Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 11

126K 4.3K 1.5K
                                    



I've been always wondering why birds can fly freely and reach high when some animals can't, isn't it unfair that birds can fly and walked on the ground while dogs can't fly?

Iyon ang aming topic ni Amrose nang matapos ang klase namin, nakikipagtalo siya na hindi raw puwedeng lumipad ang ibang hayop at klase ng ibon lamang ang nabiyayaan ng pakpak.

"Sige nga, paano kung dapuan ka ng kalabaw o baboy? E, 'di tigok ka?" naiiritang aniya.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya na kasama namin ngayon. Kaibigan niya lang dahil hindi ko naman close, mga plastik lang. Porke gumanda ang balat ni Rose nakipagbati sila? Parang noong nakaraan lang nagsumbong pa sa akin si Rose na binubully siya pagtapos ngayon nakikisama sa amin at parang walang bullyhan na naganap?

Wow, magic!

Umirap ako sa mga plastik na nakitawa.

"May nakakatawa?" sarkastikong tanong ko.

Agad akong nginiwian ni Amrose. Nagsitahimikan naman ang tatlong plastik, Chloe winked at me simply. I raised my brow at them.

"Sagutin mo nga kung bakit klase lamang ng ibon ang nakakalipad?" tanong ko.

Hindi agad sila nakasagot, iyong mataray na isa ay dumeretso ng pagkakaupo at ngumiti.

"Kasi may pakpak sila?"

Ugok! Pakpak mo mukha mo! Paliparin kita sa Pluto, e!

Naghalakhakan sila. I curved my lips in a sarcastic classy way, I chuckled and crossed my arms on my chest while looking at her with pure insult. Sumimsim ako sa aking frappe bago siya muling balingan.

"So, bakit naman may mga taong Barbie katulad mo?"

Humagikgik siya. Kumunot ang noo ko, ano'ng nakakakilig sa sinabi ko? Insulto iyon, bakit parang ako pa ang nainsulto na kinilig siya?

"Ano ba, Fiore? Alam ko namang maganda ako at mukhang Barbie pero hindi ko alam kung bakit." She shrugged. "Maybe, our genes?"

Halos matawa ako sa sinabi niya. My lips parted in amusement, I suddenly wanted to puke on her face and scratch her kaartehan at kayabangan.

Naubo si Amrose at Chloe, isa pa 'tong mga plastik. Tingin ko gusto lang nila itong ipakilala sa akin para ako mismo ang uminsulto, e. Sige, pagbibigyan ko. Namumuro na rin sa akin, e. Kanina pa banggit ng banggit kay Elexius.

Kesyo crush nila, nalulungkot sila dahil malapit nang umalis ng eskuwelahan. Kanina pa ako naririndi, wala silang karapatang banggitin si Elexius sa aking harapan.

I smiled sweetly.

"Oh, you got it wrong . . ." malungkot kong sinabi. "And what genes are you saying? Hindi ko mahanap kung saan banda ka naging mukhang Barbie . . ."

Yes, she has long silky black hair like Barbie, also tall and curvy but never mind the face na parang sinubsob sa harina at sinuntok ang labi sa sobrang pula. Isama pa ang parang pinompyang na mga pisngi sa sobrang blush on.

Walang awa sa make up?

Nagbungisngisan sila Amrose at Chloe, bahagya namang suminghap ang kanyang mga kasamang kinulang sa dibdib kaya nagkadera yata para lang umumbok.

Her mouth parted, halatang nainsulto.

"Ano'ng pinapalabas mo?" mukhang hindi na siya makapagpigil.

Ngumuso ako at pinilig ang aking ulo.

"Ano sa tingin mo? Hindi mo gets? Sabi ko, saan ka banda naging maganda? Kasi ang natatandaan kong sinabi ko ay katulad ka ng Barbie pero hindi kamukha."

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon