Kabanata 6
Burning FlowersElexius brought me home at five, kulay kahel ang kalangitan nang makababa ako mula sa kanyang sasakyan. Wala kaming ibang ginawa, he just brought to places in that farm. Pagmamay-ari pala iyon ng kanyang tiyuhin. Kung sino sa mga tiyuhin niya ay hindi ko na naitanong.
Nadinig ko ang pagsara ng pinto nang bumaba rin siya para lapitan ako, tumayo ako sa harapan ng aming gate at hinarap siya habang nakanguso.
"Thank you for bringing me there." sambit ko.
He bit his lower lip for a second and inhaled while looking at me. My heart is still in joy, hindi ko akalain na kahit may nalaman siyang ganoon ay tila wala lamang sa kanya... or maybe, he didn't hear it clearly?
Anupaman ay hindi ko na itatanong sa kanya dahil ayaw kong makaramdam na naman ng hiya. Trees swayed as the wind blows, halos mapasinghap ako nang hanginin ang buhaghag kong buhok.
"You're welcome..." he said quietly.
Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking labi, I want to ask him something. Hindi naman masyadong personal pero gusto kong malaman. Umawang ang labi ko, kalaunan ay bumagsak ang aking balikat.
I should not ask.
He raised his thick brow when he noticed that.
"Hmmm? What is it?" he asked gently.
Kumalabog ang puso ko, tuwing malambing ang kanyang tono ay nawawalan na ako ng tapang. Pakiramdam ko ay talagang bibigay ako anumang oras.
I bit my lower lip, I tucked my hair behind my ear and inhaled deeply.
"May gusto ba sa'yo si Minerva?" nagulat pa ako sa kalamigan ng aking pagkakatanong.
Just wanna know... I'm not very curious.
Kumunot ang noo niya, bahagyang pumilig ang kanyang ulo na tila hindi malinaw ang aking tanong. My face heated in embarrassment, I immediately waved my hand and turned around to open our gate.
"Whatever, I don't care. Huwag mo nang sagutin." sambit ko sa mataray na tono sabay lawak ng bukas sa gate.
Right! I don't really care if she likes him or he likes her! E, 'di magsama sila, ganoon lang iyon. And me? Hah! Of course, maganda pa rin kahit anong mangyari.
He chuckled in amusement.
"Ano ngayon kung may gusto siya sa akin?" amused niyang tanong.
Napahinto ako sa tangkang pagpasok, nanatili ang likuran ko sa kanya. I sighed heavily and bowed my head, kinagat ko ang aking labi sa kahihiyan.
Oo nga, ano naman ngayon? Gustuhin man siya noon o gusto niya o magkagustuhan sila ay wala akong pwedeng panghimasukan! Bakit ako nagtatanong?
"Wala nga akong pakealam, nacurious lang ako kasi mukhang may gusto ka sa kanya..." Ngumuso ako at marahang humarap sa kanya.
He's still standing there, looking at me. Nadatnan ko siyang nilalaro ang kanyang pang-ibabang labi gamit ang daliri, his eyes drifted on my chest. Napasinghap ako at pasimpleng binabaan ng tingin ang aking dibdib na halos dalawang butones na ang bukas.
Oh goodness, pasibol ka palang. Huwag ka munang magpakita na parang kaylaki mong dibdib!
"How did you say so?" mapaglaro niyang tanong.
Ngumuso ako at sinara ang butones ng aking uniporme, I sighed heavily and flinched slightly.
"Nakikita naman sa mga mata mo, and the way you're curious about her and that Sir Patrick. You sounded jealous." kaswal kong sinabi.