HABANG naglilinis ng working room ni Rave si Laura, aksidente niyang napatid ang trash bin nito sa may mesa nito. Kumalat ang mga nakalamkumos na papel sa sahig. Mabilis na naupo siya para linisin ang kalat.
Natigilan siya nang mabasa ang pangalan niya sa ilan sa mga papel. Bakit naman kaya may pangalan niya roon? Alam niyang sulat kamay 'yon ni Rave. Limang papel lang naman 'yong nasa loob kaya inabala na rin niyang basahin ang mga 'yon.
'Yong unang nabasa niya. Mukhang bored lang talaga si Rave. Puro Laura lang ang isinulat nito. Parang nag-doodle lang ito ng pangalan niya. Baliw 'yon. Talagang pangalan pa talaga niya ang pinag-trip-an.
'Yong pangalawa, natawa siya. Nakasulat doon ang, Laura likes me. Laura likes me not. At ang huling nakuhang sagot nito ay Laura likes me not. Halatang pinanggigilan ni Rave ang huling mga salita. May malaking 'x' pa sa katawan ng papel. Baliw.
'Yong pangatlo, malaking Laura lang talaga ang isinulat nito pero may heart. Cute nitong si Rave. Akala niya pa naman, busy 'yon kagabi. Kung anu-ano lang pala sinusulat nito.
'Yong pang-apat naman, nag-drawing ito ng airplane. Hindi lang simpleng airplane dahil effort talaga ang pagkaka-drawing nun. Halatang artist talaga ang gumawa. May lalaking naka-uniform na piloto na nilambitin sa may puwet ng eroplano. Natawa siya nang mabasa ang pangalan ng piloto, Mark Ashley. Nakasulat 'yon sa ibaba ng mga paa nito.
Sa ibaba nung eroplano may cute na batang lalaki. Malaki ang ulo at medyo chubby ang katawan. Hindi siya pwedeng magkamali, si Rave 'yong batang drawing. Kamukha kasi nito 'yong drawing. Demonyong-demonyo ang ngiti nito. Hindi niya mapigilan ang matawa nang sobra. Loko! Dinibdib talaga ni Rave ang malaking crush niya doon sa fictional character.
At sa pang-limang papel.
Isang malaking Rave <3 Laura ang nakasulat.
Natatawang natutop niya ang noo. Hindi niya tuloy alam kung paano pa titignan nang diretso sa mga mata ni Rave nang hindi natatawa. Feeling niya kasi, maalala niya ang mga isinulat ni Rave kapag nakita niya ito. Good luck!
Matago nga 'to, sayang, remembrance din 'to ng pagmamaganda niya.
"MAY NAKAKATAWA ba sa mukha ko, Laura?"
Mabilis na umiling siya. "Wala po."
Kanina pa siya nagpipigil ng tawa. Natatawa talaga siya. Hindi niya mapigilan. Pero wala siyang balak na ipaalam dito ang na diskubre niya sa trash bin nito kanina. Secret lang 'yon.
"Ang galang mo, ah?"
May paghihinala sa tingin na ibinigay ni Rave sa kanya.
"Wala nga, naalala ko lang 'yong nabasa kong jokes sa dyaryo kanina."
"Ano?"
"Basta, huwag mo na lang tanungin kung ano 'yon. Waley na kapag ako pa ang nagsabi."
"I won't mind hearing it though."
"Huwag na kasi, ang kulit. Kumain ka na riyan." Nakaharap siya rito. Nagsimula na rin itong kumain sa inihanda niya para rito. "Kumusta araw mo?" pag-iiba niya, ginabi na naman kasi ito.
Sa halip na sagutin siya ay sumilay ang isang ngiti sa mukha ni Rave. Hala, baka may good news. Na excite siya bigla sa reaksyon nito at napangiti.
"O, bakit? May masaya bang nangyari? Na close n'yo na ba ang deal?"
"Not yet."
"Hindi pa?" Nalungkot naman siya agad. "E, bakit masaya ka?"
"'Cause you asked me about my day."
BINABASA MO ANG
HB 1: HIS BEAUTIFUL START - COMPLETE
RomanceRAVE SANJERCAS - Five years ago, Rave had closed his life from the world and from everyone. Simula nang mamatay ang kanyang asawa ay itinuon na niya ang atensyon sa limang taong anak na si Ross, sa paggawa ng mga comic illustrations at pagsusulat ng...