."

"Bakit mo ginawa 'yon? Busy si Kevin, may pasyente rin siya."

"Kevin is one of your brother's doctors. Duty niya para ipaalam sa'yo ang development ng kondisyon ni Lawrence."

Lalaslasan na talaga ako ng apdo ng brutal na doktor na 'yon. Iti-text na lang niya ito na okay lang kahit huwag na muna itong magpakita para sa kaligtasan ng mga lamang loob niya. Ewan ba niya at laging bad trip ang 'sang 'yon. Kumusta kaya mga pasyente ni Kevin? Buhay pa kaya ang mga 'yon? Speaking of that, kailangan na nga niyang kumustahin ang kapatid sa ospital.

"Here." Natigilan siya nang iabot ni Rave ang ikatlong paper plane sa kanya. "Keep it 'till the last paper plane."

"Paano ko naman malalaman na last na 'yon?"

"You'll know." Mabilis nitong dinampian nang magaan na halik ang labi niya saka marahan na hinaplos ang pisngi niya. Mabilis naman niyang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi.


"OKAY, para sure na wala na kayong naiwan at nakalimutan."

Baling niya sa mag-ama. Nakatingin ang dalawa sa kanya. Nasa labas na sila ng bahay at nakaparada na rin ang dalawang sasakyan.

"Rave, 'yong bag mo, 'yong usb, laptop, cell phone, car keys at wallet nasa bag mo na ba?"

"Yes, I checked it already."

"Ross, 'yong activity book mo, snacks, pencil at saka 'yong water bottle mo?"

"Mama Lara, kayo po ang nag-prepare nun lahat."

"Ay, oo nga, no?" Mabalis na tinignan niya ang loob ng bag ni Ross. "Okay, complete na. Halika na, mali-late na tayo. Humalik ka na sa daddy mo."

Kinarga ni Rave ang anak at hinalikan sa pisngi. "Halika na, baby –"aniya habang sinasara ang zipper ng bag ni Ross.

HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon